"Alex, umamin ka nga sakin." Julo said.
Pero hindi ko sya pinansin or tinignan man lang. Binabasa ko pa kasi yung last 2 pages ng book na binigay sakin ni Kate last week.
"Hey, bitch. I'm talking to you." Doon na nakuha ni Julo ang atensyon ko. Paano ba naman daw. Bigla nyang kinuha ang libro ko at nilagay nya sa bag nya.
"You're road." I whispered but enough para marinig nya.
Natawa ako sa pagkunot ng noo nya. Haha.
"What?" He said with matching taas kilay.
"Nothing. Ano ba yun?" I focused on him. He look so serious.
"Okay. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Huminga sya ng malalim. "Kaibigan mo ako. Kaibigan din ako ni Kate. Kaibigan din naman ako ni Jess." Wait. What? Paanong nasali sila Kate at Jess sa pag-uusapan namin.
"Akala ko ba walang paligoy-ligoy?" Walang gana kong tanong sakanya. Kinakabahan ako eh. Kasali na yung dalawa.
"Okay fine. Do you still inlove with Jess? Kasi you know what, Alex. Si Jess iyak ng iyak kahapon after ka nyang sundan. Gusto lang naman nyang ibalik ang friendship nyo. But you, bitch! Iwas ka ng iwas sakanya. Ano bang problema mo kay Jess? Affected much? C'mon girl. It's been a long time since you and Jess broke up. At ikaw naman ang may gusto nun diba. Tapos ngayon umiiwas ka sakanya. Be a friend naman sakanya, girl. Nakakaawa sya."
Halos wala na akong naintindihan sa sinabi ni Julo dahil sa dami at bilis nyang magsalita. Pero isa lang ang nabuong storya sa isip ko. Umiiyak si Jess because of me. Nasasaktan ko ang bestfriend ko dahil sa pag-iwas ko. Ano nga bang problema ko?
Can we still be friends? Pwede nga ba? Hindi ba awkward ang ganun?
"Go to hell, Alex. I hate you! You're not listening to me." Inis na sambit ni Julo at binagsak sa tabi ko yung libro.
Umalis sya at pinuntahan si David na katatapos lang magphoto shoot.
Do I need to talk to her? Knowing that Jess is still wants me to be her bestfriend. I think. . . Kailangan nga naming mag usap dalawa.
//
Halos isang oras na din akong naghihintay dito sa tapahan kay Jess. Yeah I messaged her na magkita kaming dalawa. Pero kahit walang response galing sakanya nagpunta pa din ako.
Pero isang oras na at wala pa ring Jess ang nagpapakita sakin dito. Darating pa kaya yun? What should I do now? Aalis or maghihintay pa din? Hays. Jess, where are you na ba? Pwede namang magtext na hindi ka darating.
"Ahhh Ma'am, can I take your order?" Napatingin ako sa staff na nasa harap ko ngayon.
I took a deep breath. Kinuha ko yung phone ko sa mesa at tumayo. "Hindi na. Aalis nalang ako. Thank you."
Nagkibit balikat lang yung staff sabay talikod sakin. Nagpunta na ako sa kotse ko at bago ako sumakay tumingin pa ako sa tapahan ng isang beses pa.
One last look at baka makita ko na ang hinihintay ko pero wala. Wala talaga sya. Umasa ako sa wala. Naghintay ako sa wala.
Pahiga na ako ng kama ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Naka-off na din kasi ang ilaw kaya hinintay kong magsalita yung pumasok or lumapit sakin. Alam ko namang si Mama lang yun.
Ilang segundo na pero hindi sya nagsasalita or lumalapit sakin.
"Ma, anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya.
Pero laking gulat ko ng ibang boses ang narinig ko. "Alex." Alam ko kung kaninong boses yun.
"Jess?" Pagkasabi ko nun. Lumapit na sya sakin.
Nakita ko yung mata nyang kagagaling lang sa pag-iyak. Namumugto pa ang mga ito kaya sobra akong nag-alala sakanya.
"Anong nangyari? Bakit umiiyak ka?" I asked her. Pero himbis na sagutin nya ako mas lalo pa syang lumapit sakin at niyakap ako. Nabigla man ako sa ginawa nya niyakap ko din sya. Sobra akong nagwoworry sa bestfriend ko.
After ng ilang saglit nyang pagyakap sakin bumitaw na sya. Pinunasan nya ang luhang patuloy na bumabagsak sa mga mata nya.
Hinawakan ko yung kamay nya na ginamit nyang pangpunas sa luha nya. Binaba ko yun at muli kong hinawakan ang pisngi nya.
"Ako dapat ang nagpupunas ng luha mo. Kaibigan mo ako diba?" Ako na ang nagpunas sa luha nya.
Nakita ko din yung bahagya nyang pag ngiti. Okay na ba kaming dalawa? Ito na ba ulit ang simula ng friendship namin.
"Pwede ba akong makitulog dito?" Tanong nya na ikinabigla ko.
Nagfreeze pa ako ng ilang segundo bago ako matauhan sa tinanong nya. Tama naman ang dinig ko eh.
"Alex, I'm asking you. Pwede ba?"
Nakatingin lang ako sakanya at ganun din sya sakin. Nakatingin lang kaming dalawa sa isa't-isa na para bang ngayon lang ulit kami nagkita.
Bumalik ako sa ulirat ng hawakan nya ako at hinalikan sa pisngi. Nakadikit lang ang labi nya sa pisngi ko ng ilang segundo.
"Aalis na ako. Gusto ko lang malaman mo na namiss talaga kita, Alex. Sana one day bumalik na tayo sa dati. Miss ko na ang pitchi-pitchi ko."
Lalabas na sana ng kwarto si Jess pero mabilis ko syang pinigilan. Hinawakan ko sya sa kamay. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para gawin yun.
Tumingin sya sakin.
"Dito ka nalang. Dito ka lang sa tabi ko, Jess."
I said it.
"Alex, anong nangyari satin?" Biglang tanong ni Jess. Parehas na kaming nakahiga. Like the old times.
"What do you mean?"
"Bakit naging ganito tayo? Bakit kailangan maging ganito tayo? Ang tagal nating hindi nagkita. Walang kahit anong communication. Then now, nag-iiwasan pa tayo. Awkward." Natawa sya ng konti. Ako naman nakatingin lang somewhere. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Naramdaman ko yung paggalaw nya. Alam kong nakatingin sya sakin ngayon. "Tulog ka na ba?"
"No. Gising pa ako."
"Bakit hindi ka nagsasalita."
"I'm listening."
"Alex naman eh. Salita ako ng salita dito pero wala kang response?" Natawa ako sakanya ng bahagya. Parang batang nagmamaktol. "Tapos tatawanan mo lang ako. Alex naman eh."
"You know what, Jess. Matulog na tayo. Para kang bata. Maaga pa ang call time natin bukas. Remember?"
"Sabihin mo muna sakin. Bakit mo ako pinapapunta sa tapahan?" Napatingin ako sakanya. So nabasa nya ang mga message ko sakanya but still. Hindi sya nagreply. Pinaghintay nya talaga ako sa wala doon? Sinasadya nya kaya yun? "Okay. I'm sorry kung hindi ako nakapunta. I'm with Aaron that time. May dinner kaming dalawa."
Now I know. Sino nga ba ako para unahin nya. I'm just her ex-bestfriend.
"Matulog ka na."
Tumagilid na ako para makaiwas sa mga tingin nya. Pero naramdaman ko ang pagyakap nya sakin. Nasa bewang ko ang kamay nya ngayon.
"Good night, Alex."
I slowly closed my eyes. Bakit ako nasasaktan? Hindi naman dapat. Alex, umayos ka!
"Good night, Jess."
![](https://img.wattpad.com/cover/136247996-288-k732961.jpg)