Katinuan Sa Bingit Ng Kabalintunaan
Wag nang maniwala sa iba
Di kailangan na magtaka pa
Kung ano ang tunay na pasya
Sundin at wag umasa basta
Ang lahat ay nagkakamali
Dahil walang perpekto lagi
Mag-ingat lang sa sinasabi
Para wala ng pagsisisi
Tulad mo ako ay tao lang
Masaya at malungkot lamang
Kadalasan may mga kulang
Bagay na para rin sa mangmang
Mayroong mabuti sa mata ng iba
Sadyang masama pa para sa kanila
Hindi lahat ng nakikita ay tama
Pumikit, magdasal at maniwala ka
(October 28, 2012)
BINABASA MO ANG
Bouquet of Words #YourChoice2018
PoetryBouquet of Words (a collection of poems) by: Ano ni Muse? Highest Rank #001 in Poetry Collection Category [07/23/2018] #007 in Book of Poems Category [05/21/2018] #009 in Poet Category [07/25/2018] #096 in Poem Collection Category [05/10/20...