Chapter 8

228 4 0
                                    





Jess's POV











Habang pinagmamasdan ko si Alex habang natutulog sya. Naaalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin noon. Simula sa pagiging magbestfriend namin hanggang sa umamin sya sakin hanggang sa pagtapos ng story naming dalawa.

Hindi pa din ako makapaniwala na ngayon na eto na sya ulit. Nasa tabi ko na sya at nasa tabi nya ako ngayon. Wala paring pagbabago sakanya. Sya pa rin yung Alex na bestfriend ko noon at girlfriend ko. Yung tahimik lang na Alex. Yung pangiti-ngiti lang pero sobra kung magmahal. Yung Alex na laging umiintindi sakin sa lahat ng sitwasyon.

Pero hindi na sya yung Alex na fan ko at 3am. Hindi na sya yung Alex na pwede kong tawagan at 2am pagtapos ng shooting ko. Hindi na sya yung Alex na pwede akong puntahan anytime sa shooting ko. Yung hihintayin ako hanggang sa matapos at pupunta sa tapahan para kumain ng tapa at bagnet.

Yun ang ikinalulungkot ko ngayon. But seeing her at my side. Isang malaking fulfillment na for me. Katabi ko na ulit ang bestfriend ko.

"Namiss kita." Bulong ko sakanya sabay halik sa pisngi nya.

"Baka matunaw ako sa kakatitig mo sakin, Jess."

Gulat ako ng bigla syang magsalita kahit nakapikit sya. Umayos ako ng pagkakahiga dahil kinabahan ako bigla.

"Kapal mo ha. Hindi ako nakatitig sayo." Napalunok ako. Kanina pa ba sya gising? Bakit alam nyang nakatingin ako sakanya? Ugh! Alex talaga oh.

"So nananaginip lang akong pinagmamasdan mo ang kagandahan ko?" Kahit nakapikit sya. Ngumiti pa din sya. Loko talaga to.

"Yeah. You're just dreaming. Ikaw ha. Nasa panaginip mo pala ako ha." I teased her. Pero nawala ang ngiti sa labi nya. "Just joking, Alex. Hwag kang seryoso dyan."

Tumayo sya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng kahit isang tingin.

"Tumayo ka na dyan. Uuwi ka pa sa inyo diba? Magbibihis ka pa."

"No!" Sagot ko sakanya na nakapagpalingon sakanya sakin.

"Anong no? Hindi ka magbibihis? Pupunta ka sa meeting ng ganyan ang suot mo? Seriously, Jess? Nababaliw ka na ba?"

Himbis na sagutin sya. Bumangon ako at hinila sya pabalik sa kama. Napahiga sya kaya ako nag-unan sa braso nya habang yakap sya.

"What are you doing? Mag-aayos na ako, Jess. Umuwi ka na sa inyo at magbihis."

"Dito ka muna. 5 minutes please." Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sakanya. Naglalambing lang naman ako.

Habang nakahiga kaming dalawa. Naalala ko yung ganitong moment namin noon. Yung araw na masaya kami. Yung parang kaming dalawa lang ang nasa mundo. Parang may sarili kaming mundo ni Alex. Pero ngayon parang hinihiram ko nalang ang oras at atensyon nya. But I don't care. Basta kasama ko sya, hihiramin ko ang bawat oras na kasama sya.




















Nagtataka ako dahil kanina pa tingin ng tingin si Alex sakin. Kahit nung nasa byahe kaming dalawa panay ang tingin nya sakin.

Hindi na ako nakapagpigil pa. Pagdating namin sa elevator. Hinila ko agad sya at isinandal. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

"Tell me. Anong problema mo sakin?" Tanong ko sakanya. Halos magkadikit na ang katawan naming dalawa. But hey! Sanay na ako dito. Marami na kaming pinagsamahan.

"Ikaw? What's your problem? Baka may makakita satin dito."

"I don't care. May mali ba sakin? Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sakin e."

Baka Bukas IIWhere stories live. Discover now