Nella
" What are you doing here?"
He didn't answer. Bagkus ay diretso siyang tumingin sa dalawang tao sa may pintuan ng malaking bahay-- my Mom and her husband.
May kung anong bundol ng kaba akong naramdaman. Anong ibig sabihin nito? Kung pagbabasehan ang ngiti ng dalawa, alam kong may balak sila.At ang ngiting iyan, ngiting tagumpay. I hate to admit pero natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. It's not like they're up to something good. Nagagawa nilang gawin ang pinakaayaw ko. At ang masaklap pa, wala akong nagawa sa mga panahong gusto kong umayaw.
" Pasok ka muna Mr. Valderama," muwestra ni Arnulfo sa kanya. He's always good at accomodating people, specially to the likes of Aziel.
" Nella, what are you still standing there? Kararating mo lang at inabangan ka talaga namin ng Dad mo. Baka pagod ka sa byahe o nagugutom. Come on in now. Ipahatid mo na lang kay Letty ang bag mo sa iyong silid," puna ni Mom sa akin.
Malamang sa malamang, kung hindi pa dumating si Aziel ay hindi ako papansinin ng ganito. They're such show offs. At naiinis ako.
Walang salitang nagpatuloy ako sa paglakad papasok. Lalagpasan ko na sana si Mommy nang higitin niya ang isang braso ko at bahagya akong niyakap and whispered,
" Umayos ka kung gusto mo pang bumalik sa university. Don't you dare disappoint me or your Dad," mariing bulong nito sa tenga ko.
I clenched my fist.
" That man is not my Dad," mariin ring sagot ko.
Humigpit ang pagkakahigit niya sa braso ko at nararamdaman ko ang matutulis niyang mga kuko ngunit hindi ko pinahalatang nasaktan ako. She may be my Mom, but my respect for her was long gone, since the day my father was buried.
" Address him like that and you'll know where you'll be," she smiled at me sweetly. Nagpupuyos ang kaloobang nagpatianod ako habang iginigiya niya papasok. I want to scream out loud how I hate this house, how I hate being held captive of my own family, and how miserable this life that I'm in. Gusto kong magwala at wasakin lahat ng makikita ko sa pamamahay na ito-- burn this house down if possible.
" Excuse me," mahina kong saad at tuloy-tuloy na umakyat sa staircase kung saan naroroon ang aking silid.
" Hurry up in changing at sasamahan tayong mananghalian ni Mr. Valderama," I heard Arnulfo say ngunit hindi ako nag-abalang lumingon o tumugon pa.
" Forgive us for her manners, Mr. Valderama. She's just not used in associating with people," narinig ko pang saad ni Mommy.
I shut my door and locked it. This room used to be my solitude. This used to be my world apart from others. Whenever my door is locked, nakakaramdam ako ng kapanatagan. This room was sound proofed, dahil iyon ang request ko dati kay Daddy.Dahil ayaw kong naiistorbo tuwing nagpipinta ako.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Nothing's changed simula ng umalis ako two years ago. Kung saan ko iniwang nakatiwangwang ang mga librong hindi ko na gustong basahin, ang mga nagkalat na mga canvas na hindi ko natapos dahil nawalan ako ng gana, ang mga nagkakulay na sahig dahil sa pagpipinta, at ang lamp shade na nanatiling nakabitay dahil natabig ko sa galit at hindi ko na nagawa pang ayusin pa. Buti hindi pa bumibigay ang cord nito . Natawa ako sa nakita.This wreck happened two years ago, pero kakatwang wala man lang inayos.Wala na sigurong pumasok pa rito mula ng umalis ako.Hindi man pinalinis kahit konti. I smiled bitterly. Sino nga ba ako para pag-aksayahan pa nila ng panahon?
YOU ARE READING
Her Possessive Obsessive Man
General FictionWhen Azeil set foot on one of his built institutions - a dorm school for college - he instantly got hooked upon a girl who, unconsciously just ignored his MIGHTY presence. Despite the fact that she is different from all other normal girls he encou...