Den's POV
Habang kumakain kami dito sa cafeteria ng hospital nagkwentuhan kami about sa plans namin for the next game. Pero may nakita akong familiar na face na dumaan sa labas ng cafeteria. Kasi ganito yun may window na malaki sa cafeteria na kung saan makikita mo ang hallway at tapat ng cafeteria is yung counter na malapit sa exit. Di ko na lang pinansin baka namalik mata lang ako o kaya magkahawig lang sila or something. Tinigan ko lang siya habang papalayo since malapit ako sa bintana.
Ella: Besh? Nakikinig ka ba? Mukhang may tinitignan ka sa labas ah?
Den: Ako? Ah wala wala yun. Sige makikinig na ako may nakita lang kasi akong familiar na face
Ella: Ohh..
Coach Cha: So I was saying..... Blah blah blah
After ng 20 minutes tapos na sila magsalita at sa loob ng 20 minutes wala akong naintindihan hahaha ikaw ba naman? Puyat tapos naglaro? Diba aantukin ka nun and yung nakita ko talaga ang familiar ng face.
Sir Tony: So girls mauuna na kami nila Coach Cha, Parley, and Tai ah? Maiiwan naman sila Fille and Gretchen dito. Pero yung iba kung gusto ng sumabay sa amin sige sumabay na kayo.
Sumabay sila Julia, Mich, Ana, Kim, Jamie, Gizelle, Marge, Jirah, and yung rookies except for Beadel. Umalis na sila and kami naman pupunta na kami sa room ni Alyssa.
ELLAvator.
Amy: We're now on the ELLAvator so where's your destination please? Ella?
Ella: Ako ang nakita mo? Porket andito ka sa ELLAvator ko?
Amy: Ha? Hahaha
Bea: Hindi naintindihan ni Ate Amy hahaha!
May mga bata na nakaupo sa wheelchair at natuwa siya nung nakita niya kami. Ang ganda niyang bata. Maputi, Brown hair, Hazel eyes, at ang cuuute talaga pero ang pale niya. Nilapitan ko siya.
Den: Hii. Fan ka ba ng Ateneo Lady Eagles baby girl?
Baby: Yes po ate. Hi po Ate Ella, Ate Mae, Ate Bea, Ate Amy, Ate Fille, Ate Gwetchen
Natawa kami sa Gwetchen haha ang cute kasi. Kaya nag-Hi din sila
Nakita ko mommy niya na naiiyak
Baby: Mommy wag ka na pong umiyak. Magiging okay rin po ako promise mas lalo na pong nakita ko na po sila Ate idol pero wala si Ate sexy eh
Den: Ate sexy?
Baby: Opo. Si Ate Alyssa
Den: Ah eh si Ate Alyssa andito rin siya sa hospital
Baby: Ohh..
Hinawakan niya kamay ko at hinihila niya pababa kaya lumuhod ako. Pagkaluhod ko kiniss niya ako sa cheeks at natuwa ako kasi ang cute niya and ang soft ng lips
Baby: Ate Baby blue eyes pakibigay naman po kay Ate Sexy yan para pampa-galing
Den:Suure baby makakarating
Nakita ko naman mommy niya na umiiyak ulit kaya nilapitan ko siya at tinanong kung bakit
Den: Mommy bakit po kayo umiiyak?
Mommy: Naaawa lang ako sa anak ko kasi ooperahan siya ngayon sa heart may butas kasi
Nilapitan ko ulit yung baby girl at kiniss siya sa cheeks. Mahilig ako sa bata eh.