Nella
Nakatakda akong umuwi ngayong araw. Ikalawang araw na ng semestral break at ngayon ko naisipang umuwi. Hindi ko alam kung anong trip na naman ito ng kapatid ko at nag iba na naman ang takbo ng utak. Pinapapauwi ako sa isang importanteng dahilan ngunit hindi naman sinabi kung ano. Five days from now ay kaarawan ko na at makakamit ko na rin ang kalayaang gusto kong makuha. As far as Aziel is concerned, gusto niyang manatili ako rito hanggang sa magresume ang pasukan. But who is he to control me? Dapat ngayon ay alam na niya kung gaano katigas ang ulo ko. And speaking of him, hindi ko siya nakita simula noong isang araw. Nasanay na akong bigla na lang siyang sumusulpot sa unit ko at nagdadala ng kung ano-ano. Kapag nakikita niyang nagpipinta ako kay tahimik lang siyang nakaupo sa sofa ko hanggang sa makatulog siya. Minsan naman ay dumadaldal siya at nadadala ako sa pagkukwento ngunit minsan ay hindi niya nilinaw sa akin ang ugnayan naming dalawa.. kung ano ba ako sa kanya, at kung bakit siya ganito sa akin. But then, despite his unreasonable doings, masaya naman akong nandiyan siya. Hindi ko man magawang aminin sa kanya, ayos na sa aking tanggap ko sa sarili kong naging masaya ako kahit papaano.
I gave one last look at the unit and proceeded outside. Naghihintay na marahil si Sheila sa baba. Siya ang magiging driver ko ngayon kahit ayaw ko. Ang sabi niya ay gusto lang niyang makabonding ako for the last time ngayong semester dahil matagal pa raw bago kami magkikta. Lakas makamiss, eh dalawang linggo lang naman ang sembreak.
" Bestie! Ang tagal mo talagang kumilos. Kung di ka lang nakadamit panlalaki at mahilig sa rambulan, iisipin kong isa kang mabining Pilipina talaga," bungad agad niya sa akin pagkakita niya.
She's sitting at hood of her white Honda Civic. I know cars dahil minsan ay nahumaling rin ako sa mga sasakyan dahil kay---------...
" Nice car." I complimented bago pa masira ang mood ko dahil sa mga iniisip.
" Di rin. Gift yan ni Dad sa akin last year. Mukha lang bago pa kasi minsan ko lang magamit. Ya know.." maarteng saad nito at tininingnan ako from head to toe.
" Wala ka bang ibang dala? " takang tanong niya.
" Just this," I raised my backpack at her na ikinatanga niya.
" Ibang klase.. Babae ka ba talaga? " ani niya at binuksan ang pinto ng driver's seat. Sumunod ako sa passenger's seat.
" At ginawa mo pa talaga akong driver!" singhal niya ngunit pinaandar rin naman ang kotse.
" You are." walang gana kong tugon.
" Nga pala, ngayon ka lang umuwi ever since you enrolled di ba? May paparty ngayon sa inyo noh? Anong isusuot ko? Kung hindi ko lang alam na isang kang Legania at isa sa mga heiress ng Legania Group, naku! Iisipin ko talagang scholar ka sa sschool.. "
" Tss! Hindi uso ang ganyan sa akin."
Dahil hindi ako natutuwang makipagplastikan sa mga taong walang ibang hangad kundi ipagmalaki sa lahat ang taglay nilang yaman at kapangyarihan.
" Iyon nga ipinagtataka ko. Ang dami kong gustong itanong sa'yo. Kaya lang, alam ko namang hindi mo rin ako sasagutin. Pero kahit ganun, alam mo namang masasandalan mo ako sa kahit anong pangangailangan mo." seryosong saad nito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. She is childish at nakakainis, pero ang ganitong side niya ang naggustuhan ko rin. Maybe I'll reconsider being her friend.
" Para kang namamaalam.. Mamamatay ka na ba?" biro ko pa upang malihis ang topic.
" Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Nakakainis to! "
I didn't say anything. Bagkus ay ibinaling ko ang atensyon sa dinadaanan namin. Dati, masaya ako kapag napapadaan rito kapag galing kami sa isang mahabang bakasyon. Tuwang tuwa akong makita ang mga naglalakihang puno na nakahanay sa gilid ng daan dahil alam kong malapit na malapit na ang bahay namin. Excited akong umuwi kaagad dahil alam kong may naghihintay sa aming magandang sorpresa sa sala ng bahay.
"Ngayon kaya? Anong klaseng sorpresa kaya ang naghihintay sa akin?"
Hindi ko na namalayang nakahinto na pala ang kotseng sinasakyan ko. Narinig ko ang buntung-hininga ni Sheila kaya napatingin ako sa kanya.
" Alam mo, kahit hindi mo sabihin, ramdam kita. Kaya kung ano man ang naghihintay sa'yo sa loob ng bahay na iyan, tatagan mo ang loob mo. Nandito lang ako.Bestie mo ako, eh. Tawagan mo ako kapag gusto mo nang kausap. ok? Alam mo naman sigurong labs na labs kita noh?"
" Para kang uhuging bata dyan. Ano bang akala mo sa two weeks? isang buong taon?"
But deep inside, I really appreciate Sheila for truly always being there.
" Hindi na kita iimbitahin sa loob. Umuwi ka na sa inyo. Maraming salamat sa pagiging driver."
Hindi ko na hinayaang sumagot pa siya. Umibis ako ng sasakyan at napahigit ng hininga nang mamataan ang taong naghihintay sa akin sa loob. Parang gusto ko tuloy bumalik sa kotse at magpahatid sa university. This does not feel home anymore. It creeps me out by just looking at the house, especially the people waiting at the foyer of the house. I turned around, and felt relieved nang makita si Sheila na nakababa na pala sa kotse niya at pinipigilan ang luha. Nawala ng konti ang kaba ko sa itsura niya.
" Kaya mo yan bestie.. Kaya ko rin namang hindi ka muna makita ng ilang araw. Sige na. Go.Hinihintay ka na nila.. Pero sa totoo lang, kinakabahan rin ako. Ang talas ng tingin ng Mommy mo. Ano ba kasing ginawa mo dati at ganyan ka nila salubungin?"
"Langya! Dumoble pa yata ang kaba ko sa sinsabi niya."
" Thank you Sheila. For everything."
" EEEhhhhh.. touched ako.. Ramdam na ramdam ko ang sincerity mo best.. Pahug nga." And she did. The hug felt warm. Kahit papano, anuman ang mangyari, alam kong may masasandalan ako.
I tap her shoulders and motioned her to go. Binigyan niya ako ng kanyang tinatawag na super smile at bonggang wave bago unti-unting pinaandar palayo ang kotse.
I heaved out a long sigh and started heading for the opened gate . Hindi ko na tiningnan ang mga taong nakaabang sa bahay. I want to shut out the world again but failed.Hindi pa man ako nakakarating sa gate ay may isang kotseng dumating. And heck! THis one is expensive! Its an Aston Martin Rapide! Ngunit ang anumang paghanga ko sa kotse ay nawala ng lumagpas ito at nagpark sa mismong tapat ng bahay. Sino naman to? I remembered my sister for not being this luxurious kaya alam kong hindi sa kanya iyan.Isa pa ay tamad iyong magmaneho kaya hatid-sunod lang siya ng driver dati.
Lumipad ang tingin ko sa mag-asawang nakatayo sa may pinto. Nagtaka ako nang mapalitan ang kaninang matalim na mukha ng isang maaliwalas na ngiti. At nakakasiguro akong para sa taong dumating ang mga ngiting iyon.
Naghintay ako ng ilang segundo na lumabas ang taong sakay ng magarang kotse ngunit walang lumabas. Humakbang ako pasulong at pinilit ignorahin ang mga tao sa paligid, ngunit hindi ko napigilang mapasulyap sa kotse ng mapatapat ako rito.
Nanlaki ang mga mata ko at natigil ang paghakbang ng mapagsino ang sakay ng kotse at kasalukuyang nagmamaneho. NAkababa ang salamin ng driver's seat at kitang kita ko ang kabuuan ng mukha niya. With eyes fixed to mine, hindi na ako nakahuma. He's infuriated! And I'm seeing red all of a sudden.
" What the hell is he doing here?!"
YOU ARE READING
Her Possessive Obsessive Man
Художественная прозаWhen Azeil set foot on one of his built institutions - a dorm school for college - he instantly got hooked upon a girl who, unconsciously just ignored his MIGHTY presence. Despite the fact that she is different from all other normal girls he encou...