3 am ng maalimpungatan ako. Narinig ko kasi ang phone ko na tumunog. Tumagilid ako at kinuha ang phone ko. Medyo nakapikit pa nga ang mata ko dahil sa ilaw ng phone. Nasisilaw pa ako. Pinikit ko saglit ang mata ko at dahan-dahang idinilat.
Gustuhin ko man kasi na matulog ulit hindi ko magawa dahil tunog ng tunog ang phone ko. Sinagot ko nalang yun kahit hindi ko nakita kung sino ang tumatawag.
"Hi Pichi-pichi!" Bungad ng nasa kabilang linya. Sa gulat ko, tinignan ko ang harap ng phone ko at rumehistro ang pangalan ni Jess.
"Hey, Alex! Still there?" Rinig kong tanong nya.
Wala na akong choice kundi kausapin sya. "Yeah."
"Hindi mo ba ako namiss?"
'Bakit ka tumawag? Hindi na dapat'. Gusto kong sabihin sakanya yan pero ayaw kong maging rude sakanya. Sya parin si Jess. Ang bestfriend ko. . . Noon.
"Sorry. Nakaistorbo ba ako sa pagtulog mo? Hindi ka na nga pala sanay na tumatawag ako ng ganitong oras. Sorry. I hang up na the call. Bye. Good night, Alex."
I was about to put down the phone when I heard Jess is still talking. "I miss you. I really do, Alex."
Hindi ako agad nakasagot hanggang sa nnarinig ko nalang ended tone. Binaba na nya ang tawag and vice versa. Nilapag ko sa side ko yung phone.
It's almost a year, Alex. Bakit ganyan ka pa rin sakanya? Act like one.
4am na pero gising pa din ako. Nakatulala lang sa kisame. Sinusubukan kong makatulog pero hindi ko magawa. I don't know why. Maybe I'm still in shock dahil sa pagtawag ni Jess ng ganitong oras. Pero hindi dapat ako naaapektuhan sa ginagawa nya. I'm in a relationship with Kate and sya kay Aaron. I love Kate, and I'm pretty sure ganun din si Jess katyAaron.
Ugh. I hate this feeling. Umayos ka nga, Alex. Masasaktan mo si Kate. At hindi pwede yun. Hindi pwedeng masaktan naman si Kate ng dahil lang sa parehong rason o kahit sa anong rason pa yan.
//
Buti nalang talaga at walang trabaho ngayong araw. Tinanghali ako ng gising. Kung hindi pa tumawag sakin si Julo wala pa akong balak na bumangon dahil sa sobrang antok.
Ilang beses ko ring nireject ang phone calls nya sakin pero paulit ulit lang na tumatawag at walang balak na huminto. So I gave up. Nanalo na sya.
I answered his call at ayun, pinapapunta nya ako sa studio nya. At first sabi ko ayaw ko. Tinatamad ako. Pero nung sinabi nyang pupunta si Jasmine sa studio bigla akong napatayo. Hindi sana ako maniniwala kaso naalala kong sinabi ko nga pala kay Jas kahapon ang tungkol sa studio ni Julo at sinabi nyang pupunta sya doon. Pero bakit naman agad.
So nagmadali akong maligo, mag-ayos at magbihis. Sa sobrang taranta ko nga muntikan ko pang makalimutan yung phone ko.
Nagdrive ako papunta sa studio.
Pagdating ko doon. Nakita ko na agad ang kotse ni Jasmine na gamit nya kahapon. Nandito na sya. So hindi nga nagbibiro si Julo at totoo din ang sinabi ni Jasmine pupunta sya dito.
Tinago ko yung susi ng sasakyan ko sa bag at naglakad na papasok ng studio.
Nasa pinto palang ako naririnig ko na ang tawa ni Julo na sobrang lakas. Katawanan nya siguro si Jasmine.
Pagkakita ko sakanila. Busy nga si Julo sa pakikipag-usap kay Jasmine.
Napukaw agad ang atensyon ni Jasmine ng presensya ko since sya ang nakaharap sakin.
Ngumiti sya at nagwave sakin. "Oh hi there, Alex. Glad you came." Tumayo sya at lumapit sya sakin to make beso.
I did the same thing to her. She's really nice talaga. "Well nandito ka kaya pumunta ako."
"So dahil lang sakanya?" Singit naman ni Julo sa usapan namin. Sabay kaming napatingin ni Jas sakanya at natawa kami sa reaksyon ng mukha nya
Nakakunot ang noo ni Julo at titig na titig saming dalawa.
"What? May dumi ba sa face namin, Julo?" Hinawakan ni Jasmine ang mukha nya na para bang nagtatanggal ng dumi.
"N-no. Ano kasi. . .you two looks like a twin."
Nagkatinginan kami ni Jasmine at sabay na tumawa. Napansin nya pa yun? Haha.
"Oh well. I think we have to take a picture, Alex. Twin daw tayo eh. Come."
Walang salitang hinila ako ni Jasmine palapit kay David na busy sa pagkuha ng picture sa kung sino mang client nya.
"Omg. Wait. Sama ako." Rinig kong sabi ni Julo.
"David. Pwede bang next kami ni Alex na kuhanan mo ng picture?" Tanong ni Jasmine kay David.
Humarap naman samin si David after ng shot nya. "Okay. Jess, sila muna. Is it okay with you?"
Holy molly. Anong ginagawa nya dito? For real? Nandito rin si Jessica.
"Oo naman." Sagot ni Jess kay David.
"Yehey. Thanks, Jess." Hinila na ako ni Jasmine sa harap. Hindi ako maka-act ng maayos. Nakatingin samin si Jess.
"Okay. Ready, girls?" Tanong samin ni David.
"Yes. Ikaw, Alex?"
Napalingon ako kay Jasmine. "H-ha? A.. oo. Okay na ako."
"Okay. Lets start, David. Galingan mo ha."
"Ako pa."
Habang busy si Jasmine sa pag anggulo at pagngiti sa bawat pagkuha ng picture ni David. Ako naman hindi mapakali. Gusto ko ng tumakbo palabas ng studio at umuwi ng bahay. I admit it. Hindi ako kumportableng nasa paligid ko lang si Jess. I felt awkward.
"Nice shot, girls. But Alex. Sa susunod sa camera ka magfocus. Hindi sa iba. Okay?" Mapang-asar na sabi ni David bago nya kami talikuran ni Jasmine. Alam kong may iba syang ibig sabihin doon. Nakakainis talaga sya. Nakaisa sya sakin ngayon ha.
"Anong sinasabi ni David?" Inosenteng tanong ni Jasmine.
"Yun? A-ano. Wala lang yun. Nang-aasar lang. Hehe." Pati kay Jasmine awkard ako. Ano ba yan.
"Owkay. Sabi mo eh. Haha. Lets go. Lapit tayo sakanila.
Hilig din ni Jasmine ang manghila nalang basta. Hays. Kahit papaano napupunta sakanya ang atensyon ko.
"I'm sorry. I have to go. I'll make it up to you guys next time. Promise. My prior commitment lang ako today." Paalam samin ni Jasmine. Sobrang sweet talaga nito.
"Oh no. You don't have to. It's okay. Naiintindihan namin. At isa pa. Ayaw naming makaistorbo sayo. Magkikita pa naman tayo sa shooting day nyo eh."
"Aww. Thank you, Alex. Bye guys."
Pagkaalis ni Jasmine. I took my bag at nagpaalam na din. Pinigilan ako ni Julo pero himdi naman ako nagpapigil. Wala na naman silang nagawa kundi hayaan ako.
"Alex!" Pasakay na ako ng kotse ko ng tawagin ako ni Jess. Palapit sya sakin ngayon.
"Sorry, Jess. Not now. Nagmamadali kasi ako."
"Umiiwas ka ba sakin?"
Napahinto ako sa tinanong nya. Ano bang klaseng tanong yun. Umiiwas ba ako? Hindi naman.
"Alex, alam ko. Ramdam kong umiiwas ka sakin. Hayaan mo. Ito na ang last. Sa shooting day promise, I will treat you na para bang hindi kita kilala."
Para akong nafreeze sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang pag-iyak nya. Ugh! Pero nasaktan din ako sa sinabi nya ng hindi naman dapat.
