Chapter 16 JELL-Ous

10K 120 3
                                    

Den's POV

Bakit ako nasa higaan na? Alam ko sa sofa ako nakatulog eh. Hmmm sino tong mabigat na to nakadapa sa tiyan ko. Tinignan ko yung damit niya. Ah si Dumplings to kita naman sa likod nang shirt niya may nakasulat na Valdez haha!

Pupunta muna ako sa sala para mapuntahan ang mga ingay na yun. Pagbaba ko nakita ko silang nanunuod ng horror movie. Nakita ko din na madami silang pagkain doon mukhang nakapag-grocery na sila madami din na juice, gatorade, at kung ano pa.

Fille: Waaah!! *niyakap si Gretchen*

Gretchen: Dapat palang lagi kang nanunuod ng horror movies para mayakap mo ko

Dzi: Oh gising ka na pala Den. Si Aly?

Den: Tulog pa din. Mukhang nakapag-grocery kayo ah

A: Yeah wala na kasing pagkain sa ref niyo kawawa naman kayo haha

Den: May bread ba tayo diyan?

Julia: Yes ate and may binili din akong favorite niyo na palaman. Nutella.

Den: Wala kang binili na pangtuna sandwich? 

Julia: Meron hanapin mo na lang ate

Den: Sige thanks

Ella: Ano gagawin mo diyan Besh? May food naman dito ah

Den: Ipapaghanda ko lang si Phenom ng snack

Bea: Naku dapat lang Den Den. Iniwan mo siya magbuhat ng maleta natin eh haha and siya pa nga nagbuhat sayo

Den: Oh? Wow ah

Dzi: After mo hatiran si Aly ng snack punta ka na dito para manood

Den: Okay po

Favorite ni Ly yung Tuna sandwich ko eh. Habang nagchochop ako ng tomatoes nasugatan ako arrgh ang hapdi

Den: Aray. Shit!

Ella: Nahiwa ka?

Den: Yeah

Ella: Alam mo naman gagawin mo diba? Wag mong titigan haha Doctor ka eh

Den: Oo na

Hinugasan ko muna ang mga kamay ko and nilagyan ng alcohol at band aid. 

Pinagpatuloy ko nang gumawa ng tuna sandwich si Ly. Pakatapos kong gumawa ginawan ko din siya ng orange juice.

Pagpasok ko sa kwarto tulog pa din si Aly hmm siguro napagod nga talaga to. Pagkalagay ko ng snack ni Ly umupo muna ako sa gilid ng higaan namin tinignan ko siya habang hinahawakan ko ang ulo niya. Aalis na sana ako pero nakita kong nakasuot pa din siya ng sapatos at pawis na pawis likod niya. Tinanggal ko shoes and medyas niya pinalitan ko din shirt niya. Naisipan kong palitan na din yung pambaba niya pero nakashorts naman siya kaya wag na. Binuksan ko na din yung aircon at nilagyan ko siya ng kumot. Parang hindi lang niya ako girlfriend noh? Nanay na din! Haha! Bumaba na ako makikisama na muna ako kanila Ate Dzi habang nanunuod ng movie.

Aly's POV

Pagising ko nakita kong medyo madilim na kinuha ko muna phone ko may napansin akong may pagkain sa tabi ng phone ko hmmm Tuna sandwich? Si Den gumawa nito haha may orange juice pa wow may letter din.

Hey dumplings! Favorite mong snack na ginagawa ko! Tuna Sandwich and Orange juice! Kainin mo muna yan bago pumunta sa sala kung di mo yan kakainin sige ka magtatampo ako! Pinalitan ko pala yung shirt mo pawis na pawis ka na eh kaya binuksan ko na din yung aircon! Baba na ah after kumain! <3 -Den Den

Lucky~ (AlyDen Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon