Chapter 2

349 5 1
                                        





"Alex, wala ka bang lakad ngayon?" Mum asked me. Hindi ako sumagot. Busy ako sa pagsusulat para sa huling line ng isasubmit kong story project. "Okay na ba kayo ni Jess ngayon? Alam mo Alex. Sayang kayong dalawa. Bagay pa naman kayo. Pero kung masaya ka naman kay Kate. Why not."

Napailing ako. Tumayo ako at sinarado ang pintuan. Hindi ako makapag concentrate sa ingay ni Mama. Wala pa ring pinagbago. Before sya aalis ng bahay kung ano-anong sasabihin sakin. Nawawala tuloy ako sa konsentrasyon ko.

Kailangan kong matapos to ngayon dahil bukas na ang deadline. Napagbigyan na din naman ako na about lesbian ang story ko.

Then suddenly my phone rang... it was Kate.

"Hey."

"Busy? Lets hang out. With Julo, David at Jess."

after hearing the last name. Parang nawala na naman ako sa sarili ko.

"Alex, still there? So ano?"

"Okay. I just need to finish my work first."

"Alright. Then see you tonight, sweetie."

Binaba na ni Kate ang tawag. Tama ba na pumayag ako? Hindi naman sa umiiwas ako sakanya. Pero may early meeting pa ako bukas. Hays. I sighed. Wala ng atrasan 'to Alex. Pumayag ka eh. Time mo na rin 'to with Kate. Next week magpapacanada na naman sya.

"Alex, alis na ako. If you need anything don't bother to call me ha." That's my Mum.






//






"Girl, you made it. Akala ko indian na naman eh. Porque famous na." Kunwaring pagtatampo ni Julo ng dumating na si Jess.

"Sorry. Sorry. Hinintay ko po kasi si Aaron." Humawak sya sa braso ng lalaking kasama nya. "Boyfriend ko."

"Hi." The guy greeted shyly. Nakasuot ito ng eye glass. He look nice.

"Guuuuuys! Let's party." Anunsyo ni Julo.

Tumayo din si Kate para bumeso dun sa guy. Actually, silang lahat. Tumingin si  Julo sakin at pinandilatan ako ng mata. Alam ko na ang gusto nyang sabihin. So tumayo na ako at kinuha ko yung drinks ko.

"LET'S PARTYYYYY." all eyes on me. "What?"

"Partyyyyyy." Julo said.

Nagpunta kami sa gitna. Nagsasayaw kaming lahat except to Aaron na nakatayo lang sa bar counter. Baka hindi sanay. Kasi parang ang pormal nya. Parang good guy lang talaga.

"Eye on me, sweetie." Hinarap ni Kate ang mukha ko sakanya. Ngayon ko lang din napansin na hindi na din pala ako nagsasayaw at kay Aaron nalang din ako nakatingin.

I smiled and nagsayaw na din. Hawak ko pa din yung baso ko. Sila Julo at David naman sobra na din ang pag-eenjoy. Sayaw nalang sila ng sayaw.

Nang makaramdam na ako ng pagod. Nagpaalam na ako kay Kate na babalik na muna sa table namin. Nagpaiwan na muna sya kila Julo at nagpatuloy sa pagsasayaw.

"Bakit nag-iisa ka dito?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Jess. Nakaupo na sya sa pwesto nila.

"Napagod magsayaw." I looked away. Kahit medyo dim ang ilaw. Nakikita ko pa ring sakin sya nakatingin.

"So kamusta ka na?" She asked.

"I'm good. Ikaw?" Balik tanong ko sakanya.

"Mabuti din. You know what Alex. Namiss kita. Namis ko 'to." I looked at her.

Para bang huminto na naman ang mundo ko.

"Hey, hinahanap kita doon eh. Nandito ka lang pala." Tumabi si Aaron sakanya at umakbay.

Baka Bukas IIWhere stories live. Discover now