"Bakit kayo nang iiwan? Ha?!", pagalit na tanong ni Trixie.
Nagkatinginan kami ni Jay sa isa't isa.
"Ahh.. Ehh... Sorry na.", pagpapa umanhin ni Jay.
"Bayaran mo entrance fee ko", utos ni Trixie kay Jay.
"Eh paano ko babayaran? Diba sabi ko doon sa staff na hindi ka namin kasama? Bibigyan nalang kita ng pera. Ikaw na mag bayad doon", sagot ni Jay.
"AYOKO. IKAW ANG MAGBABAYAD", pagdidiin ni Trixie.
"You choose. It's either you'll pay the fee with my money, or you'll not be able to come with us", seryosong sabi ni Jay.
Ganyan pala pag seryoso si Jay. Napapa english sya. My bleed is nosing dun ah.
"Oh sige na nga. Akin na yan", labag sa loob na sambit ni Trixie at saka nya hinablot ang pera at saka bumalik sa entrance para mag bayad ng fee.
Tahimik lang kami ni Jay habang inaantay si Trixie. Bigla siyang napatingin sa akin.
"May dumi ba sa muka ko at ganyan ka makatingin sakin?", pag babasag ko ng katahimikan.
"Wala naman... Sadyang napaka ganda mo lang...", wika ni Jay.
Hindi nalang ako kumibo hanggang sa dumating na si Trixie.
"Tara na!", pang mamadali ni Trixie, "Excited na ako eh!".
"Hindi nga halata", sabi ko. Nagtawanan nalang kaming tatlo.
Una kaming sumakay sa drop tower. Anasaya saya namin yung tipong pag nasa tuktok kayo, kitang kita nyo lahat. Anganda ng view. Sobra.
Sumunod naman ay sumakay kami ng ferris wheel. 2 lang ang kasya sa isang sasakyan kaya kaming 2 ni Trixie ang magkasama. At si Jay naman ay nahiwalay sa amin. Babae ang nakatabi nya. Buong ride ay tili ng tili ang babaeng katabi nya hindi dahil sa ride. Dahil kay Jay. Kaya naman halatang halata sa muka nya ang pag ka irita. Natatawa nalang kami ni Trixie sa kanya. Medyo nakakahilo ang ferris wheel pero nakaka enjoy naman.
"Nakakairita yung babaeng nakatabi ko kanina. Tili ng tili. Ganon na ba ako ka gwapo?", payabang na sabi ni Jay.
Nagtawanan nalang kaming tatlo.
"Doon naman tayo sunod sumakay!", sigaw ni Trixie at tumuro siya sa roller coaster.
Nakaramdam ako ng takot. Dahil alam kong nakakahilo dun.
"Sige ba! Okay lang ba sayo, Cheska?", wika ni Jay.
"Natatakot ako eh. Nakakahilo ata doon eh", sambit ko.
Natahimik kami ng saglit at saka nag tawanan naman ang dalawa. Tawang tawa sila sa sinabi ko. May nakakatawa ba doon? Nagsabi lang naman ako ng totoo.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?", tanong ko.
"Kelan pa iikot ang vikings at mahihilo ka?", tanong ni Trixie at tumawa nanaman sila.
Ay. Vikings pala yung tinuro ko. Akala ko naman yung roller coaster eh. Nakakahiya naman.
"Ah ganun ba? Sige ba", sabi ko.
Agad kaming sumakay doon sa vikings. Swerte namin at sa pinakadulo ang pwesto namin. Nako masaya to.
"Hala bes... Bakit dito tayo sa pinakalikod pumwesto? Baka mataas to..", sabi sa akin ni Trixie.
Natawa ako sa sinabi nya.
"HAHAHAHA. Hindi naman to masyadong mataas bes. Kaya mo toh. Yung ferris wheel nga nakaya mo, ito pa kaya?", patawa kong sagot kay Trixie.
Kita sa muka nyang lumakas kahit papaano ang loob nya dahil sa sinabi ko.
Nung umpisa ng ride ay mababa pa. Hanggang sa pataas ng pataas na. Puro tili na lamang ang maririnig. Ansaya saya naming tatlo.
Habang punong puno kami ng saya ay bigla akong napalingon sa kaliwa ko. May nakita akong pamilyar na muka doon sa roller coaster. May kasama siyang babae at napakaganda niya. Kita sa muka nilang enjoy na enjoy sila. Pamilyar na pamilyar talaga sa akin yung lalaking iyon.
"Cheska? May problema ba?", tanong sa akin ni Trixie.
"Ah wala wala", sagot ko.
"Sigurado ka ha. Basta i enjoy nalang natin ito. WOOOOOH", masayang sabi ni Trixie.
Tama si Trixie. Dapat ko tong i enjoy. Minsan lang kami makapunta dito.
Pero hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa taong iyon. Napaka pamilyar nya.
Natapos na ang ride at bumaba na kami sa vikings. Sakto na bumaba na rin sa roller coaster yung lalaking pamilyar sa akin.
Pagbaba namin ay nagkuwentuhan agad si Trixie at si Jay. Ako naman ay patuloy lang sa paghanap sa lalaking iyon.
"Cheska, okay ka lang ba?", tanong sa akin ni Jay.
"Parang kanina ka pa natutulala dyan ah?", dagdag ni Cheska.
"Ah wala", sabi ko at pinilit kong ngumiti.
Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko yung lalaking pamilyar sa akin. Naka black syang long sleeved na shirt at naka ripped jeans. Naku, ang init init na nga sa pinas, may gana pa syang mag long sleeves? Abnormal ata ito eh.
Nag napatingin sya ay nagkatinginan kami.
.... Si Andraige?!
Parang gulat na gulat sya nang makita nya ako.
"Babe, okay ka lang ba?", nabasa ko ang sinabi ng babae sa labi nya.
At saka... 'babe'?!
Nakatingin parin kami sa isa't isa at napatingin na rin sa akin yung babaeng kasama nya.
Lumingon na ulit ako kay Jay at Trixie.
"Uwi na tayo", wika ko.
"Parang biglaan naman ata Cheska? Sakay pa tayo. Nag eenjoy pa tayo eh.", sambit ni Jay.
"Eh gutom na gutom na ako eh", pagsisinungaling ko.
"Meron atang food stall malapit dito eh", wika ni Jay.
"Mas masarap kase kapag sa bahay", palusot ko.
"Oh sige na nga", sagot ni Jay at umalis na kami sa amusement park.
BINABASA MO ANG
Colliding with Dreams
Teen FictionNaranasan mo na bang masama sa iyong sariling panaginip? Naranasan mo na bang umiyak pagkamulat mo ng iyong mga mata pagkatapos mong managinip? Masama man o mabuti pero minsan napapaisip tayo kung mangyayari ba ito sa totoong buhay. Maraming tao ang...