X. Maghihintay Na Lang Yata Sa Iyo?

76 7 2
                                    

Maghihintay Na Lang Yata Sa Iyo?

Marami na ang nagsabi

Wala nang ibang mapipili

Nakakahiya man na sabihin

Ang hirap talagang umamin

Pakiramdam ay biglang sumisikip

Sa tuwing ako'y maiidlip

Dahil sa naaalala kita

Paglapit sa'yo, di magawa

Kailan pa kaya

Mapagbibigyan ng tadhana

Ang isang pagkakataon

Maiparamdam kong mahinahon

Ikaw lamang, walang iba

Di magsasawang ulitin sinta

Hanggang sa madama mo ito

Pag-ibig na alay ko sa'yo

Ngunit mananatili lang sa panaginip ko

Kahit ang damdamin ko ay totoo

Mahihirapan kasi ako na ito'y gawin

Marahil, kinakabahan sa iyong mga sasabihin

Subalit, madami na rin pala

Ang mga nabubuhay sa pag-asa

Patuloy lang sa mga pangarap

Kahit ang pag-abot nito'y mahirap


(May 5, 2012)

Bouquet of Words #YourChoice2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon