Bisperas ng fiesta.
Pagkaalis na pagkaalis ni Dylan, bigla namang dating nina Mama at Ate Elle.
Madami silang dalang grocery and feeling ko may handaan silang gagawin dahil sa mga pinamili nila.
"Ano meron, mommy?" tanong ko habang tinutulungan sila sa paglalabas nung mga pinamili sa paper bag.
"Fiesta na sa isang araw dito ah."
Ay shete. Oo nga pala. And I guess, sa fiesta na din uuwi mga pinsan ko. Omy. Sana di na ako mabored.
"Yayyy! Ano ba ganap dito pag fiesta?"
"Ay Ysabhella, mas masaya dito kapag fiesta kumpara sa atin sa Manila." Mommy.
"Paano? Eh, parang ang konti lang naman ng tao dito."
"Akala mo lang kaonti kasi hiwa-hiwalay ang bahay, pero madami din tao dito."
"Hmm. So, ano po mga ganap? May mga flores de mayo din, ganern? Yung pumaparada din" Tanong ko. Kasi ba naman, ngayon lang ako nakapagbakasyon dito ng malapit sa fiesta kaya first time kong makakaranas magfiesta sa bukid.
"Oo naman! Saan ka nakakitang fiestang walang flores de mayo?" Sabi ni Mama sabay tawa.
"Ignorante ka kasi." Ate Elle at tumawa din.
"Napaka naman ni Ate!" sabi ko dito.
"Tsaka pala meron ding sayawan dito hindi katulad dun sa atin." Dagdag pa ni Mama.
"Luhh, so, hindi naman ako marunong sumayaw kaya hindi yata ako mag-eenjoy?" sabi ko. Eh kasi naman, sa lahat, pinakaayaw ko talaga magsasayaw. Ewan ko ba, eh samantalang sina ate at kuya, magagaling sumayaw, anyare sakin? I hate dancing kasi talaga eh.
"Yung sayawan naman dito ay parang sa prom lang, kaya kahit di ka marunong, okay lang teh." Ate Elle.
Ah, so ganon pala yung sayawan dito. Okay, I hope masaya nga talaga.
Kinabukasan, nagising ako mga 10 na at pagkagising ko, ang ingay na naman. Aish, sino na namang dumating.
Lumabas na ako ng kwarto at kaya naman pala maingay dahil andito na mga pinsan ko.
Nakatingin lang ako dun sa kanila at hinanap yung mga tito at tita ko pero di ko makita at yung mga pinsan ko lang nakita ko kasi nasa salas silang lahat.
"Di uso maghilamos mamsh?" bati sa akin ni Cheska. Siya yung pinakaclose kong pinsan, actually lahat sila close ko pero si Cheska yung parang pinaka-bestfriend ko sa kanila.
"Oo na, nakakahiya naman sa inyo. Mga bagong ligo kayo, ako bagong gising lang." Sagot ko.
"Agang-aga, init agad ng ulo mo Ysa, chillax, basta di ako kasali diyan. Hahaha, si Cheska lang naman nagsabi nun, baka magalit ka din samin." Gabriel. Isa pa ito, nagbibiro lang naman ako, oa. Haha, siguro kasi kilala nila ako pag nagalit at naasar kasi lagi nila ako inaasar tas ngayon, gusto niya na siguro maging nice sa akin kaya ganyan magsalita.
Nagdiretso na lang ako sa lababo at naghilamos at nagmumog na. Mamaya na lang ako maliligo. Hindi din uso sakin maligo eh. Bakasyon kasi, kaya minsan nakakatamad. Pero kapag sobrang init talaga, doon talaga nagiging productive ang pagligo ko.
Pagkatapos kong maghilamos, lumabas ako dun sa bahay at nagpunta dun sa may garahe, andon mga tita at tito ko kaya magmamano muna ako tas sina ate at kuya at yung iba ko pang pinsang mga kasing age na nina kuya, andon naman sa kabilang side, chikahan agad sila. Bale tatlo lang naman yung pinsan kong yun na kasing edadan na nina ate, then kami nina Cheska ay 7 tas yung mga maliliit ko namang pinsan which is nasa 4 and 7 years old ay nasa United States. Naks, sosyal nung mga bata.