Jess' POV
Kanina pa kami tengga sa set. Hindi kasi nakapunta si Jasmine ngayon dahil sa kalagayan nya. May sakit sya at hindi na sya pinayagan pa ng mama nya na umalis or magpunta sa kahit na anong commitments nya today. Kahit na nanghihinayang kami sa ilang scene sana namin ni Jas na makukuhanan ngayon ay naiintindihan naman namin sya.
Nagawa na naman namin ang ilang scene ko kaya hindi naman nasayang ang pagset ng staff sa set namin ngayon. A for effort pa rin sila para sakin.
"Nak, may pupuntahan ka pa ba? Magkikita ba kayo ni Aaron?"tanong sakin ng manager ko.
Umiling ako as my answer. Wala ako sa mood today para makipagkita sakanya. Ugh!
"Hindi pa din kayo okay?"
Ngumiti lang ako.
"Osya sige. Mag-ayos ka na dahil pack-up na. Bukas na ulit ang taping pag okay na si Jas. Magpahinga ka na din at baka ikaw pa ang magkasakit nyan. Mahirap na pag dalawa kayo ang wala sa shooting. Tignan mo nga yang mukha mo oh. Ang tamlay-tamlay." Hinawakan nya ako sa noo. "Wala ka namang sakit pero ang tamlay ng itsura mo. Okay ka lang ba?"
"Okay lang ako, Nay. Ipapahinga ko nalang to."
"Okay sige. Mabuti pa nga. Tara na?"
Kinuha ko yung bag ko at umalis na kami ni Nanay sa set.
//
Alex's POV
Naalimpungatan ako ng bandang 2 am dahil sa pagtunog ng phone ko. Pikit ang isang mata kong sinagot yung tawag. Antok na antok pa ako at wala akong idea kung sino ang tumawag.
"Alex?"
Parang nawala ang antok ko ng marinig ko ang boses nya. Tinignan ko yung phone kung tama ba ang nasa isip ko. Sya nga ang tumawag sakin.
"Alex, nakikinig ka ba sakin?"
"Hmm? Anong oras na Jess. Bakit gising ka pa?"
"I can't sleep. Pwede ba akong makitulog sa inyo?"
"What? Jess, ibaba mo na ang phone mo at matulog ka na okay? Good night. . ."
"No. Hindi ako aalis dito sa tapat ng bahay nyo hanggat hindi mo ako pinapasok."
Napatayo ako dahil sa sinabi nya. Nasa tapat sya ng bahay namin? Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko syang nakatayo nga doon.
"Anong ginagawa mo dyan?" I asked her. Magkausap pa rin kami sa phone.
"Sabi ko naman sayo diba. . I can't sleep. Gusto kong may katabing matulog."
"No. What I mean is. . .pumasok ka na nga lang dito."
I hang up the phone na. Hinintay ko nalang sya na makapasok sa kwarto.
10 minutes. . .
20 minutes. . .
30 minutes. . .
Nakahiga lang kaming dalawa at parehas nakatingin sa isa't-isa. Nakatagal kami sa ganitong posisyon? Just wow.
"Alex, naniniwala ka ba sa second chances?"biglang tanong ni Jess.
"Second chances? Bakit bigla mong natanong?"
"Just answer me please."
"I don't know. Alam mo namang hindi ako magaling sa ganyan diba?"
"Pero nakakagawa ka ng stories. Nagkabalikan kayo ni Kate. Bakit?"
Kumunot ang noo ko. "Anong bakit?"
"Bakit kayo nagkabalikan kung hindi mo alam ang sagot if naniniwala ka ba sa second chances."
Napaisip ako sa sinabi nya. Kahit ako hindi ko mahanap ang sagot sa tanong na yun.
"You still love her right?"she asked.
"Hindi na naman mawawala yun, Jess. Part na ng buhay ko si Kate. Past, present. . And. . ."
"And future?"
Ngumiti lang ako sakanya. Hindi ako sigurado sa future. I mean . . Kahit naman sino hindi sigurado eh. Walang kasiguraduhan ang kinabukasan.
"Ako ba? Do you still love me? Mahal mo pa rin ba ako, Alex?"
"Jess. . ." Hindi ko alam ang isasagot ss tanong nya.
"C'mon, Alex. Gusto kong malaman ang sagot mo. Mahal mo pa ba ako?"
Hahawakan nya sana ako sa pisngi pero pigilan ko sya. Baka pag hinayaan ko syang hawakan ako. .hindi ko na mapigilan ang sarili kong sagutin sya.
"Matulog na tayo. You need to rest na rin. Good night Jess."
Humarap ako sa kabilang side ng kama. Yung side na hindi ko sya kaharap at hindi ko sya nakikita. I closed my eyes. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit hindi ako mapakali na nasa tabi ko lang sya.
Napadilat ako bigla ng maramdaman ko ang paglapit at pagyakap sakin ni Jess.
"Kantahan mo ako."bulong nya. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang sya na ganun. "Please, Alex. Kantahan mo ako hanggang sa makatulog ako."
Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya. Pero hindi ko naman inaasahan na sa pagharap ko ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Bumibilis ang tibok ng puso ko. Kaharap ko sya ngayon. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa na nakakapagbigay sakin ng sobrang kaba. Alex relax.
'Let me know if I'm doing this right.
Let me know if my grisp to tight.
Let me know if I can stay all of my life.'
Naririnig ko ang kanta na dapat na kakantahin ko para sakanya. Naririnig ko kahit nasa isip ko lang sya. Ganito parin ako kapag kasama ko sya. Ganito nya pa rin ako bigyan ng kaba, ng pagkailang.
"Alex. . ." Napababa ang tingin ko sa mga labi nya ng magsalita sya.
Tama pa ba tong nararamdaman ko?
Bago pa ako makaiwas ng tingin sakanya naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya sa labi ko.
She kissed me. Jess kissed me.
![](https://img.wattpad.com/cover/136247996-288-k732961.jpg)