Nella
Nakatihaya sa kama, nakatitig sa kisame, nakikinig sa ingay ng mga kuliglig sa labas. Siguro mga dalawang oras na akong ganito. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko ngunit dahil tinatamad akong bumangon, at wala naman akong pagkain rito dahil naubos ko kaninang tanghali kaya hindi ko matugunan ang kailangan ng tiyan ko.
Nasa bagong unit na ako ngayon, dito sa tapat ng unit ni Mr. Valderama. Kanina after an hour pagkagaling ko sa office niya ay totoo ngang may kumatok doong guard at kinuha ang mga gamit ko. At hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagalaw ang mga iyon. Hinayaan ko lang na ilapag ang mga iyon sa lapag pagdating ko rito at tumihaya, ganitong posisyon hanggang ngayon. Hindi pa rin kasi napoprocess ng utak ko ang nangyari kanina. Bakit ganon na lang kung makipag-usap siya sa akin? Bakit parang pakiramdam ko, espesyal ako sa kanya?
'Tangina! Tumigil ka nga Nella! Ngayon ka lang kasi nakakita ng totoong gwapo.'
LAngya! Kailangan ko na talagang kumain. Baka makakapag-isip na ako ng tama kapag nakakakain na ako at matapos ko na rin ang pinipinta kong naudlot. Buti na lang at Sabado bukas, may panahon pa ako upang maayos ang mga gamit ko. Ngunit talagang nakakatamad ang tumayo at maglakad papuntang cafeteria. Kung bakit kasi walang delivery service ang university na ito. Minsan nga ay isa-suggest ko iyan.
Napukaw ang pag-iisip ko nang tumunog ang doorbell.
'Sino naman kaya ang may ganang umakyat rito sa 10th floor at istorbohin ako? Walang nakakaalam na lumipat ako rito, liban na lang don sa guard na sumundo sa akin at ang lalaking iyon.'
Sunod-sunod na ring ang naririnig ko, na parang pinapasabi ng kung sino man sa labas na buksan ko agad ang pinto. Letse talaga! Tinatamad nga kasi akong bumangon at maglakad!
Dahan-dahan akong naglakad, taking my precious time. Bahala siyang mainip diyan sa labas kung sino ka mang nandiyan. Ni hindi ko na nga isinuot ang tsinelas ko sa sobrang katamaran ko. Malinis naman rito kaya walang kaso sa akin.
Tinatamad kong binuksan ang pinto at napataas ang kilay ko nang mapagsino ang taong nasa harap ko. Nakabusangot ang mukha, halatang naiirita, at kunot na kunot ang noo .
" Bakit ang tagal mong magbukas ng pinto? Muntik ko nang gibain yan,alam mo ba?!" galit niyang bungad sa akin .
Nagtatakang tiningnan ko siya. Ano bang problema niya?
" Ba't ka naninigaw?" tamad kong tanong rin. Bahala siya sa buhay niya. BAka stress sa trabaho niya, dinadamay pa ako.
" A-a.. Ano? Hindi naman," napapakurap niyang sagot.
" Tss! Hindi raw. Anong atin ba, dude?"
" Dude?"
" Oh, di sige. Kuya na lang itatawag ko sayo. Ang haba kasi ng Mr. Valderama. " Napapalatak kong sabi. Ayaw ko syang ituring na mas nakatataas sa akin. Nakakairitang isipin iyon. Naiirita na nga ako sa sarili ko kapag nandiyan siya, iiritahin ko pa ba lalo ang sarili ko? Mas mabuting pati siya, idamay ko na rin.
" Why not call me by my first name?" seryosong saad niya na ikinailing ko lang.
" Nah! Hindi tayo close."
His gaze deepen at nagsimula na akong mailang sa kanya. Ano ba kasing ginagawa niya rito?
" You want us to be closer?" he stepped forward at napahakbang naman ako paatras. Langya! Ano bang nangyayari?
" What are you doing?" kinakabahang tanong ko. PAtuloy siya sa paghakbang pasulong habang ako naman ay paatras ng paatras.
" You want us to get close." ulit nito. Napaigtad ako nang hapitin niya ako sa beywang at idiin sa kanya. Automatic na napunta sa dibdib niya ang mga kamay ko upang pigilan siya sa anumang iniisip niya pero parang walang kwenta dahil nanghihina naman ako at nararamdaman kong bahagya pang nanginginig ang mga ito.
YOU ARE READING
Her Possessive Obsessive Man
General FictionWhen Azeil set foot on one of his built institutions - a dorm school for college - he instantly got hooked upon a girl who, unconsciously just ignored his MIGHTY presence. Despite the fact that she is different from all other normal girls he encou...