Pumasok na ako at nahuli pa sa klase dahil nga may nagyari kahapon at eto pa sinabihan pa ako ni William na mukhang gurang.
"Anong nangyari sayo bakit parang hindi ka natulog mukha ka pang hindi naligo mukha ka ng gurang.....tiyaka yung gamit mo ang gulo gulo ...ANO BA YAN!!" wika ni William
Alam niyo si William siya yung tipo ng tao na parang nanay mong sinesermonan ka. Malinis siya sa gamit sobra kaya maraming nahuhulog sa kaniya dahil malinis siyang lalaki. Isang araw nga nag washroom lang ako tapos pagkabalik ko kumikinang na yung bag ko sa sobrang linis.Nung una kala ko si Andraige dahil isa rin yon sa pinaka malinis na lalaking nakilala ko.
"Sorry po" sagot ko
Kinuha ni William ang bag ko at inilabas lahat ng gamit ko.
"Ano ba... wala akong time para linisin yan!!" sigaw ko
"Kaya nga ako nalang ang magaayos madame" sagot niya na para bang naiinis
"ah yun ba" wika ko na napapahiya
Inihiga ko ang kanang kong pisngi ko sa desk
"Hayyy...ayyyoookkkooo nnnaaaa~" wika ko
Napansin ko na parang hindi nagsasalita si Andraige kanina pa puro aral ng aral.
"Uy" kinalabit ko si Andraige
"?" sagot niya
"Hindi ka man lang nagsasalita" wika ko
Tumingin siya sa akin at isinirado ang librong binabasa niya "Sabihin mo na kasi na miss mo talaga ako"
"Tigil tigilan mo nga ako Andraige" wika ko
"Ikaw itong kanina pang nagpapapansin sa akin...tsk Cheska hinay hinay sa pagnanasa sa akin baka mauwi sa isang lagim" wika niya na para bang nang aasar
Bumalik siya sa pagbabasa ng libro niya.
"kainis...yabang" bulong ko
"ting!" may nagtext sa akin
"SI JAY!!!!" sumigaw ako ng pinakamalakas na lahat ng tao tumingin sa akin pati narin si William na bising busy sa pagaayos ng gamit ko.
Nag excuse ako kay sir at umalis na ako
{Our Conversation}
Jay Scott: Cheska!!
Me: ?
Jay Scott: Alis naman tayo bukas
Me: Geh saan ba?
Jay Scott: Sa sine
Me: Geh go ako diyan
Jay Scott: Miss na kita...
Me: ...
Jay Scott: Hindi ka manlang nag goodbye sa akin nung lumipat kayo tapos sabi mo dapat thrice a week tayo maguusap eh parang once in a blue moon lang eh.
Me: Sorry busy ako eh
Jay Scott: Basta bukas ah
Me: Oo na bye na Jay
{End of Conversation}
Bumalik na ako sa room at nagulat ako sa nadatnan ko. Andami kasing flowers tiyaka chocolates sa desk nila William at Andraige.
"Ano yan" tanong ko
"Galing sa mga fans ko " nakangiting sagot ni William
"Eh ikaw Andraige....parang mas madami yung sayo" tanong ko
Hindi umimik si Andraige
"Galing yan sa lahat ng babae dito sa room except kay Trixie....tapos kanina marami rin nagbigay sa kaniya na galing ibang section pero tinapon lang niya" sagot ni William sa akin
"WALANG HIYA" sinuntok ko ang desk ko
Nagulat si William
"Huh bakit nagseselos ka ba?" tanong ni William
"Hindi yon....SAYANG LAHAT NG CHOCOLATES KAINIS KAYO!!! ANG YAYABANG KASI"sigaw ko
Biglang nagsalita si Andraige "So kami pa ang may kasalanan"
Umalis si Andraige hawak hawak lahat ng mga chocolates and flowers niya. Sinundan ko siya para matiyak na hindi niya itatapon yon. Dumeretso siya sa grade school building bakit kaya?
Sinundan sundan ko siya at may napansin akong kakaiba. Pumasok siya sa loob ng mga rooms ng mga grade school students at...
Binigay niya ang mga chocolates niya sa mga ito. Huh? kala ko ba tinatapon lang nya walang hiyang William yon! Ang cute tingnan ng mga bata na nakangiti habang kinukuha ang mga chocolates na binigay sa kanila ni Andraige hay...he's so angelic.
Dumeretso na ako palabas ng grade school building para maabutan pa ang last klase ko. Habang naglalakad biglang may humawak sa akin sa kamay at hinila ako. Sa kaka lakad ko patalikod para maiwasan siya hindi ko namalayan na asa likod ko na pala ay pader. Linagay niya ang kanang kamay niya sa pader para hindi ako makawala at tumingin siya sa akin.
Isang malamig na boses ang naramdaman ko "Bakit mo ako sinusundan?" tanong niya
BINABASA MO ANG
Colliding with Dreams
Novela JuvenilNaranasan mo na bang masama sa iyong sariling panaginip? Naranasan mo na bang umiyak pagkamulat mo ng iyong mga mata pagkatapos mong managinip? Masama man o mabuti pero minsan napapaisip tayo kung mangyayari ba ito sa totoong buhay. Maraming tao ang...