Aly's POV
Papunta kami sa bahay nila Den ngayon kasi doon kami magbabagong taon. Ito kami nagbibiyahe na matagalang biyahe pa to from Batangas to Paranaque. Wag daw sa Makati sabi nila dad dahil daw mas maganda kung doon kaming lahat sa rest house kaysa sa Makati dahil puro condominium ang makikita namin at hindi puro mga bahay pero sa January 1 naman kami pupunta doon para makita daw nila paps yung business nila at baka maging business partner pa sila sa company namin kasi baka magtayo din ata kami ng mga condominium.
Kakasabi ko lang din na nagbibiyahe kami. Nasa sasakyan ko ngayon kaming magkakapatid at ang Lazaro siblings pero si Mosh andoon kanila dad kumbaga puro young adults andito masaya naman kasi puro kami kantahan at kwentuhan kaso si Kuya Jon puro kalokohan ang kinekwento niya sa amin at naku nakapagrecruit pa sa kalokohan niya si Taylor pa talaga tsk tsk. Share ko sa inyo about sa mga kapatid ko. Si Kuya Alex (26 yrs. old) siya yung panganay namin siya yung tipong seryoso, tahimik, ubod ng bait, at mahaba ang pasensya parang siya na rin yung best friend ko. Nagtapos siya ng BSBA (Bachelor of Science in Business Administration) kaya katulong siya ni paps sa company namin. May pagka-emo rin siya dahil sa first and last gf niya na niloko lang siya at iniwan. Si Kuya Jon (24 yrs. old) naku yan ang ubod ng kulit, pilosopohan, pasaway, at talino. Yan yung taong kahit pasaway may talino rin proud sister ako haha at may banda rin yan si kuya kaso umalis muna siya para daw tapusin ang med school pero kapag wala siyang gagawin o kaya walang pasok makikijam siya sa banda niya mga kabanda niya kasi tapos na rin sa pagaaral at ganun rin kabusiness partner nila paps. Oo magmemed school siya dahil gusto niya maging doctor edi maganda diba? Kasi pwede siya pumasok sa hospital nila Den. Si Kuya Jon ang parang coach ko kasi siya nagtuturo sa akin noon nung elementary pa ako ng volleyball. Si Kuya Michael (23 yrs. old) siya naman yung tipong chik magnet, womanizer tulad rin ni Kuya Jon kaso di ganun lapitin ng chiks kasi mas may looks and katawan pa si Kuya Michael haha well totoo naman kasi. Kakagraduate ang niya ng Law kaya katulong rin to sa company kasi kailangan ng law sa business eh.
Nagkakantahan kami ngayon at bonding na rin sa loob ng sasakyan natutuwa din ako kasi si Den at Taylor comfortable na sa mga kapatid ko at di na nahihiya
Magda-drive ako hanggang Baguio
Magda-drive ako hanggang Bicol
Magda-drive ako hanggang Batangas
Tapos magswi-swimming doon sa beach
Isasama ko ang girlfriend ko *tinignan ko si Den*
Isasama ko kahit sinong may gusto
Kahit may kasama siyang aso *tinignan ko naman si Kuya Jon na nakakaloko at napatingin rin sa akin*
Basta't meron siyang baong sariling buto
Kuya Jon: Oh ano tinitingin tingin mo diyan Alyssa?
Aly: Ikaw yung aso hahaha
Kuya Michael: Hay naku! Sinisira niyo yung kanta eh!
Pinagpatuloy na lang namin yung kanta ganito rin kasi ang bonding namin na magkakapatid. Maya maya nakatulog na silang lahat except sa amin ni Kuya Jon kasi si kuya yung nagdadrive at ako andito sa likod katabi sina Den, Taylor at Kuya Jon sila Kuya Michael at Kuya Alex nasa harap. Tumingin na lang ako sa bintana
Kuya Alex: Kamusta ka naman bunso?
Aly: Okay lang naman kuya
Kuya Alex: Ahh. Pagaaral?