VI. Ang Pasko

68 9 0
                                    

Ang Pasko

Masaya ang Pasko

Masisilip ang ngiti sa bawat tao

Masigla ang paligid

May pag-ibig sa apat na sulok ng silid

Maligaya tuwing Pasko

Makikita kung minsan, lahat may regalo

Maliwanag ang lugar

May tawanan din at ito'y bulgar

Masasagot ba sa Pasko

Mga tanong ng ibang tao?

Maari bang makahingi kami,

May tulong bang darating, kahit kaunti?

Maganda ang Pasko

Madadama ang kabutihan sa puso

Maabot ang kamay ng iba

May gagabay sa'yo at di ka na mag-iisa


(December 27, 2011)  

Bouquet of Words #YourChoice2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon