Kahit 'Di Totoo
Walang maririnig
Tahimik ang daigdig
Paano malalaman
Kung kahit bulong
Walang paramdam
Hindi na ba tunay
Dati ay sadyang makulay
Bakit ba nagbago
Nung malapit na
Saka pa lumabo
Ang nais ko lang naman
Kahit konti ay masilayan
Ang lumipas na mata
Na ayaw magpakita
Buksan sana naman
Pintuan na pinipigilan
Ano pa ang saysay
Kung kahit bintana
Hindi masilay
Ang nais ko lang naman
Kahit konti ay masilayan
Ang lumipas na mata
Na laging nagpapaasa
Gaano kadalas
Naisip at nalito
Nadinig ang tinig mo
Nakausap ng ilang segundo
Bakit pa tatakas
Kung simple lang hangad nito
Maliit na pag-ibig mo
Kahit 'di totoo
(October 27, 2013)
BINABASA MO ANG
Bouquet of Words #YourChoice2018
PoetryBouquet of Words (a collection of poems) by: Ano ni Muse? Highest Rank #001 in Poetry Collection Category [07/23/2018] #007 in Book of Poems Category [05/21/2018] #009 in Poet Category [07/25/2018] #096 in Poem Collection Category [05/10/20...