Ang Aso (Bow, Aw, Aww.)
Tumatahol ang aso
Alkohol, bawal 'yan sa aso
Kumakahol ang aso
Ulol ang aso
Ang aso ay maputi ang balahibo
Ang aso ay mahaba ang nguso
Ang aso ay dumidila sa amo
Ang aso ay nangangagat ng masamang tao
Ang aso ay mataba
Ang aso ay dating tuta
Ang aso ay paborito ng bata
Ang aso ay hindi naglalaba
Kumakain ng buto ang aso
Kinakain ng tao ang aso
Kumakain ng buto ang tao
Kinakain ng aso ang tao
Sa bahay, nakatali ang aso
Sa inuman, pulutan ang aso
Sa pulis, umaamoy ng droga ang aso
Sa akin, kaibigan ang aso
(January 9, 2011)
BINABASA MO ANG
Bouquet of Words #YourChoice2018
PoezieBouquet of Words (a collection of poems) by: Ano ni Muse? Highest Rank #001 in Poetry Collection Category [07/23/2018] #007 in Book of Poems Category [05/21/2018] #009 in Poet Category [07/25/2018] #096 in Poem Collection Category [05/10/20...