IV. Maligaya Mga Ina Araw (Happy Mother's Day)

111 10 1
                                    

Maligaya Mga Ina Araw (Happy Mother's Day)

Nanay, Inay, Mommy, Mama

Sa'yo akoy nagmula

Sa akin hindi ka nagpabaya

Patawad, dahil pasasalamat at pagmamahal lang ang aking magagawa

Ako po ngayon ay medyo tumutula

Halos magkakatunog, bawat dulo ng salita

Ikaw! Inspirasyon ko sa paggawa

Diyan ka lang!!! At manatiling masaya

Kayo ni itay, nagtulong para mabuo ako

Hindi pa po kayo nakuntento

At binigay pa ang mga pangangailangan ko

Wag kang mag-alala, di masasayang mga paghihirap niyo

Tinuruan niyo po ako kung paano mamuhay

Pinatira pa sa isang bahay

At inutusan para magsampay

Ayos lang naman, mabuti na yun, kaysa ako'y mamatay

Oo na nga, mahal kita, maniwala ka naman

Ito lang ang dapat mong tandaan

Sige na, mahal kita magpakailanman

Pati sa tatay ko, kamusta ka naman?

(May 8, 2011)

Bouquet of Words #YourChoice2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon