1- Her PestiLove

62 1 0
                                    

Nella


One more month and I'll be 18. Old enough to do what I want to do, legally can do whatever I want. Isang buwan na lang at makakaaalis na ako sa kulungang ito. Isang buwan na lang at makakalaban na ako. Isang buwan na lang at magiging malaya na ako. Isang buwan na paghihintay na lang.

Tumunog ang toaster hudyat na tapos na ang tinotoast kong bread. Hindi na ako nagtaka nang makitang medyo umitim ito dahil nakalimutan ko na namang iset nang tama ang timer. Kinain ko na lang ang isang piraso, ininom ang kapeng tira na kanina ko pa hinihigop. Pagtingin ko sa orasan ay saktong 7:15 na . 7:30 at magsisimula na ang klase ko ngayong umaga. Walang pagmamadaling tumayo ako at isinukbit sa kaliwang abaga ang maliit kong backpack na may lamang isang maliit na notebook at isang manipis na libro na hindi ko matapos-tapos basahin ngayong lingo. I turned the electric off bago ako lumabas ng unit ko para pumasok na sa unang klase which is Critical Reasoning. Hindi ako nababahalang baka malate dahil nasa katapat na building lang naman ang College of Law. And yes, I am taking B.SLegal Management, at magpoproceed to Law. Hindi ito ang kursong gusto ko. I was forced to take this course dahil pinilit at blinackmail ako ng magaling kong kapatid- my one and only older sister. And I hate her for that. What's worst is siya pa ang pumili nitong paaralang pinasukan ko. I hate her even more nang malamang isa pala itong dorm school, at ang agreement namin ay saka pa lang ako makakauwi sa amin kapag nakapagtapos na ako dito sa kursong kinuha ko. It seems to me that she is trying to get rid of me sa pamilya namin- kung mayroon man kami nyan.

Our family is a complicated one, and I don't want to talk about it now. Isinaksak ko ang earphones ko sa aking tenga while crossing the fields to the College of Law Building. I turned on my music player, hit the highest volume and everyone is fading in my sight except for the path that I am taking.

Ganito ako lagi. I am always a loner. And what exists to me is for me alone. Nakagawian ko nang hindi bigyang pansin ang iba. I have no friends, I have also no enemies. I want to be invisible as far as the human eye can see pero imposible namang mangyari iyon that is why I learned to shut the world out from my own. Pwera na lang sa isang taong hindi sinukuan ang silent treatment ko at patuloy na nakabuntot sa akin dito sa campus. And speaking of her, buti hindi siya sumulpot ngayon sa harap ko. Ako na ang kusang sumuko sa kakulitan niya dahil minsan ay mapapakinabangan ko rin naman siya. I don't consider her as a friend ngunit ang sabi niya sa akin ay magbest friends daw kami. Psh! Self-proclaimed niya iyon. Wala akong psychological problems, it's just that I don't like to be associated to anyone. Kontento ako sa sariling mundo ko. With my own books, music and painting.

Ipinasok ko ang libre kong kamay sa side pocket ng suot kong jeans. Hindi kasi ako komportableng nakalaylay ang mga braso ko habang naglalakad. Ang isa naman ang nakakapit sa backpack kong nakasukbit sa aking kaliwang abaga. I can feel gazes from my schoolmates pero gaya ng dati, I walked absentmindedly. Hindi ko naririnig ang anumang usapan nila dahil malakas talaga ang volume nitong music player ko. I know most of them admire me dahil maraming beses nang may magtangkang makipagkaibigan sa akin- mapababae o lalaki. But I kept my world on my own. Sagabal lang ang mga kaibigan sa mga nakabuong plano ko.

I know also that some of them don't like me. But honestly, I don't give a shit.

Nakapasok ako sa loob nang classroom at umupo sa sariling pwesto. Kung yong iba kong mga kaklase ay papalit -palit ng upuan araw-araw, ang lagi ko namang pwesto ay sa pinakadulo sa unang unang hanay na malapit sa bintana. Mas mabuti para sa akin ang nasa unahan dahil hindi ko mapapansin ang sinuman liban sa aking guro at hindi rin ako masyadong mapagtutunan ng pansin dahil nasa pinakadulo nga ako ng row- most likely ay nasa left side. Kadalasang ako ang number 1 sa seating arrangements dahil nasa right side nang prof. Sa dalawang taon ko rito, marahil ay nasanay na ang mga schoolmates ko sa akin dahil kahit huli akong pumasok noong first day, inireserve na sa akin ang pwestong ito.

Her  Possessive Obsessive ManWhere stories live. Discover now