V. Ang Bagong Taon

80 9 0
                                    

Ang Bagong Taon

Panibagong taon; madalas marami ang nagbabago

May mga buhay na nag-iiba

Ngunit 'di sigurado kung mabuti o masama ito

Panibagong taon; isang dagdag edad sa mundo pa

Panibagong taon; malaki ang epekto

May mga nagpapatuloy at magsisimula

Ngunit 'di lahat ng bagay, madaling nababago

Panibagong taon; marami na namang problema

Panibagong taon; isang patunay ito

May mga darating na pagsubok sa bawat isa

Ngunit 'di sigurado kung lilipas, tulad ng pagpalit ng kalendaryo

Panibagong taon; madalas marami ang nagdudusa

Panibagong taon; marami ang nagdurugo

May mga bagay na nagpapakulay, sa langit makikita

Ngunit 'di lahat ay maganda, parang ugali ng tao

Panibagong taon; malaki ang maitutulong sa taong naniniwala

(December 27, 2011)

Bouquet of Words #YourChoice2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon