F A I L

28 2 0
                                    

[ POV- JAY SCOTT]

Haystt.... Kalahating oras na ang nakalipas, pero di pa rin lumalabas si Cheska. Ano na kayang nangyari sa babaeng yon?

[ POV- CHESKA HYNSTON]

Ano ba pwede kong isuot dito? Ito ba o ito? Ito na lang kaya. Ay hindi. Ito nalang. Hindiiiiii. Ito nalang kasi. Hay nako Cheska. Baka naiinip na si boss Jay (Jay Scott) sa labas. Mainipin pa naman yung lalaking yon. Tsk. Bahala na nga.

[ POV- JAY SCOTT ]

Ano ba yan. Antagal naman ni Cheska. Lalabas nga muna ako para maglakad lakad.

[ POV- TRIXIE FROST ]

Papunta na ako sa bahay ng best friend ko, si Cheska. Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita. Sana ma surprise sya sa pag punta ko sa bahay nila.

Ay wait lang....

Parang kilala ko tong lalaking to. Si Jay Scott ba to?


Name: Trixie Frost

Age: 18

-loka-loka, minsan may topak, naninira ng buhay hahaha, at syempre siya ang dakilang boyish

[ POV- JAY SCOTT ]

Naglalakad lakad ako dito sa labas. Iniisip ko kung saan kami pwedeng pumunta ni Cheska.... I-date ko nalang kaya sya? Tutal kaming 2 lang naman ang magkasama mamaya diba? Sige sige. Ganon na nga lang. Pero saan ba sya magandang i-date?

[ POV- TRIXIE FROST ]

Ay oo nga si Jay Scott to. At parang ang lalim ng iniisip nya. Lalapitan ko nga.

"Jay Scott?", wika ko. Parang nabigla ata sya eh. " Parang ang lalim ng iniisip mo ah?", dugtong ko.

"Ah wala to. Haha. Trixie Frost right?", sagot nya.

" Oo", sabi ko, "Saan ka nga pala pupunta?".

"Actually, nasa bahay ako ni Cheska. Pabalik na ko. Lumabas lang ako ng saglit kase antagal nya eh", wika nya.

Ay weh? Seryoso?

"Ah ganun ba? Pupunta din ako sa bahay nila Cheska eh. Sabay nalang tayong pumunta", sabi ko.

Teka, bakit parang gulat na gulat sya sa sinabi ko? Nakakatawa naman.

[ POV- JAY SCOTT ]

Pupunta din pala sya sa bahay nila Cheska. Paano na to? Nako. Change plans ata na this. Kailangan hindi ako magpahalatang nadismaya ako sa sinabi nya.

"Ah ganun ba? Sige. Sabay nalang tayo", sagot ko. Pero hindi ko pinahalatang namomroblema ako.

So yun na nga. Wala na akong pwedeng gawin kundi nag go with the flow nalang. Hahaha.

Habang naglalakad kami, walang umiimik hanggang. Btw, bakit ka nga pala nasa bahay nila Cheska?", tanong ni Trixie.

Jusko. Kinabahan ako sa tanong nya.

"Ahhhh... Ehh... Yayayain ko sana sya sa amusement park eh. May bagong bukas kasi na amusement park malapit samin", sagot ko.

"Ah ganun ba", wika nya.

Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad. Nung kami ay makarating na sa bahay nila Cheska ay pumasok na kami.

"Oh, nakabalik ka na pala Jay. At kasama mo pa ang best friend ni Cheska na si Trixie", wika ng mama ni Cheska. "CHESKAAAA! ANAK! BILISAN MO NA! MAY BISITA KA!", sigaw nya.

Nagulat ako sa nanay ni Cheska. Ang lakas pala nito sumigaw. Ang galing.

[End of POV]

Sino kaya yun? Bahala na nga. Kailangan ko na tong bilisan. Hayst. Ito nalang nga. Maayos naman to tignan eh.

Nagbihis na ako at nag lagay ako ng konting make up. Para mag muka naman akong presentable. Nag suot na din ako ng sapatos na alam kong babagay sa damit ko.

Bumaba na ako at parang nabighani si Jay sa akin. Hahaha. Hayaan mo sya. Ay wait.... Bakit pala nandito si Trixie.

"BESHIEEEEE. Long time no see ah?", bungad sa akin ng aking best friend na si Trixie.

"Kaya nga beshie eh. Bakit ka nga pala nandito?", wika ko.

"Dadalawin sana kita at makikipagdaldalan. Pero aalis ata kayo ni Jay eh", sagot ni Trixie.

Parang napangiti si Jay ng slight. Haysh. Yung lalaking yun talaga.

"What if sumama ka nalang kaya samin besie. Isn't it a great idea?", sabi ko.

Parang nabigla si Jay at napatingin sakin.

"May problema ba Jay?", dugtong ko.

"Ah wala naman", sagot nya, " Tara na't sumakay na tayo sa kotse ko.

Nanguna si Jay lumabas at sumunod lang kami ni Trixie. Sumakay na kami sa kotse ni Jay. Wow. Anganda ng kotse nya. Pang bigtime. Teka nga pala, saan kaya kami dadalhin nito ni Jay?

"Ay nga pala Jay, saan mo kami dadalhin?", tanong ko.

"You'll know it later", sagot ni Jay.

Ay wow English. Sasabay nalang ako sa trip ng lalaking to.


Author's Note: Guys kaya naka bold yung half nito dahil puro POV ....okieee bye and thank you sa lahat...mwahhh

Colliding with DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon