Simula
"Isa, dalawa, tatlo..."
"Ano bang ginagawa mo? Wala kang mapapala kahit bilangin mo pa yan ng bilangin." saway sa akin ng ate ko habang naandito kami sa balkonahe ng bahay ng aming Lola.
"Ang KJ mo naman, kakaumpisa ko pa nga lang magbilang." sagot ko dito at pinagmasdan ko na lang ang mga bituing kanina kong binibilang.
Hindi ko naman kasi talaga intensiyong bilangin iyon. Napagtripan ko lang bilangin kasi bored na bored na talaga ako dito sa bukid kanina pang umaga tapos tatagal pa daw kami dito ng dalawang buwan saka bumalik sa Manila.
"Bakit ba kasi walang wifi dito. Kaasar naman eh." reklamo ko at sabay na tumayo sa kinauupuan ko at pumasok sa kwarto. Hindi ko na inantay pa ang isasagot ng kapatid ko.
Dumiretso na lang ako sa kama at natulog na. Unang araw ko pa lang dito sa bukid na ito, bagot na bagot na ako, paano pa kaya sa susunod pang linggo at buwan. Kaasar naman eh.
Nagising ako sa mga ingay na narinig ko.
"Noong isang araw pa, dun lang kami muna tumigil ng sandali sa aking inay." sabi ng boses na nadinig ko.
"Ang mga anak mo?" tanong ng boses. Pamilyar ang boses, feeling ko si Tita yun? So, does it mean na andiyan ang mga pinsan ko? Oh, thank God, di ako mabobored.
"Naandoon sa kwarto, natutulog pa." sagot ni Mommy.
Kinuha ko ang aking phone at tiningnan ang oras. Alas nwebe na ng umaga at tulog pa ang dalawa kong kapatid.
Bumangon ako sa hinihigaan ko at lumabas na ng kwarto.
Pagkalabas ko agad kong hinanap ang mga pinsan ko na anak ni Tita Alena ngunit di ko makita kaya't dumiretso na lang ako kay Tita Alena at nagmano.
"Aba nga naman! Ang laki mo na Hija ah. Anong grade ka na ga?" tanong sa akin nito.
"Grade 12 po." sabi ko at ngumiti dito.
"Ah, maggrade 12 ka na sa pasukan?" tanong nito na manghang-mangha.
"Opo." Sagot kong muli at ngumiti.
"Ay ano ang kursong kukuhain mo?" tanong pang muli ni tita Alena.
"Med-tech po." sagot ko. "Nasaan po sina Aliana?" tanong ko agad sa kanya.
"Ay hija, sa isang araw pa sila pupunta dito eh at mag-eenroll daw muna agad sila ni Arthemis eh." mahinhing sagot ni tita Alena.
Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya sabay talikod at dumiretso sa banyo para maghilamos.
Grabe, kung kailan nakapag-usap na ako saka pa ako maghihilamos.
Pagkalabas ko ng banyo ay dumjretso na lang ako sa salas at binuhay ang tv.
Ililipat ko sana ito sa ibang channel ngunit channel 2 at 7 nga lang pala ang palabas at wala akong gana manood sa parehas na channel kapag umaga, mas gusto ko ay yung mga pelikula. Arte ko talaga kahit kailan.
Pinatay ko na lang ang tv at dumiretso na lang sa kusina upang kumain kasi gutom na din naman ako kaya't kumain na lang ako.
Pagkatapos ko kumain, inutusan agad ako ni Mommy na bumili ng toyo at suka sa may tindahan doon sa kalapot na baryo namin dito kaya't sumunod na lang ako kasi bored na bored na naman ako eh.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad na patungo doon sa tindahan na sinasabi niya.
Hindi naman siya kalayuan, pero malayo-layo sa bahay namin ng konti.