Charger.
"Bakit po?" tanging iyan ang aking nasabi. Ay ano pa bang sasabihin ko? Hello? Hi? Parang shunga lang noh.
Seryoso ang mukha niya. Walang ngiti, walang kahit na anong ekspresyon.
"Ikaw ba si Ysabhella?" tanong niya.
"Oo. Bakit?" ngayon, napansin ko ang kabuuang hitsura niya, sa una hindi ko agad maidescribe yung hitsura niya, pero ngayon, iba ang hitsura niya, makisig na makisig, kumbaga. May pagkaseryoso ang hitsura niya, lalo na't noong una ko siyang nakita.
"Pinapatawag ka nga pala ng Mommy mo, uuwi na daw kayo." seryosong sabi nito habang nakatitig ng diretso sa akin.
Gusto ko siyang tanungin kung siya nga ba talaga yung nakasalubong ko kanina pero wag na lang kasi common sense na yun, syempre matatandaan ko talaga na siya yun dahil ilang oras pa nga lang ang nakakalipas eh.
Dali-dali na lang akong umayos ng tayo at tumayo na sa inuupuan.
"Ay ganon ba! Sige thank you!" sabi ko dito at ngumiti ako sa kanya.
Hindi siya ngumiti, tumango lang siya, at tinalikuran na ako. Ay grabe, bakit ganito naman ito?
Dumiretso na lang agad ako sa paglabas sa may terrace at nagtungo kina Mommy na nakatayo na para nga makauwi na kami.
"Mommy, si Kuya Jarrick, ayaw na umuwi, hindi ko makausap ng ayos at lasing na lasing eh." Ate.
"Hay nako, kaya ko nga pinagbabawalang mag-inom kanina eh, ay hindi naman nakikinig. Tigas talaga ng ulo ng kuya mo."
Nakatingin lang ako sa kanila. Ano ba yan, gusto ko nang umuwi, please!
Pinuntahan nila ni Mommy muli si Kuya Jarrick at tinawag ito na uuwi na kami pero hindi naimik at papikit-pikit na.
"Rosie, dito na lang daw muna tayo matulog at gabi na pati, malayo-layo din lalakadin natin pauwi tapos lasing pa yang si Jarrick." Sabi ni Tita Alena na kakalabas lang galing sa loob ng bahay.
"Sinong may sabi? Nakakahiya naman, wag na, uuwi tayo." Mommy.
Eeh naman, pahumble pa si Mommy eh, feel ko naman na gusto din niyang dito na matulog kasi ang hirap mag-akay ng lasing.
"Sabi ni Tita Leda, (asawa ni gov.) ang hirap umuwi bagay ganyan eh." Tita Alena.
"Ay siya, sige na nga. Ysabhella, pumasok ka na sa loob at sumama ka muna sa iyong tita. Kami na bahala dito ng ate mo, susunod na lang kami diyan." Utos ng mommy.
Sumunod na ako kay Tita Alena at hindi pa din niya alam kung saan ang kwarto kaya't naupo muna kami ng sandali doon sa may sofa.
Nakapikit na ako, handa na akong matulog kasi antok na ako pero may biglang umimik na naman.
"Tara na po sa taas, at mukhang tulog na po ang inyong katabi." husky, deep voice of his. Kahit di ako tumitingin, pakiramdam ko, boses niya iyon.
Tumawa lang si Tita Alena. "Oo nga eh." At kinulbit niya ako para gisingin kahit gising naman talaga ako, nakapikit lang ang mga mata ko.
"Ysabhella, tara na daw sa taas, doon ka na matulog."
Inangat ko na ang tingin ko pero sa halip na kay Tita Alena tumama ang mga paningin ko, bakit sumakto pa sa kanya? Ay nako, anong pake mo ba Ysabhella, jusko.
Agad naman niyang inalis ang tingin din niya sakin tapos tumayo na agad ako kasi nagsimula na siyang maglakad paakyat.
Nakarating na kami sa taas, mayroon itong limang kwarto, bukod pa ang dalawang kwarto sa baba.