Minulat ko ang aking mata. Inaantok pa ako . Biglang may narinig akong sigaw mula sa sala. Nakita ko ang aking kuya na si Ace Hynston.
Name: Ace Hynston
Age: 19
-kalog, fanboy sa group na gusto niya
"WOOOO....YEAHHHH.....ANG GWAPO NI KIEFER!!!" with matching dance steps pa
Hay nako.
Mukhang mas mature pa ako sa kuya ko tsss...Hinayaan ko nalang yung abnormal na yun.
Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Nakita ko ang mama kong may niluluto. Ansarap ng amoy. Naglalaway ako sa sobrang sarap ng amoy nito.
"Ma, penge naman niyan" sabi ko
"Sus maghugas ka muna ng mga pinggan" wika ng aking ina
Name: Mary Hynston *mother*
Age: 42
-lovable pero minsan may mood swing
"Ano bayan ma, si kuya na gagawa niyan. Wala naman ginagawa si kuya kundi manood ng manood ng kinalolokohan niyang boy group" sumbat ko
Hindi nalang niya ako pinansin. Siguro narealize din niya na tama ang aking mga sinabi. Whatever.
Nawalan na din ako ng gana kaya umakyat nalang ako sa kuwarto ko.
Hinablot ko ang aking gadget. Naku excited na kasi ako sa next chapter ng binabasa kong website story. Magkakatuluyan na kaya sila Alexander at Princess???Nakuu...
Peste ang bagal ng wifi -__-
Habang naglo-loading ang binabasa kong website story, napatingin ako bigla sa wall clock sa kuwarto ko.
O.....M.....G
7:15 NA PALA!! OMG . BAKA MALATE NA AKO SA SCHOOL...
Habang nag aayos ako, di ko maiwasan kabahan dahil baka madetention ako. First day na first day ng klase.
Nung matapos ako ay nagmamadali na 'kong lumabas ng bahay. Hindi na ko nag good bye kay mama at papa.
Tumakbo ako ng mabilis biglang "BAAAMMMMMM"
"Ouch ansakit naman" sigaw ko
"Ay sorry miss" biglang may malamig na kamay na hinawakan at tinulungan akong makatayo.
Gosh anghel ba ang nakikita ko ngayon. Ang gwapo niya sobra!!!!
"Miss? ok lang ba kayo?" tanong niya
{POV-???}
Luh. Ano to. Kung makatingin sa akin ay parang wala ng bukas. May dumi ba mukha ko? o sadya lang talagang masyadong angelic ang aking mukha. Well, hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya tumitig sa akin ng sobra. Free lang naman ito eh pero kung may bayad ang pagtitig sa mukha ko ay tiyak mayaman na ako ngayon.
{end of POV}
"Miss? tulungan na kita"
"Huh? .......ay thank you"
Tinulungan niya ako tumayo."Parehas pala tayo ng school" sabi niya
Napansin kong tama siya kasi parehas kami ng uniform
Hindi nalang ako umimik...
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Naramdaman kong may sumusunod sakin. Tumigil ako sa paglalakad.
Lumingon muna ako salikod ko. Wala namang tao.
Hay nako....Baka masyado lang akong ilusyonada. Nung na sa harap na ako ng school. Pumasok ako na walang iniisip na problema.
{Sa Classroom}
Ang first subject namin ay Science. Ako ang pinaka magaling lagi sa Science simula mag-aral ako.Pero ngayon parang lutang na lutang ako.
Ewan ko ba...
Biglang natutok ang mata ko sa lalaking katabi ko sa classroom
Parang nakakapag concentrate siya. Buti pa siya
Ang gwapo niya OMG. Nakatitig lang ako sa kaniya
Nung matapos na si ma'am mag discuss, sinabi niya, "Okay class, so may activity tayo ngayon. You'll do it by partner."
O....M....G. 'Tong gwapong lalaking katabi ko, makakapartner ko? Hay nako. Bahala na si batman.
"So ang activity niyo ay gagawa kayo ng report tungkol sa lesson natin ngayon." dagdag ni ma'am.
..... Wala akong alam. Paano na 'toh? Hayst...
Nung humarap ako sa katabi ko, sakto. Nakaharap na rin siya sakin.
Nanlaki bigla mata niya. Ay wait.... Pamilyar tong muka na to sakin ah?
BINABASA MO ANG
Colliding with Dreams
Teen FictionNaranasan mo na bang masama sa iyong sariling panaginip? Naranasan mo na bang umiyak pagkamulat mo ng iyong mga mata pagkatapos mong managinip? Masama man o mabuti pero minsan napapaisip tayo kung mangyayari ba ito sa totoong buhay. Maraming tao ang...