Nella
Nagngingitngit ang kaloobang binaybay ko ang pasilyo patungong head office. Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta nang iannounce sa buong university na pinapatawag ako ng head sa office nito, ASAP! Hindi ko alam kung bakit. Probably because I skipped my classes for two days now. Pero hindi naman bago na iyon. Madalas kong gawin ang hindi pagpasok kapag ginaganahan akong magpinta. Hindi ako lumalabas ng unit ko dahil gusto kong matapos ang pinipinta ko ngayon. Kaya naman inis na inis ako ngayon. Malapit ko nang matapos iyon! Kung hindi lang talaga nakakahiyang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko sa mga speakers.
Kumatok ako ng dalawang beses at binuksan ang pinto kahit wala akong narinig na nagsasabing pinapapasok na ako. Tuloy-tuloy ako sa harap ng mesa at umupo sa bakanteng upuan doon, nakatuon ang pansin sa likod ng lalaking naroroon. Siya na siguro ang head. Parang pamilyar sa akin ang built ng katawan niya, lalo na ang buhok niya. Kung bakit kasi nakatalikod pa ito kung pwede namang humarap agad. Wala naman siyang ginagawa liban sa pagtanaw sa field sa labas ng glass window na kaharap niya kung saan ako naglalakad kanina. Kung ganoon ay nakita niya siguro akong naglalakad kanina habang papunta rito.
" Good afternoon, Sir. Pinatawag niyo ako," walang gana kong saad upang mapukaw ang kanyang pansin. Alam kong wala akong modo, pero hindi ibig sabihin niyon ay wala na akong respeto. Hindi ko lang feel maging polite.
Nang humarap ang lalaki sa akin ay natigilan ako. Siya ang lalaking nakabungguan ko sa may hallway malapit sa cafeteria, ang lalaking may hawak ng libro ko. Kung ganoon ay siya ang head? Ang sinasabi ni Sheila na may-ari ng Valderama Group of Companies? Tangina naman oh! Pagbabayarin kaya ako nito sa atraso ko nong nakaraan? Pero wala naman akong ginawang masama ah! Bakit naman kasi hindi siya sikat sa social media gayong ganito ang estado niya? Dapat ay nakilala ko siya kung hindi lang ito masyadong tago sa media at sobrang private.
" Good afternoon, Miss Legania," pormal nitong saad na nagpabalik sa huwisyo ko. Maganda talaga pakinggan ang boses niya. Bagay sa kanyang mukha na istrikto at maawtorisado.
" What's my offense?" patay-malisya kong tanong, sadyang pinahalata ang iritasyon sa boses ko. Bahala siyang mabastusan ng ugali ko. Eh sa ganito ako,eh! Kahit aminado akong attracted ako physically sa kaniya, hindi ko naman hahayaang manipulahin niya dahil lang sa ataksiyong iyon. At magkamatayan na, hinding-hindi ko aaminin iyon kahit kanino!
" I heard you did not attend your classes for two days now," saad nito, matiim ang tinging pinupukol sa akin. Nakakatense ang paraan ng tingin niya- para akong kinakain ng buhay. Langya!
"Yeah. So..?"
I can see how his forehead creased slowly. Hindi niya inaasahan ito. Nakakatawa!
" I forgot to introduce myself. How rude of me. Maybe you'll change the way you act in front of me if you already knew me." tiim nitong saad.
" Or.... maybe not. I really don't care," sagot ko na lalong nagpatiim ng bagang niya.
Hah! Ang sarap pala talagang mang-inis . Gagawin ko kaya to ulit sa iba?
" I am the head of this university. I am the owner, if you'd ask. And remember my name always.... Aziel Sandoval Valderama," he proudly stated.
Magandang pangalan. "Aziel". Ang sarap ng bigkasin ng pangalan niya. Langya! Ano tong pinagsasabi ko?
" I'm really very busy right now, Mr. Valderama. Will you please tell me the main reason why I'm here?" naiiritang tanong ko. Kung magtatagal akong kausap ang lalaking ito ay baka tuluyang ko nang makalimutang may natitira pang manners sa pagkatao ko. As much as possible, ayaw kong nakakakuha ng atensyon. But with this guy, mukhang tatatak na ang pangalan ko sa buong university dahil sa announcement na narinig malamang ng lahat ng mag-aaral sa buong univeristy.
YOU ARE READING
Her Possessive Obsessive Man
General FictionWhen Azeil set foot on one of his built institutions - a dorm school for college - he instantly got hooked upon a girl who, unconsciously just ignored his MIGHTY presence. Despite the fact that she is different from all other normal girls he encou...