Aziel
Napapailing na lang ako habang tanaw ang papalayong likod niya. Kakaiba talaga. I wonder what made her into like that. Even without a feminine touch except for her fitted jeans, she still looks perfect for me. Sa malapitan ay lalo pa siyang gumanda sa paningin ko. Her perfect face with no trace of emotion yet her eyes are telling me almost everything. Parang iyong kantang lagi kong naririnig noon sa isa sa mga maids namin, 'her brown eyes tell her soul'.
" Mr. Valderama, nariyan lamang po pala kayo," bungad sa akin ni Mr. Cortes, the school's Dean. Sa kanya ko ipinagkakatiwala ang pamamalakad sa university na ito. This institution was built 5 years ago, through my own efforts. Right after I graduated, naisipan kong magtayo ng unibersidad that would guarantee the outcome of the graduates and would satisfy all the stakeholders. Dati ay tanging Business Courses, Education at Law lang ang ini-ooffer ngunit di naglaon, nang makatanggap ang paaralan ng sunod-sunod na awards at taon-taong pagpasa nito sa Accreditation Standards ay nag-open ito ng Medicine, Criminology at Computer Tech Courses. This year, I am planning on opening for Maritime and Aeronautics. Pero hindi pa iyon decided dahil marami pang dapat isaalang-alang at masyadong malaki ang kakailanganing budget para rito.
" Are we going to start now?" tanong ko sa kanya. Nakatuon ang paningin ko sa librong hawak ko, scanning the pages and examining the cover.
" Any minute now. Hinihintay na tayo doon," sagot niya.
" Lead the way," muwestra ko at nagpatiuna siya.
We walked through the hallways silently. Sa pagkakakilala ko sa kanya, kapag ganitong tahimik siya ay trabaho lang ang laman ng isip niya. He is having his presumptions on the upcoming meeting of the board na gaganapin ngayon mismo. I am sure of that. Kumunot ang noo ko at muntik nang mapahinto sa paglalakad nang mabasa ang pangalang nakasulat sa gilid ng end cover ng libro. It was encrypted in a very small penmanship yet visible enough to read.
' Nella Legania'.
Legania. Is it possible that she is related to that family? Or baka kaapelyido lamang. And there is only one thing to do to find out.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko and composed a message and sent it to James. Maghihintay na lang ako ng gabi at malalaman ko na ang buong detalye. That is how reliable and competent he is.
" Hindi ko alam na mahilig ka pala sa librong ganyan."
Gulat akong napalingon kay Mr. Cortes nang magsalita siya. Nakalimutan ko saglit na may kasama pala ako. Hindi ko na lang pinahalata na nagulat ako.
" Hmm. Nakita ko lang doon," sabi ko.
"Pwede ko iyang ipahatid sa lost and found," suhestiyon nito.
"It's okey. I know the owner. Ako na lang ang magsasauli."
Nabasa ko ang pagtatanong sa kanyang mga mata pero nanahimik lang ito at hindi na nagtanong pa. One thing I like about this man ay hindi siya nangingialam sa personal kong mga desisyon. If it's not related to the university, hindi niya kinikwestiyon ang mga gawain ko.
We reached the conference hall at siya na ang nagbukas ng pinto. I expect 12 people around the long table at hindi naman ako nabigo. They knew the consequences kapag hindi sila sisipot sa mga pinapatawag kong meeting/conference.
" Good afternoon Mr. Valderama, Mr. Cortes," halos magkapanabay na bati nila sa amin.
Mr. Cortes responded politely ngunit tango lang ang binigay ko.
Kontento akong nakikinig sa presentation ni Mr. Cortes. Hinahayaan ko lang rin ang ibang kumuntra at magbigay ng kani-kanilang opinyon. My secretary will do the notetaking kaya mapag-aaralan ko ulit ang mga iyan mamaya. My gaze fell on the book in front of me. Mukhang hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang lahat-lahat tungkol sa kanya.
YOU ARE READING
Her Possessive Obsessive Man
General FictionWhen Azeil set foot on one of his built institutions - a dorm school for college - he instantly got hooked upon a girl who, unconsciously just ignored his MIGHTY presence. Despite the fact that she is different from all other normal girls he encou...