Chapter 12

271 8 4
                                        

Jess' POV



After that night, iwas na iwas na sakin si Alex. Sa set namin, hanggang sa pag-uwi hindi nya ako pinapansin. Gusto kong magpaliwanag sakanya. Pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko at alam kong walang mali dun. Well maliban na nga lang dahil parehas kaming in a relationship. Pero it's just a kiss para iwasan nya ako ng ganun. Ilang araw na ang nakalipas. Kahit sa mga lakad namin with Julo, hindi nya ako kinakausap o kahit tapunan man lang ng tingin kahit saglit. Wala eh. Wala talaga.

"Hoy Jess. Are you even listening to me? Ano ba kasing ginawa mo at iwas na iwas sayo yung isa?" Halos mabingi na ako dahil sa lakas ng boses ni Julo. Kanina pa kami magkasama at nasabi ko na din sakanya na iniiwasan ako ni Alex.

"Wala. . ." Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Anong wala? Akala ko ba you're both okay na? Bakit nag-iiwasan na naman kayo? Tell me the truth girl."

I sighed. "Okay fine. I kissed her."

"Eh hinalikan mo palang pala eh. . . ."napatigil sya sa pagsasalita. Mukhang nakuha nya ang sinabi ko. "Wait. You what? Hinalikan mo si Alex?"

I nodded.

"Gaga ka naman pala eh. Kaya naman pala iwas na iwas sayo yung isa. Hinalikan mo."

"As if naman big deal yun." Sagot ko naman sakanya.

"Girl, big deal yun. Nasa relasyon kayong dalawa and. . Wait. Don't tell me hindi pa din kayo okay ni Aaron?"

Sumandal ulit ako sakanya. "What should I do, Julo? I'm confused!"

"Confused saan? Sa sarili mo? Sa nararamdaman mo?"

"Both?" Sagot kong hindi sigurado.

"Mahirap yan girl. Mukhang kailangan mo nga muna ng space." He tapped my shoulder.

Okay naman kami ni Aaron eh. Alam ko namang mahal ko sya at ramdam ko din na he feel the same way towards me. Pero everytime na kasama ko si Alex, nag-iiba. Nag-iiba yung nararamdaman ko. Ugh. Damn this feeling!

Don't know what to do!




//






"Ang hirap ma-inlove sa bestfriend noh?"

Napatingin ako sa nagsalita. It was David. Nakatingin sya sa hawak nyang camera pero may ngiti sa labi nya.

"Anong sinasabi mo dyan?"

"Right. Deny it hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko at sabihin sakanya ang tunay mong nararamdaman."

"Mahal ko si Aaron."depensa ko sa mga sinasabi nya.

"Mahal mo nga. Pero hindi katulad ng pagmamahal mo kay Alex. But the sad thing is. . .Alex, the lucky girl is taken now. Sayang. . ." Tumingin si David sakin. "Or sinayang?"he added. Hindi na ako nakasagot. Nilapitan nya na si Julo na abala sa pag-eedit ng mga pictures na kinuhanan nila kanina.

Naiwan akong tulala at napaisip sa sinabi nya. Sayang or sinayang? Tama si David. Sinayang ko si Alex. Sinayang ko yung meron kaming dalawa noon.

Stop, Jess! Walang sayang. Walang sinayang.

"Walang sinayang!" Wala sa sarili kong sabi.

Tumingin ako kila Julo at David. Kunot ang noo ni Julo habang si David nakangiti ng mapang-asar.

"What happened girl? Anong walang sinayang?" Julo asked me.

"Ha? Ah eh. . .walang sasayanging oras. Wait lang ha. Pupuntahan ko lang si Aaron. Makikipag-ayos na ako."

Kinuha ko yung bag ko at umalis na. Finally, nakahinga ako ng maluwag. Napahawak ako sa noo pagkasakay ko sa kotse. Ano bang nangyayari sayo Jessica.




//




Ang sabi ko pupuntahan ko si Aaron para makipag-ayos sakanya pero sa ibang lugar ako dinala ng mga paa ko. Sa lugar kung saan inamin ni Alex ang feelings nya para sakin. Sa rooftop.

Dahan-dahan akong naglalakad sa nakatayong babae. Oo, pagdating ko may tao na. Kahit nakatalikod alam ko kung sino sya. Kilalang-kilala ko ang taong nasa harap ko ngayon.

"Kanina ka pa nandito?" I asked, without looking her. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng street.

"Jess?"

I looked at her. "I miss you, Alex. I'm sorry but not so sorry sa nagawa ko last time."

"Pano mo nalamang nandito ako?"

"Bestfriend's instinct? I guess."

"I doubt it."sabi nya ng may ngiti sa labi. Yung ngiti nyang alanganin pa kung tatagal ba.

"Welcome back, Alex."

Napatingin sya sakin. Kunot ang noo. "What? Welcome back?"

"Yeah. Kasi nakita ko ulit yung ngiti mong alanganin."

"Baliw."

"Hahaha. But kidding aside. Sorry talaga, Alex."

"But not so sorry, right?"

"Right. Hehe. I meant it."

"Why?" She asked.

"Maybe because. . .namis kita?"

Natawa sya ng bahagya sa sagot ko. "Namis mo akong halikan? For real, Jess?"

"Sira. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin ko nun. Don't take it seriously."

"Ganyan ka na pala makamis ngayon. Nanghahalik. Haha."pang-aasar nya sakin. Seriously? Kailangan talaga mang-asar?

"Alex!"saway ko sakanya. "I told you already."

"Anong ibig sabihin nun? You still love me? You still want me?"

Pinalo ko sya ng mahina sa braso. "Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan ah. Ako dapat ang sagutin mo dahil ako ang nagtanong sayo nyan."

Nagseryoso kami parehas ni Alex. Hindi ko mapigilang hindi hawakan ang kamay nya sa mga oras na to kaya naman hinawakan ko yun.

"Alex, answer me honestly. Mahal mo pa ba ako?"

Ngumiti na naman sya ng alanganin.

"I'm starving. Kain tayo ng tapa. Tara."

Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila nalang nya ako bigla.

Ang daya! Ang daya-daya nya talaga!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Baka Bukas IIWhere stories live. Discover now