Den's POV
Nakauwi na rin ako from the hospital kanina kailangan ko ng pahinga for 1 week and yun na todo kayod nanaman ako
Paano na ako mabubuhay na wala si Aly sa tabi ko? Paano na?
Ella: Oh besh magpahinga ka daw ah?
Den: Sige akyat na ako magpapahinga na rin
Umakyat na rin ako nagiisip isip sa mga susunod na mangyayari. Paano ako kung wala ka Aly?
Pagkapasok ko andoon pa rin ang mga kinabit ko sa room na mga balloons na may picture namin.. Akala ko tinanggal na nila nakita ko rin ang isang blank na papel na may nakasulat na "1st Anniversary" Hmm.. Eto ang sinulat ko para sa kanya. Di ko pa rin maiwasan maluha. Pahiga na sana ako kaso may nakita akong box na kulay blue with red ribbon at isang.. CD?
Una kong binuksan ang blue na box na may naglalaman na gold necklace nakasulat ang pangalan ko Dennise may puso sa likod at may parang whistle din ang puso na nakakabit sa necklace. Isinantabi ko muna ito dahil nacucurious ako sa CD na nakalagay sa higaan may nakasulat pang "Happy Anniversary"pero may bura ito. (Chapter27) Agad kong binuksan ang dvd player at ang tv. Inilagay ko na ang CD sa may dvd player. May mga categories ito. Madami rin pala. From.. Una namin pagkilala?!
October 2006
Aly: Uh... Hi! I know na it's kinda weird na magvideo ng ganito peroo ayoko kasi magdiary kaya video na lang para mailabas ko lahat ng nararamdaman ko.. So.. I met this girl.. Her name is Lazaro. Dennise Lazaro actually. She's from CSA Makati naglaban kami. As expected panalo kami ng girls haha sorry for being mayabang. Pero hanga ako sa kanya kasi sa liit niyang yan ang lakas niya pumalo just like De Jesus yung taga St. James ata? Basta this Lazaro girl makes my head go craaaaazy lagi ko siyang naiisip mas lalo na yung nakipagkaibigan ako sa kanya and she said
(Honey Alyssa! Dinner is ready!) I guess si tita yun haha
Aly: Be right back? I guess? Hehe!
May smile at luhang pumatak sa mukha ko. Ang cute niya. But what happened now? Nakipag break siya for no reason? Why paano ko maintindihan? Nagplay naman ulit ang CDMarch 2007
Aly: Last day of school kahapon pati rin si new friend Dennise so niyaya ko siya with Kimmy and si Tasha na friend niya kanina. Ang saya saya talaga! Minsan di ko talaga alam kung ano nangyayari sa akin kapag kasama ko siya. Pinipigilan ko lang at tiyaka I'm too young to experience that kind of feeling! 1st year high pa lang ako well second na pala and di ako pwede mainlove sa babae. Sheez. Kung mutual lang feelings namin? Ewan ko rin siguro hmm puppy love na lang matatawag ko diyan. I mean maganda naman siya, matalino, maputi hehe, blue eyes?, bangs niya, smart makipagusap, sobrang bait, clingy, at understanding wala ka nang mahahanap pa! But still baka naguguluhan lang talaga ako sabi ni Dindin pero si Kimmy sabi niya ganyan rin ang nararamdaman niya sa whatever chuchu niya. Bi siya eh. Ayokoo maging bi huhu pero ang ganda talaga ni Denden Lazaro.July 2007
Aly: Hello there! Alyssa Valdez here! Bukas na opening ng girls v-league namin! Makikita ko ulit sila Den kaso sila ang una naming kalaban so sad nga lang! Good Luck sayo Den! :)
December 2007
Aly: Di na ako nakakapagvid ah? Sorry po. Busy lang! Busy din ako kasama si Den hehe nagyaya siya after v-league na maghang out sometimes so totoo nga ang promise niya! Oh Den in love na siguro talaga ako sayo ikaw lagi ang laman nito simula pagising ko hanggang sa pagtulog ko. I love you Den!