Aly's POV
4 days to go 1 year na kami and I only have 4 days na makasama siya hanggang ngayon di pa ako nakakaisip ng decision. Ngayon last training na namin para sa bukas oo para bukas dahil finals na namin versus sa DLSU Lady Archers ulit. Kasama namin ang fab 5 ngayon with Bea Tan, Natasha Faustino, and Mona Bagatsing dahil finals na daw. Andito kami sa BEG wala nga kaming pasok eh dahil sa full day training and meditation ni Coach Tai hay memories yung araw na naramdaman ko to I mean yung dahil sa training na to doon ko naramdaman ang totoong feelings ko. Nakaupo ang buong ALE sa floor kasama sila oldies. May tumatawag sa akin..
Incoming Call.. 09---------
Sino ba kasi to? Panira ka naman ng moment -_- Tumayo ako at naglakad palabas
A: Oh baldo saan ka pupunta?
Aly: Sasagutin ko lang to. Importante lang
Gretch: Sabihin mo na lang chix yan para share tayong 3 ni A diyan haha
Dzi: Hoy Greta wag mong idadamay tong baby A ko!
Gretch: Sus di na yan baby! Tanda na yan eh
Aly: Sige guys sasagutin ko lang to
Den: Baik ka agad dito!
Aly: Opo
Lumabas ako ng BEG and I answered the phone
Phone Conversation:
Aly: Yes? Sino to?
?: Hi Valdez. Long time no talk ah? Kilala mo na to haha yung hayop na nangugulo sayo right?
Umiinit dugo ko. Si hayop na nanggugulo sa relasyon namin bakit ba ang daming tanga? alam na nga na di na pwede susubukan pa! at di makaintindi na di na siya pagbibigyan ni Den ng chance!!
Aly: Oo kilala kitang hayop ka! Ano nanaman ba kailangan mo?! Ha?!
?: Ang kailangan ko lang naman ay ang mahal ko. Si Denden
Aly: Hinding hindi mo siya makukuha sa akin
?: Oh is that so sige Valdez wala pa namang anniversary niyo kaya paghandaan mo yang loob mo ah? Baka mawala yang isa sa mga mahal mo sa buhay o kaya yung pinakamamahal mo? Ay! Valdez gusto mo isama kita sa choices na mawawala? para naman may kasama yang mga unang mawawala na isa sa mga mahal mo?
Aly: HAYOP KA!! ASSHOLE! Bakit ka pa ba tumawag ha?!
?: I know right? Pinapaalala ko lang sayo na malapit na anniversary niyo and good luck ah? Pasiyahin mo siya sa araw na yun and iwanan mo rin para sa akin. HAHAHA BYE.
*tooooot*
Binaba niya. Ang fucker niyaa! Ano ba kasi pumasok sa isip ng taong to? I mean ng hayop na to! Such an asshole. Ano na gagawin ko?! Naiiyak ako sa galit kailangan kong ilabas to ngayon na kaso kailangan ko ng ako lang! Pagkapasok ko ang saya saya nila at tumatawa di ako lumapit sa kanila at ako naupo sa isang dulo na malayo sa kanila para makapagisa.
Habang tinitignan ko lang sila medyo gumagaan loob ko dahil nakikita mo mga mahal mo sa buhay na masaya mas lalo na si Den na siya na ang buhay at buong laman ng puso ko. I love you Den. Ano na gagawin ko sa inyo? sayo Den? Kaya kong ibuwis buhay ko para sa inyo pero sino magmamahal sayo Den? Yung gagong hayop na yun? Unang tingin ko pa lang doon criminal na kahit ugali na niya yun. Natatakot ako sa mangyayari hindi dahil sa akin na pwede ako mamatay pero sayo Den sayo ako natatakot kung ano mangyayari sayo at sainyo ng team paano kung saktan pa kayo? paano kung may mawawala dalawa o isa sa inyo. Paano na kayo? Mas pipiliin ko pa ba sarili ko? Ano na ba gagawin ko?! T_T
