Alex's POV
"Alex, ngayon ang meeting mo para sa first project mo diba? Goodluck, anak ha." Mum shouted.
Kanina pa ako ready na aalis pero kinakabahan ako. First project to. Relax. Mamimeet ko na din finally ang magiging bida sa story. Sana fit sila sa character na ginawa ko. I looked at the mirror for one last time. You look good and happy and . . . contented, Alex. Good job.
Pagkababa ko ng kotse, meron akong agad na nakitang artist na pamilyar sakin. Si Jasmine Curtis ba yun? Tama ba ang nakita ko? Hindi kaya isa sya sa artista na gaganap? Sa sobrang pagkaexcite kong malaman, sinundan ko yung nakita kong artista pero ang bilis nyang nawala. Hindi ko na sya makita. Tumingin ako sa paligid ko pero mga hindi pamilyar na mukha ang nakikita ko.
Natigil ako sa paghahanap ng sunod-sunod ang pagtunog ng phone ko. May 3 messages from Julo, Kate and . . . Nasurpresa ako sa 3rd sender. Si Jess. First kong binuksan ang message from Julo.
"Girl, goodluck sa storycon. Chozz. Hahaha. Oh, Party later ha? Take care, Alex. Mwah."
And the next one yung galing kay Kate.
"Hi sweetie, how are you? Goodluck sa meeting nyo. Proud of you, Alex. You made it. Keep it up."
Bago ko buksan ang message ni Jess nagdalawang isip pa akong gawin yun. After ng halos isang taon naming hindi nagkita. Ngayon nalang ulit ako nakatanggap ng message from her.
Before I know it, open na yung message. Nabuksan ko yung message ng hindi ko man lang namamalayan. Sa sobrang pag-iisip ko sakanya. Hays, Alex. More careful next time.
"Hi Pitchi-pitchi, congrats sa first project mo. - jess. Incase dinelete mo na ang number ko."
Wala sa sarili akong nagtype "Thanks" at sinend yun sakanya. Binalik ko yung phone sa bag ko.
"Ms. Alex, hinihintay na po kayo sa conference room. Nandoon na po yung mga cast ng movie." Sabi nung isang staff.
"Okay, coming." Sabi ko nalang.
Bago ako tuluyang pumasok ng conference room. Huminga muna ako ng malalim. This is my first project at ayaw kong mapahiya sa mga cast na gaganap sa story ko.
Okay, Alex. Deserved mo ang lahat ng ito. Pinaghirapan mo to. So proud of you.
Bulong ko sa isip ko. Then pinihit ko yung sedura ng pintuan. Nakatingin ang lahat sakin. Ang una kong napansin si Jasmine Curtis na nakaupo sa kabilang side ng mahabang table katabi siguro yung manager nya.
"Good morning." I greeted, shyly. Ngumiti ako.
Tumayo si Jasmine para lumapit sakin. Bumeso sya sakin pagkalapit nya. "Nice to finally meet you, Alex." Malambing na sabi nya.
"Ako rin, J-jasmine." Nauutal pa ako habang sinasabi ang pangalan ng babaeng kaharap ko. Hindi ko inaasahan na sya ang gaganap.
"Nervous?" Ngumiti si Jasmine.
"Slight." Tipid kong sagot sakanya.
"Oh please don't, dear. Ako lang to. Jasmine Curtis-Smith." She offered her hand and I accepted it.
"Alex. . ."
"Sorry, I'm late. Sorry." Na-interrupt ang pag-uusap namin ni Jasmine ng biglang may magsalita. Pagkatingin ko sa likod. Mas hindi ko inaasahan ang taong nakita ko.
"Finally, Jessica. Dumating ka din." Sabi nung Director ng movie. Lumapit sya kay Jess at bumeso dito. "Sa taping natin ayaw ko ng late. Understood?"
"Yes direk." Sagot ni Jess pero sakin nakatingin.
"By the way, this is Jasmine. Kilala mo naman siguro sya." Jess nodded. "Sya ang co-star mo sa movie na gagawin mo."
"Direk, you mean. ."
"Yes, ako ang makakapartner mo." Singit ni Jasmine. Tumango-tango nalang si Jess.
Bakit ganito? Hindi ako makapagsalita? Hindi ako makagalaw? Para akong nafreeze sa kinakatayuan ko. Mukha akong tuod dito. Alex, calm down. Si Jess lang yan.
"And this is Alex, yung writer ng movie nyo."
"I know her, direk." Sabi ni Jess.
"Oh really? H-how?" Parang amaze na tanong ni Jas.
"We're bestfriend."
Ex-bestfriend pagtatama ko sa isip ko. Dahil tama naman eh. Ex na kami. Past. Nakaraan na. Nakaraan kaya dapat hindi ka na naaapektuhan, Alex. Umayos ka.
"Oh great. Mapapadali pala ang trabaho natin dahil you know each other na. Wala ng adjustment sa inyong dalawa."
"Samin nalang." Sabi ni Jasmine.
"Alright. Let's start the meeting." Command nung direktor.
Umupo si Jasmine sa pwesto nya kanina. Habang si Jess naman pinili sa tabi ni Jess. At ako, nasa harap nila. Katabi ko yung manager ni Jess.
Pilit kong inaalis ang tingin kay Jess pero hindi ko magawa. Parang may sariling buhay ang ulo at mata ko na kusang napapalingon sakanya. Oh c'mon, Alex. Focus!! Trabaho to. Okay? Ilang beses ko na bang sinaway ang sarili ko sa araw na ito?
"Alex, sa direktor ang tingin." Bulong sakin ng manager ni Jess.
Ngumiti lang ako at pinilit na ifocus ang sarili sa sinasabi nung nagsasalita.
The meeting went well. Ayos na ang lahat and next week na din ang start ng shooting nila. Gustuhin ko mang hindi pumunta sa mga locations nila, kailangan ko ding pumunta dahil ako ang writer.
"Congrats again, Alex. Ang ganda nung story mo. Pwede ba akong magtanong?" Sabi ni Jasmine.
I smiled at her. "Go on."
"Anong inspirasyon mo sa story mo? Base on the story kasi parang ang lalim ng hugot eh. Bestfriends turn lovers turn strangers, wala lang. Naisip ko lang baka meron?"
Bago ko sagutin ang tanong ni Jasmine. Napatingin ako kay Jess na kausap pa din ang director.
"Wala naman. Mahilig lang talaga ako sa mga ganung story." Sagot ko sakanya.
"Ooowkay. Paano? See you next, Alex." Bumeso sakin si Jasmine. "Take care."
"Ikaw din." Cool kong sabi. Wala lang. Ang cool din kasi ni Jasmine.
After lumabas ni Jas. Lumabas na din ako. Nakapagpaalam na din naman ako dun sa direktor kanina. Kung hindi lang ako kinausap ni Jasmine siguro kanina pa ako nakaalis sa building na ito. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa presensya ni Jess.
Paglabas ko ng building agad akong pumunta sa parking at sumakay sa kotse ko. Hindi ko feel na magparty ngayon. So tinext ko si Julo para sabihing hindi ako makakasama. Wala naman akong natanggap na reply. Umuwi nalang ako agad samin. Gusto ko nalang magpahinga.
