10- Her Arranged Marriage

20 1 0
                                    


Nella

I did not know I slept while still holding the painting. Nakatulugan ko pala ang pag-alala sa nakaraan. Sa magandang nakaraan. Kung wala pang kumatok ay hindi pa ako magigising. Maybe because I had sleepless nights for the past days.

" Pinapababa na po kayo para sa tanghalian, " boses ng maid.

I stretched my leg dahil nararamdaman ko na ang panginginig niyon. Maging ang leeg at likod ko ay medyo nangangawit at masakit na rin. Matagal-tagal rin siguro akong nakatulog.

" Susunod na, " sagot ko rito. Narinig ko ang papalayong yabag nito.

Hindi na ako nag-abala pang magbihis. Kung andiyan pa si Aziel o wala na, wala ring halaga. For sure, they're talking about investments and money. Damn business!

Bumaba ako at walang ingay na pumunta sa dining room. Unang nakita ko ang likod ni Aziel. Napatingin si Arnulfo sa akin na siyang unang nakakita sa pagdating ko. I gave him my blank stare and proceeded to my usual seat, right next to Aziel. Ang pwesto niya ay dating laging pwesto ni Ate noon. And speaking of Ate, I really wanted to know her whereabouts.. Kahit man lang sana saglit ay makita ko siya. I'm dying to ask Mom about her pero baka mamamaya na lang kapag nakaalis na si Aziel.

" Where are your manners, Nella? You should greet our guest here. Pinalampas ko na ang kabastusan mo kanina, " mahina ngunit may diing sabi ni Mom.

" Like you said earlier, ganito na talaga ako. Dapat sanay na kayo, " walang pakialam kong sagot sa kaniya.

Aziel is blatantly staring at me. I can feel his gaze boring me pero ipinagsawalang bahala ko iyon at ipinagpatuloy ang pagkain.

Narinig kong tumikhim si Arnulfo.

" Sabi ng Mommy mo kanina bumaba ka agad upang makipag-usap sa ating bisita. Inabot ka ng dalawang oras sa silid mo at hindi ka pa rin bumaba. Kung hindi ka ipinatawag ay baka hindi ka na nga bababa, " sabi nito. Tss! Pakialam ko naman sa bisita nila.

" Nakatulog ako, " maikling sagot ko rito na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

'" Anyway, here is Mr. Aziel Sabellina Valderama. He's the owner of the university that you're enrolled in. I believe you knew him, " pag-iiba ng usapan ni Mom.

"Mm, " tanging sagot ko habang ngumunguya ng karne.

" Wala ka man lang bang ibang sasabihin? " si Arnulfo na nakangiti. I always find his smile creepy and disgusting kaya imbes na mabastos ko siya sa harap ng pagkain ay itinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain at hindi siya sinagot.

Alam kong nagngingitngit si Mommy ngunit hindi makahuma dahil nasa harap nila si Aziel. Huh! They are the best examples of wolves in sheep's skin.

" Here. Mukhang gutom na gutom ka,ah!" natatawang saad ni Aziel at ipinaglagay pa ako ng mga malalaking hiwa ng karne sa plato ko.

Tss!! Baka akala niya nakalimutan kong pinangakuan niya ako ng steak noong isang araw pero hindi naman niya tinupad dahil hindi na siya nagpakita.

' At bakit ka umasa? '

Sarap batukan ng sarili ko. Nilantakan ko ang pagkain at hindi na pinansin ang anumang pag-uusap sa harap ko. Bahala sila diyan. Wala akong pakialam sa mga nego-negosyo na 'yan.

" Right after her birthday, the wedding will set off, " narinig kong saad ni Aziel. Hindi ko alam kung sinong ikakasal dahil nakafocus talaga ako sa pagkain ko. Baka kapatid niya, o baka naman siya mismo.

Her  Possessive Obsessive ManWhere stories live. Discover now