Nella
" Whaaat?! Bakit ka pinalipat doon? Eh, di hindi na kita mapupuntahan niyan?" nakangusong saad ni Sheila.
Kasalukuyan naming binabaybay ang daan patungong cafeteria para maglunch. Ayaw ko sanang pumunta dahil hindi pa ako masiyadong gutom at iniiwasan ko 'siya'. Narinig ko kasi sa mga kaklase ko kanina na may evaluation raw sa cafeteria ngayong araw kaya malamang nandoon ang head ngayon.
Mula noong Friday night ay hindi ko na 'siya' nakita at nakausap. Nagkulong ako sa unit ko pagkatapos kong mamili ng makakain noong Sabado ng umaga. Baka wala siya sa kanyang unit noong weekend at don umuwi sa mismong bahay niya. Mas mabuting iwasan ko siya habang maaga pa. Baka kasi maniwala na ako sa mga pinagsasasabi niya kapag nagtagal. Malay ko bang pinapasakay lang ako non. I may be young, but I'm not that innocent and stupid.
Isa pang bumabagabag sa akin mula kagabi ay ang natanggap kong mensahe mula kay ate. I recieved a message from her telling me to come home this Christmas. Hindi naman sinabi kung bakit. Hindi ba't may agreement kami? Kapag ba umuwi ako, ibig sabihin non ay pinuputol na niya ang agreement? Hindi rin naman ako makatawag o makapagreply dahil wala akong load. Isa pa, ayaw kong magreply. Baka isipin niyang atat akong umuwi sa kabila ng pagtatakwil niya sa akin. Ang tagal na nong huling tawag niya. Mahigit dalawang taon na rin nang huli niya akong kumustahin. Hindi ko makakalimutan iyon dahil iyon ang unang pagkakataon na narinig ko siyang umiyak. Humihingi siya ng tawad at sinasabi sa aking lahat ng ginagawa niya ay para sa akin. Hindi ko siya maintindihan noon dahil hindi naman ganoon kung makipag-usap sa akin si ate. She distanced herself to me nang matagal na panahon kaya hindi ko masakyan ang mga trip niya. Binabaan ko pa siya non ng telepono dahil naiirita ako sa kanya.I hate her! But that doesn't mean that I don't miss her.Siya lang ang nag-iisang nagtitiyaga sa akin mula noon. Even our own mother does not care. Mula noong mawala si Papa, nawalan na rin kami ng ina. But ate is there whenever I needed her. Kahit hindi ko siya tinatawag upang tulungan ako, kahit hindi kami nagpapansinan, kahit pinipilit niya sa akin ang lahat ng gusto niya, I can still feel that she really cares.
" Hoy! Natulala ka na. Pila na tayo," untag sa akin ni Sheila.
Hindi ko namalayang nasa cafeteria na pala kami at pumipila. Hindi ko gusto ang pakiramdam na nasa pila, lalo kapag marami pa ang nakasunod sa akin. Kaya kadalasan ay si Sheila ang pinapabili ko ng pagkain ko.
As usual, nasa harap lang ang tingin ko. Ayaw kong tumingin sa paligid dahil makakakita lang ako nang mga bagay na hindi kaaya-aya sa paningin ko.
"Thank you for welcoming us here, Mr. Valderama. we really appreciate this."
Napukaw ang pansin ko nang marinig ang pangalang binanggit. Gustong-gusto ko nang lumingon sa pinanggalingan nang malanding boses na iyon ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ano bang paki ko?
" Oo nga. Your university is amazing. Hindi namin pagsisisihang lumipat kami rito," isa pang malanding boses.
Kung hindi ako nagkakamali, ang mga bagong estudyante tong mga ito. Sila ang dahilan kung bakit ako napalipat bigla ng unit.
" Yeah right! I heard kami raw ang kauna-unahang transferee na personal mong inasikaso. We're very flattered," pangatlong malanding boses. Kailangan ba talaga ganyan ang boses nila kapag nakipag-usap?
" Ahh.. Yes. Mere coincidence," walang kagana-ganang sagot naman 'niya'.
Napaismid ako. Hmm! Mere coincidence? Siguro naman nagets ng tatlong iyan na walang interes sa kanila ang kausap nila?
" Ang daming gwapo rito.. Pero bakit ikaw lang nakatawag ng pansin ko?" boses uli ng isang malanding boses. Seriously? NAkaya niyang sabihin iyan? How disgusting!
YOU ARE READING
Her Possessive Obsessive Man
General FictionWhen Azeil set foot on one of his built institutions - a dorm school for college - he instantly got hooked upon a girl who, unconsciously just ignored his MIGHTY presence. Despite the fact that she is different from all other normal girls he encou...