Her Plan

26 0 0
                                    


Nella

Napapabuntung-hininga na lang ako habang nakatanaw sa mga lumilipad na paru-paro rito sa hardin kung saan may butterfly sanctuary. Nasa parteng likuran ako ng bahay ni Aziel, at itong parte pa lang ng bahay ang napupuntahan ko simula  nang magstay ako rito, dalawang araw na rin ang nakakaraan.

Nagkukulong lang ako sa kwarto for the past 2 days, at ipinagpasalamat kong hindi na muna ako kinausap ni Aziel tungkol sa kasal.

Today is my birthday, ngunit gaya ng dati, mag-isa lang rin ako. Nina and Levi are the only people who were always excited during my birthday. Ngunit noong nagsimula nang lumayo ang loob ko kay Ate, si Levi na lang ang laging nagpapaalala sa'kin non na dapat akong matuwa sa araw na ito.

" Maraming tao ang nagpapasalamat na nabuhay ka sa mundo. Some are beyond blessed, knowing that you were born this exact date. Kaya dapat magsaya tayo."

Those were Levi's words before. Pero bakit hindi ko makuhang magsaya?

Hanggang ngayon, marami pa ring tanong sa isip ko na hindi ko mabigyan ng sagot. Kaya naman ngayon ay napagtanto ko. Hindi ako susulong kapag wala akong ginawa. Kailangan kong gumawa ng hakbang upang mabigyang linaw ang lahat. Malakas ang kutob kong simula pagkabata ay may mali na sa pamilya namin. Kung bakit hindi ko ito napansin  noon ay baka dahil kay Daddy. Or maybe because I was not paying attention to small details. Not like ate Nina. Baka noon pa,alam na niyang may kakaiba sa pamilya namin.

I need to act according to their plan. Kailangang malaman ko ang lahat.

Nagmamadali akong bumalik sa loob ng bahay. Determination is evident in my face nang tahakin ko ang silid na siyang ginawang opisina ni Aziel sa bahay na ito. Ngunit napahinto rin ako dahil hindi ko naman pala alam kung nasaan ang opisina niya.

" Manang, pwede bang malaman kung saan ang opisina ni Aziel rito?" tanong ko sa kasambahay na nagpupunas sa mga portraits ng lobby.

" Nandoon sa ikalawang palapag iha.  Ikatlong silid mula sa kanyang silid mismo. Iyong malapit sa dulo, " nakangiting tugon nito.

"Salamat po," tipid kong tugon.

" Pakisuyo na ring maaari nang magtanghalian. Baka naman pwede ring magsabay na kayo," dagdag nito.

Tango lang ang isinagot ko rito. May nababasa akong kislap sa mga mata ni Manang ngunit hindi ko maaaring bigyang kahulugan iyon.

Dumiretso ako sa ikalawang palapag at hinanap ang itinuro niya. Nalaman ko kanina sa ibang kasambahay na hindi raw lumabas si Aziel ngayon at nasa opisina lang nito rito sa taas. Narinig ko silang nag-uusap habang nagsasampay ng mga basahan sa likod nong patungo ako sa hardin.

Kumatok ako ng tatlong beses at narinig ko ang boses niyang pinapapasok ako kaya pinihit ko ang seradura.

I saw his surprised expression upon seeing me.

"Hey," bungad nito. "Come here,have a seat."

"Thanks," maikling tugon ko.

I kept silent for a moment while he's busy staring at me, probably weighing about what to do with me since I'm now in his custody. Pinag-iisipan ko kung saan ako magsisimula. Determinado ako kaninang sabihin sa kanya ang plano ko ngunit ngayong nandito na ako sa harap niya, parang biglang umurong ang dila ko at nablangko naman ang aking utak.

" How are you? " mahinang tanong niya, tila nananantiya sa magiging reaksyon ko sa simpleng tanong nya.

" Fine. I guess," sagot ko sa kanya at sinalubong ang titig niya.

" What do you want?"

Nabigla ako sa direktang tanog niya. Ganon na ba talaga ako ka transparent at nababasa nya ang laman ng utak ko at nalalaman niya na may gusto ako?

Nagtitigan kami, sinusukat ang kapasidad ng bawat isa, sinusuri ang katotohanan at kakayahan na maaring makatulong upang maging maganda ang pagsasama naming dalawa. Dahil kahit saang anggulo ko man tingnan, magiging asawa ko siya, at ako sa kanya.

Sa naisip ay parang may biglang sumipa sa dibdib ko.  'Asawa.'

Naipilig ko ang ulo at tumikhim.

" Can I use you?" diretsang sagot ko rin sa tanong niya.

Kumunot ang noo niya at mariing tumitig sa akin.

"In what way?" may diing balik tanong niya.

" I want to claim what's left of my father. I want to claim what's intended to be mine. I want to fight......... 

  against my own mother....."

"Why?" napakasimpleng tanong nya na para bang sinasabi niya na dapat ay noon ko pa it0 ginawa.

Umiwas ako ng tingin at natuon ang paningin ko sa isang white envelope na nakapatong sa kanyang mesa.

"I want to know the truth," mahinang saad ko.

" The truth about....?" napatingin ako sa kanya ng diretso.

" Go on,Nella. You can trust me," he encouraged.

" About my family. About the death of my father. About my sister's whereabouts. About me," I tell him truthfully. Kubg kailangang iisa-isahin ko ang mga tanong na bumabagabag sa akin mula noon, gagawin ko. Kung gusto niya marinig ang lahat ng mga pagdududa ko sa pamilya na meron ako, sasasabihin ko. Kahit pa ang kapalit niyon ang maaaring maging komplikado sa arrangement na meron kaming dalawa ngayon.

I do not know why but Aziel has this effect on me that want to trust him despite everything.

" Can you handle the truth,Nella?" saad niya. His eyes glittered with emotions - there's pity in it, and then fear and hesitation.

Alam ko,may alam siyang hindi ko nalalaman. At natatakot man akong matuklasan iyon, gusto ko pa ring malaman.

" I will." sagot ko sa kanya.

Tumaas ang isang gilid ng kaniyang labi, ngunit banaag pa rin ang hesitasyon sa kanyang mga mata. He stood up in front of me, and then slowly carressed my face. Nakatingala ako sa kanya dahilan para magsalubong ang mata namin. Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adams apple. Ako man ay napalunok rin sa tensyon.

" I'm always amazed at how you see the world thru your arts, how you treat the world thru your behavior,and how you shake it with your intelligence. But mostly, I'm amazed at how strong you can be despite everything.

Yumuko siya para ilang pulgada na lang ang pagitab sa aming mga mga mukha, at konting tulak pa ay tuluyan nang magkakadikit ang aming mga labi..

" You can,baby.. You can use me all you want."

As he said that, tuluyan na niyang sinakop ang aking labi. Napapikit ako at ninamnam ang hatid niyon sa akin. Probably, my best birthday gift ever.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her  Possessive Obsessive ManWhere stories live. Discover now