Jay Scott

31 3 0
                                    

Habang asa sasakyan pinatugtog ni Jay ang gusto niyang kantang kpop na Bboom Bboom yata?

"Nakakainis na man yan!" sigaw ko

"Ano na naman?!" tanong ni Jay na pasigaw

"Kalalaki mong tao nagpapatugtog ka ng ganyan" wika ko

"Kababae mong tao nakabukaka kang umupo" sagot niya

"BURNED" sigaw ni Trixie

Binatukan ko siya dahil kala ko sinamahan niya ako para ipagtanggol eh parang gusto niya pa ako mapahiya eh

"Ano ba ansakit non!!...ikaw talaga maraming babae ang gusto makausap si Jay lalo na ngayon na mukha siyang kpop artist." sagot ni Trixie

" Ah kaya pala mahilig sa kpop songs juskoo naman Jay...kinain ka na rin ba ng sistema baka mabalitaan ko nalang trainee ka na ah." wika ko

"Ayaw mo yon magkakaroon ka ng kaibigan na mas sikat pa sa presidente ng bansa natin" sagot niya

"Ay nako Jay pag ikaw talaga naging kpop artist tandaan mo yayaman ka nga pero minsan mo lang makakasama pamilya mo, mahirap lumabas ng bahay at baka pagguluhan ka, konting mali lang nagiging scandal na agad, mahirap makapili ng gusto mo talaga na babaeng iibigin kasi minsan IDOL X IDOL lang, dapat practice araw araw, minsan kahit nasasaktan ka na kailangan mo parin maging masaya para lang sa fans mo, kailangan mo rin gawin ang lahat para lang ma promote ang bago niyong release na kanta, dapat hindi ka tataba dahil bawas fans yon, dapat stay beautiful rin kahit lalaki ka dahil sa Korea ang magaganda o mga gwapo nakakakuha ng respect, syempre dapat talented ka hindi lang puro mukha at last but not the least dapat kaya mong maging sexy at cute at the same time para ang fandom mo ay lumago pa ng todo." (kailangan naka bold...comes from my heart yan)

"Hala Hala!! si Cheska nasapian yata" wika ni Jay na parang gulat

"Sagutin mo nga ako Cheska saan mo yan nalalaman?" tanong ni Trixie

"UMMM...nakita ko lang sa fb" sagot ko

Gusto mo ba talaga malaman kung paano? Well, wala talaga...ni ako hindi ko alam kung bakit ko yon nasabi...

"Change topic na nga tayo. Nagiging weird na si Cheska eh" wika ni Trixie

"AHHH ALAM KO NA...PANO KAYO NAGKAKILALA NI JAY" dagdag ni Trixie

"Ahhh yun ba" sabay naming wika ni Jay

{FLASHBACK}

Naging magkakilala kami noong 6 yrs old ako. New transfer student si Jay sa school namin at sakto naging katabi ko siya.

"CHILDREN BE QUIET" sigaw ng teacher namin

"Meron akong ipapakilala sa inyo... Jay come here" wika ni teacher na para bang may pinapapunta sa harapan

Bumukas ang pinto at nakakita ako ng isang lalaking may bag na Pororo at launch bag na dinosaur. Sobrang ayos ng buhok niya at amoy pulbos siya kahit asa pinaka likod ako ng klase namen amoy na amoy ko siya. Yung uniform niya sobrang tuwid at yung sapatos niya halatang bagong bili. Meron lang akong napansin na sobrang weird sa kaniya unang una mahaba buhok niya pero mabango pangalawa meron siyang hikaw na silver sa kaliwang tenga lang niya at huli yung mata niya parang palaging nangaakit ang galing nga niya eh at his young age kaya niya yon. As usual ang mga ganong vibe palaging maraming may crush dahil sobrang cool niya tingnan pero iba ang nangyari sa school namin. Kinakatakutan siya dahil mukha daw siyang kampon ng kadiliman sa totoo lang tama sila dahil hindi siya pala kaibigan at yung mata nga niya palaging nang gla-glare kaya mahirap ding sabihing gwapo siya.

Naguusap kami pero tungkol sa school works lang.

Hanggang umabot na ng Grade 6 magkatabi parin kami at yun parin ang pinaguusapan namin. Tumangkad siya ng sobra at yung buhok niya lalong humaba. Sumikat siya sa school namin dahil varsity siya sa basketball at ang hot niya pag naglalarong nakalugay.Pero hindi yon tumagal

2nd year highschool na kami at as uasual yun parin ang pinaguusapan namin. Maraming babae ang sabik na sabik na sa kaniyang pagbabalik pero BOOM!! NAGIBA SIYA.

"Sorry sa pag interrupt pero hindi naman ako nagbago ng sobra gwapo parin naman ako at nung 1st year highschool tayo palagi na tayo nag uusap ah." wika ni Jay

"Eh basta...back to the story" wika ko

Yung buhok niya pinaiksian niya naging lalaki na talaga yung buhok niya. Nagkaroon siya ng brace at eto pa color pink yung brace niya. Nagkaroon siya ng sapin sa likod na sobrang haba kasing haba ng buhok niya dati. Tapos yung mata niya parang rinetoke hindi na kasi sexy yung mata niya tapos eto pa yung weird part meron siyang relo na Spiderman. At mer--

"Hahahhahaha wait lang hindi ko na kayang tumawa...iniisip ko si Jay na mukhang tanga hahaha..................geh back to the story" wika ni Trixie

At meron siyang bag na may star sa gilid at ang nakalagay "Good Job". Eto pa ang creepy part bigla siyang nakipag usap sa akin tapos binibigyan niya ako ng mga biscuit na pinabaon daw ng lola niya. Grabe dahil don nagka Insomia ako nabaliw rin ako dahil sa matinding transformation niya.

At nung 4th year Highschool naging nerd of the class na siya.BTW naging sobrang matalik ko na siyang kaibigan simula non.

"Pero lumipat kasi siya ng bahay na wala man lang word na "bye" " wika ni Jay

{End Of Flashback}

"Grabe ka Jay baliw ka ba noon o baka may twin brother ka" wika ni Trixie

"Hindi kase sobrang pagod na akong magkaroon ng maraming fans kaya napilitan ako maging opposite ng sarili ko" wika ni Jay

"Hahahaha tapos ngayon Kpop star naman ang gusto mo gayahin hahaha" hindi matigil sa pagkakatawa si Trixie

[POV- Jay Scott]

Sa totoo lang dahil yon sa lola ko. Ayaw niya kasi ako maging gwapo o sexy at my young age.

[End of POV]

"Tigil na muna tayo sa mga kabaliwan ko dati dahil andito na tayo" wika ni Jay

Binuksan niya ang pintuan sa sasakyan

"ANDITO NA TAYO SA AMUSEMENT PARK!!!!!" tapos ngumiti siya ng sobra.

Omg favorite ko ang amusement park. Ano kaya ang mangyayari samin dito?

BTW narinig ko yung puso ni Trixie habang ngumingiti si Jay hahahaha I CAN SMEELLL~~~ THE FRAGRANCE OF THE WORD "CRUSH"~~~~~





Colliding with DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon