Alex's POV
First day ng shooting. Kinda nervous pero excited ako to shoot my first project with Jas and Jess.
Busy ako sa pag-aayos ng gamit ko ng bumukas ang pinto ko at pumasok doon si Jess. Kumunot ang noo ko. "What are you doing here? Dapat nasa shooting area ka na right? Hindi ka pwedeng ma-late, Jess. Nagpapasaway? Unang araw palang ah."
Pero himbis na sumagot sya. Umupo sya tabi ko at niyakap ako. "Relax, Alex. Hindi naman ako mali-late dahil nandyan ka." Halos pabulong nalang nya. Nakasandal ang chin nya sa balikat ko at ramdam ko ang init ng hangin mula sa bibig nya habang nagsasalita sya.
"Pasaway ka. Let's go."
Tatayo na sana ako pero hinila nya lang ako pabalik sa tabi nya. "5 minutes pa."
"Jess. . ."
"Please. ."
"Fine. 5 minutes." Pagsurrender ko. Matigas talaga ang ulo ng bestfriend ko.
//
Pagdating namin sa shooting area, halos takbuhin na namin papasok doon dahil late na kaming dalawa ni Jess. Ang 5 minutes namin halos maging 30 minutes dahil naka-idlip kaming dalawa.
"Finally! Nandito na sila." Bungad ni Direk. "First day, Jess and Alex ha."
"Sorry, Direk. Traffic." Palusot naman ni Jess.
"Traffic or. . . nagdate?" Mausisang tanong ni Jasmine samin. Bumaba ang tingin nya at doon ko lang napansin na magkahawak pala kami ng kamay ni Jess.
Bigla akong napabitaw sakanya at nag-excuse sakanila para ilagay ang gamit ko sa tent. Pero bago pa man ako makalayo I heard Jess na nagsalita at sinabing kabuwanan ko. Asar talaga yun! Nagtawanan pa sila. Hindi na ako nag-abala pang tumingin sakanila. Mamaya ko nalang pagsasabihan ang magaling kong best. . .oh crap! Ex? Ex-best friend? Ex-girlfriend? Oh! Whatever!
Mini-meeting ni direk ang mga cast habang ako nakaupo lang at pinapanuod silang nag-uusap.
Hindi din naman nagtagal ang meeting at nag-umpisa na silang mag-shoot.
"Okay! Walang maingay. Okay na ba Jess at Jasmine?"
Nagthumbs up yung dalawa sign na okay na silang mag-start mag-act.
Habang pinapanuod ko silang dalawa na umaakting at ginagawa ang story na ako mismo ang nagsulat, kakaibang feeling ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Hindi ko din kasi lubos akalain na finally magugustuhan nila ang gawa ko at si Jasmine Curtis pa ang isa sa mga cast. Parang panaginip, panaginip na ayaw kong matapos.
"Cut. Good take, Jas at Jess!" Anunsyo ni Direk. "15 minutes break. At mag-star ulit tayo."
Yun na yun? Just wow. Ang bilis ng unang scene. Ang galing nga nila. Just wow.
"Kamusta akting ko?"tanong sakin ni Jess pagkaupo nya sa tabi ko.
"Ayos."sagot ko naman sakanya. Nakatingin lang ako sa script na binabasa ko.
"Yun lang yun? Ayos?"
I nodded.
"Alex."sa tono nya. Alam kong iritado na sya sa sinagot ko.
"What?"
"Ayusin mo naman. Wala ka man lang pagkasuporta sakin."
Umayos ako ng upo at tumingin sakanya. "What do you want me to say then? Jess, ang galing-galing mo. Nakakabilib ka. You did a great act. Ganun ba?"
"Oh whatever. Kuha mo nalang ako ng tubig."utos nya sakin.
"I'm not your P.A"
"I know. But you're my bestfriend. So please." Nagpacute pa ang Ale.
Wala na akong nagawa kundi kuhaan ng tubig ang mahal na prinsesa.
Pagbalik ko, nakita kong hawak nya ang phone ko.
Inabot ko sakanya yung tubig at binigay naman nya sakin yung phone ko.
"Thanks."sabi nya at uminom na ng tubig. "Tumawag si Kate." Napatingin ako sakanya.
"And?" I asked her. Kunot yung noo ko. Hoping na hindi nya sinagot. Knowing Jess.
"I answered it."oh crap. I knew it.
Tumayo ako at akmang aalis na ng pigilan ako ni Jess. "Saan ka pupunta?"
"Tatawagan ko si Jess."
Umalis na ako at dinial ang number ni Kate. Pero walang sumasagot.
Kung alam ko lang na tatawag sya hindi ko sana iniwan ang phone ko kay Jess. Napasandal nalang ako sa kotse na nasa likod ko. Hays! Ano bang pinag-aalala ko? Teka? Ano nga bang sinabi ni Jess kay Kate at hindi nya ako sinasagot.
Pagbalik ko sa set nag-uumpisa na sila. I did my best na hindi makagawa ng ingay or kahit anong eksena. Kaya dahan-dahan akong umupo sa tabi ng isang staff at pinanuod sila Jasmine.
After ng ilang oras na shooting natapos din sila at nag pack-up na. Nauna ng umalis si Jasmine with her PA kasi may iba pa silang commitment ngayon. Nag-paalam na rin ang ibang staff pati na rin si Direk.
Habang nasa byahe kami pauwi kila Jess tahimik lang akong nagdadrive habang sya salita ng salita.
"Hey, magsalita ka naman."sabi nya sabay hampas ng mahina sa braso ko.
I just looked at her at binalik ang tingin sa daan. "Can't you see. I'm driving." Pagsusungit ko sakanya.
"Nakikita ko, Alex. Pero pwede namang magsalita. Para akong ewan dito salita ng salita wala naman ata akong kausap."
"Galit pa rin ako." There! I said it.
"Why?" Wala syang idea? Hindi ako nagsalita. "Alex, tell me. Bakit ka galit?"
"Nothing."
"Oh c'mon, Lex. Just tell me. Paano ako magsosorry if hindi. . ."
"Anong sinabi mo kay Kate kanina? Hindi nya sinasagot ang tawag ko hanggang ngayon."
"Oh that. Well sinabi ko lang naman na kumuha ka ng water for me kasi hinahanap nya. Hindi nya pala alam na isa ako sa mga cast sa story mo? Aww. Alex, dapat sinabi mo sakin agad. Para sya nagulat at hindi ako babaan ng phone. Medyo rude kasi yung girlfriend mo eh." Sunod-sunod nyang litanya.
Huminga ako ng malalim. Hindi na ako sumagot sakanya. Wala naman akong dapat na ipag-alala. Kate will understand me. Alam naman nya ang lahat. Well, except sa pagiging cast ni Jess.
"Bye, Alex. See you on friday. Thanks sa paghatid. Ingat."
Sinara na ni Jess ang pinto ng kotse at pumasok na sya sa bahay nila. Hanggang ngayon iniisip ko pa din. Alam na kaya ng Mommy ang ang tungkol samin noon? Or hindi pa rin nya sinasabi yun?
Bakit ko pa ba iniisip ang ganung bagay? Wala na kami. Tapos na. End na! Pero bakit naaapektuhan pa rin ako ng ganito ng past namin?
You know what Alex, just focus on your work. Yun na yun.
