Nella
Kinakabahang nakatitig lang ako sa galit niyang anyo. I'm sure he has his dangerous sides - and I am seeing one of them now. He can be both charming and dangerous- extremely dangerous. But despite the fact na kinakabahan ako ngayon, may kaunting saya naman akong nararamdaman. I haven't felt protected like this before, not after my father died.
' You are special.. Because you are mine..'
Naalala ko ang sinabi niya noong huli naming pag-uusap. Ito ba? Ito na ba ang ibig niyang sabihin? Pero ayaw ko ng ganito.
Halos mapaigtad ako ng marinig ang malakas na tunog ng bell. I felt relieved ng magpulasan ang mga estudyante palabas ng cafeteria. The show is done, and I need to get away as fast as I could. Biglang talilis ang ginawa ko, humalo sa ibang mga estudyanteng palabas ng cafe. Naririnig ko pa ang malakas nyang sigaw, tinatawag ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon pa. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin. Ayoko nang madagdagan pa ang insidenteng ganoon, lalo't sa harap pa ng tatlong bitches at ni Sheila. Hindi maganda ang kutob ko sa tatlong iyon. Para kasing sa simula pa lang ng pagtuntong nila rito ay intensyon na nilang guluhin at paguhuin ang mundo ko. Langya! I bet puputaktehin na naman ako ng tanong ni Sheila. Nakakainis pa naman ang kakulitan niya.
Hindi ko alintana ang mga makahulugang tingin ng iba. Diretso akong naglakad patungo sa girls dorm. Ayaw ko nang pumasok, pakiramdam ko magwawala ang mga nakatagong halimaw sa loob ko kapag nasa loob ako ng classroom pagkatapos ng nangyari kanina. Kainis! Bakit ba kasi may ibang mahilig talaga ng atensyon? Dumagdag pa ang damuhong iyon na kung makatanong ay parang kami lang ang tao doon. Hindi ba siya nag-iisip talaga? Nakakaminus ng points ang katangahan niya! Tanga talaga! Mag-alburuto ba naman sa harap nilang lahat dahil lang sa nangyari? Hindi ba niya naisip na mas malala pa ang natatamo ko noong basagulera pa ako? Magiging laman na naman ng intriga ang pangalan ko. Isang taong nanahimik na ako, ginulo na naman nila!
Pabagsak kong sinara ang dahon ng pinto ng marating ko ang unit. NApapabuntung-hiningang napaupo na lang ako sa sofa. Di nagtagal ay nauhaw ako kaya tumayo ako at kumuha ng tubig sa fridge. NAng marinig ko ang door bell at ang walang habas na pagbukas ng pinto ay halos maibuga ko ang tubig sa bibig ko.
" What do you think you're doing barging in my room?!" sita ko sa kanya.
WAlang iba kundi ang damuhong si Aziel S. Valderama. Langya! Natandaan ko talaga ang buong pangalan niya?
" And what were you thinking when you just ran away down there?" balik-tanong niya.
Wala tuloy akong mahapuhap na sagot. Oo nga naman. Ano bang nasa isip ko? Hindi ko ugaling tumatakbo na lang ng walang iniiwang pamatay ng linya. Ako yata lagi ang wagi. Pero sa nangyari kanina, parang tinakasan ko nga siya. Takte!
Isang malaking hakbang ang ginawa niya at hindi ako nakahuma ng bigla niyang akong kinulong sa pagitan ng mga braso niya. His scent filled my nostrils and I can't help but secretly sniff his scent. Ang bango! Nakakaliyo ang bango niya. Heck! What am I thinking?
" Don't ever do that again," mahinang tugon niya habang mahigpit pa rin akong niyayakap.
" Do what?" naguguluhang tanong ko. Alin nga ba don ang hindi ko dapat gawin? Iyong mga ginawa ko sa bitches? Tss! Mas malala pa don pag nagkataong uulit pa sila ang gagawin ko.
" Running away from me. Don't ever do that again," seryosong saad niya.
Hindi ako nakapagsalita. Ano ba kasi kami at ganyan ang pinagsasasabi niya? Ni wala pang isang linggong nagkakilala kami pero kung makaasta siya parang buong limang taong boyfriend ko na! Ngunit sa kabila niyon, hindi ko naman maiwasang hindi makaramdam ng ligaya.
YOU ARE READING
Her Possessive Obsessive Man
General FictionWhen Azeil set foot on one of his built institutions - a dorm school for college - he instantly got hooked upon a girl who, unconsciously just ignored his MIGHTY presence. Despite the fact that she is different from all other normal girls he encou...