Chapter Thirty Two

3.4K 99 1
                                    

Grief

Tulad nang inaasahan ni Jazelee ang nakita niya sa kanyang panaginip. Isang nagliliyab na gubat at ang usok na nanggagaling roon ay may iba't ibang kulay. Ang mga kulay na iyon ay nagmumula sa mga alay na unti-unting kinikitilan ng buhay.

"Those heartless bastards!" rinig niyang sabi ni Vladimir.

"They don't have a heart from the very beginning", sabad ni Celestina.

Tipid na napangiti si Jazelee habang pinagmamasdan ang dalawa na nagtatalo. Walang kasiguraduhan kung makakalabas sila doon ng buhay pero the least she could do is try.

Ganoon na lamang ang pagsinghap niya ng makita si Ezekiel na papunta sa kampo ng kalaban. Sa magkabilang kamay nito ay sina Aries at Indigo.

"What the hell is happening?" maang na sabi ni Vladimir.

Tila naman nasagot ang tanong nila sa paglitaw ni Xindel hawak ang walang malay na si Summer. Ito ang wolf na nagreject kay Celestina.

"That traitor!" angil ng dalaga.

Pilit niyang tinawagan sa pamamagitan ng link ang kanyang asawa ngunit dahil nasa katawan siya ni Seira ay walang naging epekto iyon.

"They're not a traitors. They're being controlled by the witches", aniya.

Ngayon ay pinagsisisihan na niya na nawalan ng malay ang kanyang asawa. Dahil doon ay nakontrol ito ng mga witches.

"But Summer?"

"They can't control her. She's pregnant", dagdag niya na nagpasinghap dito.

Ipinuwesto na ang mga alay sa korteng pabituin kasabay ng unti-unting pagsilay ng blood moon. Napailing siya ng itali si Ezekiel sa gitna sa tabi ng walang malay na si Seira. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto ang nangyayari. Once Elena or Hamara wakes up ay si Ezekiel ang unang bubungad sa kanya at ito ang unang kukuhanan ni Elena ng dugo.

"Celestina I need you to switch me back now to my body"

Nalilito naman siyang tinitigan ng dalaga.

"But Celestina--"

"Now! Celestina",

Pumitik ito sa ere as on cue ay nawalan ng malay ang katawan na nasa tabi nina Celestina. Napamulat siya ng mga mata na nagpagulat sa mga kampon na naroon.

Hindi kaagad nakahuma ang mga kalaban sa biglaang pagsulpot ng mga kasamahan niya.

Una niyang pinuntahan ang asawa na nakatali at kinalag iyon.
"You're safe now--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng sasaksakin siya ni Ezekiel sa likuran.

"No", mahina niyang bulong. Ngumiti naman ito sapat na para gumapang ang kilabot sa kanyang katawan.

"Surprise?"

"H-Hamara?"

Hinugot nito ang kutsilyo sa katawan niya at dinilaan ang parteng may bahid ng dugo.

"Do you think na ikaw talaga ang vessel? Huh! Think twice! You're just a lowly oracle!" anito at tinadyakan siya. Napaubo siya ng dugo dahil sa tinamaan ng saksak.

"Ezekiel, please.. c-come back to me!"

"Tsk. Tsk. Are you deaf oracle? Your alpha is no more! I've already claimed his body!"

Pilit siyang nagkakawag kawag nang sakalin siya nito at iangat sa ere. Ininda niya ang muling pagbaon ng patalim sa kanyang sikmura para lang maipatupad ang kanyang huling plano na na naiisip para mailigtas ang asawa.

"Die, oracle! Die!"

"E-ezekiel I-I loved you", pabulong niyang sabi at sa natitirang lakas ay inabot ang leeg ng asawa at kinagat iyon.

Ibinalibag naman siya nito at tumama siya sa isang puno dahilan para lalong bumaon ang saksak sa kanyang katawan.

Tila isang manika siyang bumagsak sa lupa habang nakatunghay sa buwan na unti-unti nang bumabalik sa dating kulay.

"What did you do oracle?!" galit na sigaw ni Elena.

"E-e-ezekiel and I are m-mate. Mo-moon goddess... made us one. No o-one can separate us", mahina niyang bulong bago pinakawalan ang huling hininga.

NAPATINGIN si Ezekiel sa paligid, everything seems back to normal except that something wrong is going on.

Bumaling siya sa kasamahan na duguan ang katawan..
"What happened?"

"The war are finally ended. She can't possess any body from now on",

Kumunot naman ang kanyang noo dahil mukhang pinabagsakan ng langit ang mga ito.

"Then why are you so sad? Where is Jazelee?"

Tumingin ang mga ito sa likuran niya. Halos mapugto na ang hininga niya habang pinagmamasdan ang walang buhay na asawa habang yakap  ni Aries. Umiling lang ang lalaki at ibinigay sa kanya ang ang walang buhay na asawa.

"Jazz, wake up! Asawa ko gumising ka naman!"

Ganoon na lamang ang lakas ng hagulhol niya ng wala na siyang makapa na pulso o pintig sa babae. Ang asawa niya tuluyang nang nawala sa kanya.

MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon