Jess's POV
Katatapos lang ng meeting namin with the management. They gave me another project. Pero nagdadalawang isip pa ako. It's an Indie film. Taas nun. Parang hindi pa ata kakayanin ng power acting ko yung ganun film. Hays.
"Anak, okay ka lang?" Si Nanay, yung manager ko.
I sighed. "Tingin mo ba Nay, kaya ko yun?" Nakaharap ako sa salamin. Nasa dressing room kami ngayon.
"Yung alin? Yung Indie Film o yung Lesbian role?"
"Nay naman eh."
"Hay naku Jess. Kilala na kita. At yang mga pangamba mo na yan. Alam ko na yan. Natatakot ka para sa role? Naiilang ka? Sus naman anak, para namang hindi ka pa sanay."
"Ang awkward kasi." I pout.
"Awkward? Bakit? Si Alex ba ang partner mo?"
"Nanay!" Saway ko sakanya. Iniiwasan ko kasing banggitin ang name ni Alex kapag nasa labas kami dahil baka biglang marinig ni Aaron. Yun pa namang lalaking yun bigla-biglang sumusulpot.
"Oh bakit anak? Akala mo ba hindi ko napapansin? Alam mo, nak. Masaya akong nakikita kang masaya dyan sa boyfriend mo. Pero yung mga mata mo? Hindi kayang magsinungaling eh. Iba pa rin ang hinahanap nyan."
"Hay naku, mother. Akin na nga lang po yung script ko." I pleased her. Pag-iiba ko na rin ng topic.
Kinuha naman nya yung script. "Hay naku Jessica. Deny pa. Mas lalo ka lang di makakapag move on."
"Hala sya. Nakapag move on na nga ako oh. May Aaron pang bonus."
"Hala sya. Iba ang sinasabi ng bibig dyan sa dibdib. Osya. Labas lang ako ha. Bibili ako ng makakain natin."
I'm just watching him hanggang sa makalabas sya ng dressing room.
Nakamove on ka na, Jess. Huwag mo masyadong iniisip ang mga sinasabi ni Nanay. Mahal mo si Aaron at sya dapat ang iniisip mo at hindi ang mga tao sa nakaraan mo.
Baka Bukas?
Baka bukas ang title ng gagawin kong movie. And it's about sa magbestfriend na nafall sa isa't-isa. Ano to? Sinasadya? Seriously? Mas lalo tuloy akong nangamba kung kakayanin ko ba 'to. Hays.
Layp!!!
//
"I'm so so so sorry, Julo for declaining your invitation last time. Sobrang busy kasi eh."
I'm with Julo sa studio nila ni David. The latter is busy.
"Ano ka ba girl. Okay lang. I know naman na sobrang busy ang sched ng mga fame. Haha."
"Sira. Hindi naman ako fame."
"Asus. Pahumble effect pa sya. Haha. No worries girl. I'm your biggest fan."
"Haha. Funny, Julo friend kita. Hindi fan. Hahaha."
"I know right. So kailan ka ulit magiging busy?"
"Baka next month pa naman. Marami pang preparations para dun."
Julo nodded. "Edi marami ka pang time to hang out with us?"
My smiley face flashed as an answer to his.
"Lets partyyyyy. No work muna. Bongga." Julo said excitedly.
//
🎵let me know if I'm doing this right.
Let me know if my grips to tight.. 🎵
"Ang ganda talaga ng boses ng mahal ko."
Natigil ako sa pagkanta ng dumating na si Aaron sa dressing room. May ilang guesting kasi ako today at sya ang manunundo sakin.
"Hi Babe. Kanina ka pa ba dyan?" I asked him.
Niyakap nya lang ako sa bewang. "Hmm. Sakto lang. Ano tara na? Naghihintay na sayo ang mga kaibigan mo."
"You're coming with us right?"
Hinarap nya ako sakanya. "I'm sorry, Babe. But I need to decline. May emergency meeting kami nila AJ eh. Sorry talaga. Babawi ako next time."
"Okay. No problem, Babe. I understand."
"Thank you. Tara, ihahatid na kita."
Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na kami ng dressing room. Hindi na ako nakapagpaalam ng personal kay Nanay. I'll text him nalang later habang nasa byahe kami.
//
Nasa bar kami ulit. Party people ang mga kasama ko kaya hindi na kataka-taka kung nandito kami palagi. Well, hindi pa naman ako sikat noon dito na talaga kami nagpupunta. Hindi din naman iba sakin ang lugar na ito.
"So Alex, nasaan si Kate?" David asked her. Oo nga. Napansin ko wala si Kate.
"Ah. Busy eh. Inaayos na nya ang pagbalik nya sa Canada next week." She answered.
"Ow." Julo uttered and looked at me. Problema nito. "Wala kayong jowa na dala. Lets partyyyy." Hinila na nya si David sa gitna para magsayaw.
Naiwan kaming dalawa ni Alex sa upuan namin. Tumingin ako sakanya, pinapanuod nya sila Julo at David habang nakangiti sya.
"Mukha talaga silang inlove sa isa't-isa no." Sabi ko.
Tumingin sya sakin. "Yeah."
"Kayo din ni Kate." I said and umiwas ng tingin.
"Kayo din ni Aaron." Rinig kong sabi nya. Pero parehas kaming nakatingin sa mga tao sa gitna.
Paano ba mawawala ang yelong nakaharang saming dalawa ni Alex? I'm not used to it. Namimis ko na ang bestfriend ko. Yung natatawagan ko ng 2am. Yung katabi kong matulog. Ugh.
Sa sobrang frustration ko dahil sa pinapakita nyang cold treatment sakin. Tumayo ako at nagpunta na din sa gitna para makisali kila Julo at David.
Pero isang lalaki ang humila sakin. He looks nice naman. Pero mukhang nakainom na dahil naaamoy ko na ang alak sakanya.
"Lets dance baby." He said.
Bago ako nakipagsayaw sa lalaki binalik ko ang tingin ko sa table namin. Wala si Alex. Where the hell did she go?
"Sorry." Tinulak ko ng bahagya yung lalaki.
Hahanapin ko si Alex.
I saw her sa labas ng bar. May kausap sya. And I think si Kate yun. Problemado ang loka!
"Hey." Pagkuha ko ng atensyon nya pagtapos ng kausap nya sa phone.
"Bakit nandito ka? Hindi ba may kasayaw ka doon?"
"Hindi ko naman kilala yun." I said. Hindi sya sumagot. Hindi din ata tumingin. "Kain tayo? Nagugutom ako eh." Aya ko sakanya.
And this time, lumingon na sya sakin at ngumiti. "Tapa?" She asked.
"Tapa." Pag-ulit ko.
Finally, nagkasundo din kaming dalawa.
Nagpunta kaming dalawa sa lagi naming kinakainan ng tapa at bagnet.
"Nakakamis no?"
Nag nod lang si Alex sakin. Back to cold treatment? Hays Alex.
"Gustong-gusto mo pa rin talaga ang tapa." I said.
"Ikaw, akala ko ayaw mo na ng bagnet?"
Halos maibuga ko ang sinubo kong kanin at bagnet. Naalala nya pa yun.
"Just kidding. Hahaha " Sabay bawi nya. "Congrats nga pala sayo ha."
"Thank you, Alex."
Ilang saglit na katahimikan. Oo tahimik naman si Alex minsan. Medyo nakakapanibago lang. Hindi nya din ako matignan.
"Alex. . ." Tawag ko sakanya. Tumingin sya sakin. "Pwede ba akong makitulog ulit sa inyo?"
Dahan-dahan syang tumango bilang sagot nya.