Aly's POV
Batangas here we come! Di pa pala alam ni Dennise na kasama siya sa Batangas kaya surprise na lang hihi! Pero naayos ko na rin gamit niya habang tulog siya. Gagawa ako ng surprise kay Den. Ang himbing ng tulog niya actually kanina ko pa siya tinititigan dahil maala- anghel yung mukha niya. Kakaligo ko lang kaya magaayos na ako kailangan daw kasi maaga kami makarating sa Batangas.
Ayan nakaayos na ako check ko na lang gamit ko. Pagkatingin ko sa bag ko may nakita akong poop haha yung ireregalo ko sana kay Ella na prank. Haha sige dadaan ako sa kwarto nila. Pagkapasok ko inilagay ko yung poop sa unan niya kung saan siya nakaharap HAHAHA. May nakita naman akong marker pero walang papel. Hmmm... TING. HAHA. Okay sinulatan ko siya sa noo niya "4-2 na Ellapots. Call me later! Merry Christmas!" Malakas topak ko ngayon haha. Dapat 3-2 pero since may ginawa nanaman akong kabalbalan nagdrawin ako ng pusa sa mukha niya may whiskers malapit sa bibig, initiman ko yung nose niya, and basta features ng pusa NYAHAHA. Merry Christmas Ella :)
Okay so natapos ko na prank ko kay Ella now naman kay sweetie. Binuhat ko siya papunta sa sasakyan at pinaandar na ito kumuha ako ng blindfold at tali. Itinali ko yung tali sa kamay ni Den at blindfold siyempre kung saan itnatali yung blindfold.
Ilang oras na rin ako nagdadrive papunta sa amin at tuog pa din si Den -__- hahaha. Mga saktong 5am kami umalis pero 10:30am na tulog pa rin tong si Den at andito na kami sa Batangas malapit na rin ako sa barangay namin sheez haha sa bagay nakakapagod yung kagabi. I mean yung party wag maruming utak. Binuksan ko na yung radio at nagpatugtog
Den: Mmmm
Mukhang nagising sa radio ah? Dapat pala kanina ko pa binuksan haha kasoo patay ako neto 3 kasalanan ko sa kanya shit. Una, di ko sinabi sa kanya yung iuuwi ko siya sa amin. Pangalawa, nakatali at nakablindfold pa siya na for sure mas magagalit siya nito. Pangatlo, huhu nakapangbahay pa siya kasi ang suot niya naka-pajama and spaghetti lang siya samantalang ako nakaporma.
Den: Huh? Ano too?! Alyssa asan ka?! Sino ka? Please ibalik niyo na ako sa bahay ko at sa mahal ko
Okay di ko na kinaya kaya aalisin ko na kasi ang dami ko rin ginawang kabalbalan kay Den for sure magagalit na yun
Aly: Chill ka lang Den *inalis yung blindfold at tali*
Den: ALYSSA?! Ano ba?! Alam mo bang paiyak na ako ha? Ano ba pumasok sa kokote mo ha?
Aly: Uhmm Surprise?
Den: Surprise? What?! Diba uuwi ka sa inyo?!
Aly: Oo nga uuwi nga TAYO.
Den: Anong tayo?! At tiyaka nasaan TAYO ngayon?
Aly: Batangas
Den: Dalawa na kasalanan mo Valdez kapag naging tatlo na to ngayon lagot ka talaga sa akin at di mo man lang ako ginising para makapagayos man lang?
Aly: Surprise nga eh
Den: Bahala ka sa buhay mo magbibihis ako at tumigil ka kahit sa isang restaurant man lang diyan para makapagbihis
Aly: Wala ng restaurant dito at... tiyaka uhmm andito na tayo sa bahay? *tumigil sa bahay nila*
Den: VALDEZ!!!!!!!!!!! BAHALA KA NA SA BUHAY MO. ANO IHAHARAP KO KANILA TITO AT TITA AH? NAKAGANITO LANG AKO AT DI NAKAAYOS SO GANUN HA?
Aly: Di naman maarte sila paps eh kaya tara na sa labas hinihintay ka na rin ng family mo *lumabas na sa sasakyan at pinagbuksan si Den*