"So how was the feeling?" Tanong ko kay Alex. Sumubo ako ng pagkain ko.
"Feeling for what?" Balik tanong naman nya.
"First project mo. Anong feeling?"
Tumigil sya sa pagkain. She eyed on me. "Well at first it's kinda nervous kasi it's my first. But after the first meeting with Direk and Jas. Nakaka-excite. Gusto ko na agad simulan ang project."
"So sila lang ang gusto mong makasama? How about me? Nakakatampo ka ha. Ako kaya ang bestfriend mo dito." Kunwaring pagtatampo ko.
Binalik ni Alex ang atensyon sa pagkain nya. "Wala akong sinabi." Sabay subo ng pagkaing nasa kutsara nya.
"So you're excited na makasama ako?" Gusto ko lang naman malaman. Wala namang mali doon right?
"Wala din akong sinabi."
I threw a tissue on her face dahil sa sagot nya. Nakakaasar sya kahit kailan.
"What was that for? I'm eating." Sinamaan ko lang sya ng tingin. "You're cute, Jess."
"You're road."
Then we both laughed. Bumalik na nga kami sa dating kami. Yung nag-aasaran at nagtatawanan.
After namin kumain ni Alex. Nagdecide kaming magpunta sa studio dahil nandun ngayon si Julo at David.
Pagdating namin sa studio. Nauna na akong pumasok kay Alex. Excited na akong makita ulit si Julo.
"Julooooooo." Tawag ko sakanya. Naabutan ko syang nagtitingin lang ng magazine habang si David busy sa laptop nya. Nag-eedit ata ng pictures.
"Omg, girl. Ilang araw lang tayong hindi nagkita pero namis kita agad."
"Ako rin. Aww. Hug, Julo." We hugged. Nakita ko naman sa likod si David na pailing-iling lang.
"So paano, David? Tayo nalang magsama? Tutal sila lang naman ang nagkakaintindihan eh."
Naghiwalay kami ni Julo sa pagkakayakap ng magsalita si Alex.
Halata naman sa mukha ni Julo at David ang pagtataka dahil nandito din si Alex.
"Magkasama kayo?" Takang tanong ni Julo. Umupo sya sa tabi ni David at yumakap sya.
"Clingy." Sabi naman ni Alex.
"Parang ikaw lang kay Jess. . . Noon." Balik naman ni David sakanya na ikinasama ng tingin ni Alex sakanya. "Joke. Haha."
"Funny." Inis na sambit ni Alex.
"So okay na kayong dalawa?" They asked.
"I think so." Sagot ko sakanya. Tinignan ko si Alex.
"Wait, guys. Kate is calling. Sagutin ko lang."
Pinagmasdan ko lang si Alex hanggang sa lumabas na sya ng studio. Kailangam talaga sa labas pa. Tsk.
"Selos?" Tumingin ako sakanila.
"Nah!"
"Sus, Jess. Don't deny it. You look like a jealous girlfriend here." Pagpipilit ni David.
"I'm not. At hindi mangyayari yun."
"Talaga lang ha." Taas kilay namang sabi ni Julo.
"Alam nyo kayong dalawa. Panira kayo ng araw. Kaasar."
"Kami ba o dahil sa selos mo? Sus. Aminin. Hahaha."
"Whatever."
Tumayo ako at iniwan na silang dalawa. Lumabas ako ng studio. Nakita kong may kausap pa rin si Alex sa phone. Naglakad lang ako palapit at tumabi sakanya.
Tumingin naman sya sakin saglit at muling binaling ang atensyon sa kausap nya.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako naiinis na kausap nya si Kate? Jess, may boyfriend ka at mahal mo sya diba? Hindi ka dapat naaapektuhan sa girlfriend ng ex mo.
"Alex." Tawag ko sakanya. Okay. Rude na kung rude pero gusto kong kunin ang atensyon nya.
Hindi nya ako pinansin. Tuloy lang sya sa pakikipag-usap kay Kate. Naiinis na din ako sa naririnig ko. Bakit ba ang sweet nya kay Kate.
Dahil sa sobrang inis ko at irita dahil sa naririnig ko. Hinawakan ko si Alex sa kamay at hinila sya papunta sa kotse nya.
"Where's the key?" I asked her. Binaba na din nya yung phone. Buti naman.
"Why?"
"Ako magdadrive."
"No!"
"Give it to me. Get in."
"Jess, ano bang nangyayari sayo?"
I rolled my eyes. Sumakay na ako sa driver seat para wala na syang angal. Sumakay na din sya. Akala ko makikipagtalo pa sakin eh.
"Nasan na?"
"Okay. Sabihin mo muna sakin. Bakit mo ginawa yun?"
Kumunot ang noo ko. "Ang alin?"
"Bakit mo ako hinila dito?" Okay. Yun pala yun.
"Gusto ko ng umuwi." I simply answered.
Kinuha ko yung bag nya at hinanap doon ang susi ng kotse nya. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko agad. Konti lang din naman ang laman ng bag ni Alex. Hindi talaga mahilig sa abubot sa buhay.
Nagdrive ako. Pero hindi pauwi samin. Hindi din naman pauwi sakanila. Gusto ko munang magpahangin.
"I thought you want to go home na? So saan tayo pupunta? Hindi naman ito ang daan pauwi sa inyo."
Hindi ko sya pinansin. Hindi naman to kidnapping kaya hindi dapat ako mabahala. Haha. Natatawa ako sa naiisip ko.
"Baliw ka. Ngumingiti ka mag-isa."
Yes I'm crazy. Crazy over you. Sagot ko sakanya. Pero sa isip lang. Hindi nya pwedeng marinig.
Nagpunta kami ni Alex sa rooftop kung saan kami nagkaaminan ng feelings namin noon. Alam kong hindi na dapat namin to na alalahanin pa o balikan. Pero kung parehas na kaming nakamove on sa nakaraan namin. Wala lang samin to.
"Bakit dito?" She asked me. Nakatingin lang kami parehas sa malayo. "Hindi na dapat tayo nagpunta dito."
"Alex, tell me. Please answer me honestly. Kung pwede nating ibalik ang dati, aaminin mo pa rin ba sakin ang nararamdaman mo or itatago mo nalang? Kasi kung ako ang tatanungin mo. Pipiliin ko pa ring umamin sayo."
"Bakit?"
"Kasi ikaw yan. Ikaw yung Alex na minahal ko noon. Yung bestfriend ko. At kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan natin. . .hinding hindi ko na gagawin ang kamalian ko noon."
"Lets not talk about our past, Jess. Past na yun. More important now is. . .we're both happy. Sa career, sa lovelife, sa buhay natin. We have each other again. Magbestfriend tayo ulit. Enough na yun para magsimula tayo ulit."
"Yeah. You're right. And thank you for that, Alex."
Ngumiti kami sa isa't-isa. Tama naman si Alex. Hindi na talaga namin dapat balikan ang nakaraan. Nakaraan na yun. Parehas na kaming masaya ngayon. Ako kay Aaron. Sya kay Kate.
Habang pinagmamasdan ang ganda ng lugar. Hinawakan ko ulit sa kamay si Alex. I used to it. At alam kong sanay na din sya sa gantong gawain ko pag magkasama kaming dalawa.