Nakatungtong na ako sa bahay nila Andraige at huwaw anlaki ng bahay niya parang palasyo ang laki. Yung bed room niya parang buong bahay na namin at yung kusina parang buong subdivision na namin sa laki. Ang yaman niya ng sobra.
"So eto pala ang bahay ko" wika ni Andraige.
"Ang yaman mo pala. Hindi kasi halata sa itsura mo" wika ko.
Nainis siya at syempre nagbangayan na naman kami. Si William ay parang hindi gulat sa laki ng bahay nila Andraige.
"UY WILLIAM" sigaw ko.
"Yes?" sagot niya.
"Hindi ka ba gulat na ang laki ng bahay ni Andraige?"
"Pareho lang kami ng laki ng bahay. Mas lumamang lang siya sa mga hamalan na nakatanim sa labas. Parang farm na kasi yung garden nila" sagot niya.
Pareho pala silang mayaman. Para tuloy akong manlilimos sa dalawang ito.
"Hindi pa ba natin sisimulan yung activity? Ano aantayin niyo, Pasko?" sinabi ko sa kanilang 2 na para ba kong naiinip.
"Easy lang. Magagawa din natin yan" sabi ni Andraige at humilata sa kama niya na parang wala kaming activity na gagawin.
Nag init ulo ko sa sinabi nung kumag na yun.
"HOY. TUMAYO KA DYAN. ANO EASY EASY KA LANG?! TAYO!" pagalit kong sinigawan si Andraige.
Feeling ko nag uusok na tenga ko sa galit. Sino ba namang di maiirita?! Porket bahay nya to?!
[POV: Andraige Howard]
Ano ba 'tong babae na to? Napakabossy. Kaya sinipa ko si William bilang signal na siya nalang ang tumulong kay Cheska para sa activity. Bakit ba? Gusto ko THUG LIFE eh.
[End of POV]
"Ako nalang ang tutulong sayo" wika ni William.
"AYAW KO. DAPAT KASAMA SI ANDRAIGE." sigaw ko.
"Ako na nga lang ayaw mo pa?!"
"Hindi kase ganun. Trio nga diba?!" sigaw ko ulit.
Lumingon si Andraige samin na naka serious face.
"GUSTO MO BA KO?" sigaw ni Andraige.
Natahimik ako bigla.
"AYIEEEEEEE" tili ni William na para bang nakakita ng couples na naghahalikan.
Binatukan ko si William "Manahimik ka nga isa ka rin eh!!"
So napilitan nalang akong gawin yung activity kasama si William.
(pagkatapos ng activity)
Nagayos na ko ng gamit. Nung natapos na kong mag ayos ng gamit, biglang nag salita tong si Andraige.
"Sorry nga pala sa kanina. Biro lang naman yun eh."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Okay lang" sinabi ko in a weak tone
"Kung gusto mo dito ka na rin mag dinner para sabay-sabay na tayong tatlo ni William" dugtong niya
Napatingin ako bigla sa relo ko
O..M..G 8pm na pala!!!
"Ay di na..." pagmamadali kong sinabi
"Bakit? bilis na" wika ni Andraige
"Pleaseee~~'" sabay nilang wika ni William
"8pm na eh....papagalitan na ako ng mga magulang ko" sinabi ko at kinuha ko na ang aking bag "See you tomorrow". At nagmadali akong lumabas ng bahay ni Andraige
"INGAT!!!!" Narinig kong sigaw ng dalawa.
Habang naglalakad ako naramdaman kong parang may sumusunod sakin kaya binilisan ko ang aking paglalakad.
Habang nagmamadali na akong maglakad, biglang may nabangga ako.
Isang matangkad na lalaki ang nakita ko.
Siya ba si....
"UY!! Cheska long time no see" sabi niya.
OO NGA. SIYA SI JAY JAY.
Name: Jay Scott
Age: 17
-Kind na minsan may topak
Since nagmamadali na ko binigyan ko nalang sa kaniya yung cellphone number ko.
"Tawagan mo nalang ako kapag gusto mo kong kausapin. Sorry nagmamadali ako eh." sinabi ko at kumaripas ako ng takbo.
[POV- Jay Scot]
Hindi siya nagbabago. Mukha parin siyang mabait. Ilang years nadin kami hindi naguusap. Sana ngayong year ang start ng aming panibagong friendship.
[End of POV]
Nakapunta na ako sa bahay namin.
"Bakit ka late?" tanong ng aking itay
Name: Jack Hynston
Age:44 *mas matanda kay mama*
-mabait, serious, inuuna palagi ang pamilya
"Sorry tay" sagot ko
"Wag mo ito uulitin pa nag aalala kami ng mama mo"
"Sorry tay hindi na po mauulit" wika ko
Pagkatapos kong magpunas nanood muna ako ng T.V at biglang sumigaw ang kuya kong si Ace.
"WOOO GWAPO TALAGA NI KIEFER" sigaw ni kuya
"Shhh...ang ingay mo nanaman eh" sumbat ko
"Wait kasi Si Kiefer Ashton yan eh..woooo kahit yung pangalan niya ang gwapo"sigaw niya
"Sus mas gwapo pa si cutie pie Habibi ko" wika ko
Name: Habibi *male*
Age: 4 months old
-aso siya ok?...cute,malambing at mahilig sa patatas
"Come here Habibi"
"Alam mo kuya pinapahalata mo na bading ka." sigaw ko
Nag death stare siya actually one of the biggest fear ko yon. "Maraming nangliligaw sa akin at pumupunta sa bahay natin para masulyapan lang kagwapuhan ko at---" napatigil siya
"At ano? at wala kang mapili ni isa sa mga hot girls na nangliligaw sayo dahil nga BADING KA GUSTO MO SI KIEFER NA YAN HINDI BABAE...AMININ MO NA KASI NAHAHALATA KAYA."sigaw ko
"Tskk inggit ka lang kasi. Sayo ni isa walang lumalapit at kung may lumapit man langaw pa ....MABAHONG SINGLE" sigaw ni kuya
Umalis siya na para bang kala niya siya na yung nanalo sa bangayan namin. Inis
Sino ba tong Kiefer Ashton na ito!?
BINABASA MO ANG
Colliding with Dreams
Teen FictionNaranasan mo na bang masama sa iyong sariling panaginip? Naranasan mo na bang umiyak pagkamulat mo ng iyong mga mata pagkatapos mong managinip? Masama man o mabuti pero minsan napapaisip tayo kung mangyayari ba ito sa totoong buhay. Maraming tao ang...