Alex's POV
"So paano, Kate? Kita nalang ulit tayo after 7 months." Sabi ni Julo.
Nandito kami ngayon sa airport para ihatid si Kate. Ngayon na kasi ang balik nya sa canada.
"Yeah. Kayo ng bahala dito ha." Inakbayan ako ni Kate. "Huwag nyo masyadong ipressure sa first movie na gagawin nya. Okay?" I smiled. Kanina nya pa kasi sinasabi yung first movie na gagawin ko. Samantalang hindi naman ako ang artist. Well, hindi ko pa alam kung sinong gaganap.
"Ano ka ba. Knowing Alex. For sure big hit yun."
"Oh basta, kayo ng bahala sakanya. Okay?"
Ngumiti si Julo as his answer at yumakap na kay Kate. May nag-announce na kasi sa flight nya.
Humarap si Kate sakin. "Oh sweetie, mamimiss kita." Niyakap nya ako. "Take care okay?"
"Ikaw din mag-iingat ka. Tumawag ka pag nakarating ka na sainyo ha."
"I will. Bye." Bumeso sakin si Kate.
Hinintay namin si Kate na mawala sa paningin namin bago kami tuluyang umalis ni Julo. Pupunta kami ngayon sa studio nila dahil nandoon si David na busy sa pictorial.
Dumaan din muna kami sa isang store to buy pizza and drinks. Hindi na din kami nagtagal ni Julo doon. Baka patapos na din kasi ang pictorial ng boyfriend nya.
"You know what, Alex. I'm so excited for your first project."
Tumingin ako kay Julo tapos napangiti. Kasi kitang kita sa mga mata nya na masaya sya for me.
"And even Jess, she have a new movie. Oh my god. Sabay nating panuorin ang next movie nya. For sure, big hit din yun."
Naiiling nalang ako dahil kay Julo. Sobrang supportive na kaibigan.
Nauna ng pumasok si Julo sa studio. Ako na ang nagdala ng pizza at sya sa inumin namin. May dala din kasi akong bag.
Hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok sa studio pero naririnig ko na ang malakas na pagtili ni Julo. Alam ko na yan. Alam kong nandyan sya ngayon. I took a deep breath bago pumasok. Tama ako. Nandito si Jess. Naabutan ko sila ni Julo na nagtatawanan.
"Hey." Bungad sakin ni Jess.
I smiled. "What's up?" Cassual lang ako sakanya. Binaba ko yung dala kong pizza. Nauna na si Julo na buksan yun.
"Gutom na kasi talaga ako eh." Sabi ni Julo sabay kagat sa pizza na hawak nya.
"Halata nga." Napapataas nalang ako ng kilay sakanya.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa. Para din kasing walang nangyayari dahil puro lang silang tawanan dalawa. Si David naman katatapos lang ng pictorial at ngayon ini-edit na ang pictures na kuha nya kanina lang.
"So how's lovelife, girl?" Rinig kong tanong ni Julo kay Jess. Pasimple akong naiiling sakanya.
"Well, we're both happy. And. . ." Napataas ako ng tingin ng mapansin kong huminto si Jess sa pagsasalita.
"And?" Si Julo.
"And. . . We're both happy. Hehe." Jess laughed. Napangiti ako.
"Huy bruha. Ngingiti-ngiti ka dyan. Ano na naman yan?"
"Ha?" Pagmamaang-maangan ko. Kunwari hindi ko alam yung sinasabi nya.
"Oh crazy girl." He rolled his eyes to me at hinarap na si David na kakalapit lang samin.
Nagkatinginan kami ni Jess. Pero agad akong nagbawi ng tingin sakanya. Those eyes of hers. Tsk. Umiling ako ng ilang beses bago tumayo at nagpunta ng restroom.
//
"So paano ka uuwi nyan? Mag-grab ka na naman?" Tanong ni Julo kay Jess.
Kailangan na kasing umuwi ni Jess. Meron pa daw syang meeting bukas kasama ang management nila. Kanina pa kami dito sa labas. Hinihintay ang boyfriend nya. Kaso hindi na makakarating dahil may prior appoinment daw. Nasa tabi lang ako habang nag-uusap silang dalawa. Patingin-tingin sa phone ko.
"Yeah. Ano pa nga ba." Rinig kong sagot ni Jess.
"Alex, bakit hindi mo nalang sya ihatid? Right? Pauwi ka na din naman diba?" Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sakanilang dalawa. "Ano girl? Tulala lang? C'mon, Alex. Hahayaan mo bang mag-grab tong bestfriend mo?" Pangongonsensya sakin ni Julo.
"Wait there. I just get my bag inside."
Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Pumasok na ako sa loob para kunin ang bag ko. Nagpaalam na din ako kay David.
"Lets go." Aya ko kay Jess.
Bumeso na ako kay Julo at hinintay na makapasok si Jess sa kotse. Bago kami umalis binigyan ng death glare si Julo. Natatawa nalang sya sakin. Tsk.
//
Habang nasa byahe kami, narinig kong tumunog ang phone ko. Tinignan ko lang kung sino yung nagtext. It's from the adversetisement ng story ko.
"May problema?" Tumingin ako kay Jess. Pero agad ko ding binalik ang tingin ko sa kalsada coz I'm driving.
Ngumiti ako at bahagyang umiling. "Wala naman. Nagtext lang sakin yung sa story ko." Natahimik kami parehas. Kailangan kong pumunta doon ngayon dahil kakausapin daw ako nung mga kameeting ko last time. Inaasahan na nila ako ng 10 minutes dapat nandun na ako. Pero paano si Jess.
"Ahm, Jess?" Sambit ko ng pangalan nya. Nakita kong sinulyapan nya ako.
"Go. Sasama nalang ako kung emergency yan."
"Thank you." Sabi ko nalang. At minaniubra ko na pabalik yung kotse sa company nila. Saglit lang naman daw.
//
After ng 15 minutes, natapos na din ang usapan namin. Mami-meet ko na ang artists na gaganap sa story ko. So excited for this one. Can't wait meet them.
Paglabas ko ng office, naabutan ko si Jess na nakaupo lang sa waiting are and nakasuot ng shades. Siguro tulog sya. Kasi hindi nya ako napansin na lumapit sakanya. Ni hindi nya nga naramdaman na tumabi ako sakanya ngayon. Mukhang pagod na pagod sya. Nakatulog nalang dito bigla.
Umiwas ako ng tingin sakanya ng mapansin kong gumagalaw ang labi nya. Baka nagising na.
"Alex, kanina ka pa ba?" Tanong nya sakin. Tinanggal nya ang suot nyang shades.
"Puyat?" I asked.
"Medyo. Hehe. Tapos na kayo?" I nodded. "So. . . Alis na tayo?"
"Tara."
Tumayo na ako. Hinintay ko syang makatayo at sabay kaming naglakad dalawa palabas ng building. Pagpasok ng kotse, inayos ko yung seatbelt ko. Napansin ko naman si Jess na medyo nahirapan kunin yung seatblelt sa likod nya.
"Ako na."
Hinayaan nya na ako. Kinuha ko yung seatbelt sa likod nya at kinabit yun sa kadugtong sa gilid ni Jess. Habang kinakabit ko yug seatbelt, napansin kong nakatingin lang sya sakin.
"What?" I asked.
Pero himbis na sagutin ako. Niyakap nya lang ako. And narinig ko syang humihikbi na.
"What's wrong?" Nag-aalala kong tanong sakanya. Hindi nya ako binitawan.
"Namiss lang kita. Namiss ko to. I miss you so much, Alex."
Ramdam ko yung sincerity nya sa sinabi nya. Huminga ako ng malalim at ginantihan ang yakap nya.
"Namiss din kita."
