Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Kiefer na naka handusay sa lapag. Tinakbo namin siya sa ospital kahit nagdudugo pa ang aking kanang pisngi, kinakabahan ako na naiiyak baka kung ano ang mangyari sa kaniya.
Umupo muna ako at pinagmasdan ang mga tao sa paligid ko parang nahihilo ako na hindi ko maintindihan tatayo na sana ako upang mag hilamos pero biglang ...NAG STOP LAHAT NG TAO PATI NARIN ANG PAG HANGIN NG MGA PUNO SA LABAS NA PARA BANG BIGLANG NAG STOP ANG BUONG MUNDO.
Sumikip ang dibdib ko at nakarinig ako ng mga taong sumisigaw ng pangalan ko. Humihingi sila ng tulong sa mga doktor na parang mamatay na ako. Lalong sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Napa upo ako sa sahig sa sobrang sakit hindi ko rin magalaw ang aking buong katawan.
Nakita ko ang aking Ina na umiiyak sa kanang bintana ng silid at ang tatay ko na nagdadasal habang nakaluhod sa labas ng pinto.
"She survived" Ang huli kong narinig
Nawala lahat na para bang bula. Tumulo ang mga luha sa mata ko at bigla akong nagsasalita ng pangalan nila mama at papa.
"Ang weird? anong nangyari?" tinanong ko ang sarili ko
"Are you the guardian of Mr. Kiefer Ashton?" tanong ng isang babae
Ako ba kinakausap niya o kasama ito sa mga illusion kanina. Please ayoko na maranasan yon ulit ang bigat bigat ng pakiramdam ko at ayaw kong madagdagan pa.
"Miss?" nagtataka niyang wika
Tinitigan ko ang babaeng nagsasalita at parang may kamuka siya...
ANDRAIGE?....TEKA BABAE TO AH. PANO NANGYARI TO?!
"Ahmmm...kaibigan niya po ako. Kamusta na po siya? Pwede na po ba siyang malapitan? Hindi po ba siya magigising ngayon? Kailan po siya magiging stable? Malala po ba lagay niya? Kailangan po ba siyang operahan? Ano---
Napatigil ako dahil andami ko na natanong at nakakahiya na.
Ngumiti siya sa akin "Isa lang sagot ko sa lahat ng tanong mo.....Mabuti na siya ngayon"
Para akong nahiya pero at least napatawa ko siya mukha na kasi siyang stressed from work
Pumasok na ako sa loob ng silid ni Kiefer at hindi ko mapigilan umiyak sa sobrang galit ko sa sarili ko. Madaming galos ang binti ni Kiefer at ang leeg niya ay may malaking hiwa. Kaawawa talaga siya ...hay Cheska isa kang kahihiyan. Baka patayin na ako ng mga fans niya pag nalalaman nila kung anong nangyari kay Kiefer.
Everyday pagkatapos ng dismissal namen dumederetso ako sa ospital kung saan naka confine si Kiefer. Hindi pa alam ng mga magulang ni Kiefer kung anong nangyari sa kaniya kaya ako nalang ang bumubisita sa kaniya.
"BZZZT. BZZT. BZZZT."biglang tumunog ang aking cellphone
"Sir... Can I go out" wika ko
"Someome is calling me"
Umalis ako pero sinundan ako ng tingin ni Andraige. Ano ba meron dun?
Sinagot ko ang call:
Me: Hello?
???: Babe si Kiefer to
Kiefer: Gusto na kita makita naiinip na ako dito....please bisitahin mo ako kahit ngayon lang but please don't say anything to my parents.
Me: Ummm...Kiefer ako to si Cheska. Cheska Hynston
Kiefer: Huh.....C-cheska
Me: Gising ka na pala
Kiefer:....
Me: Nagiiwan ako ng mga flowers and foods diyan nakita mo ba?
Kiefer: .....
Me: Hello? Andiyan ka pa ba?
>End call<
Binabaan ako ni Kiefer bakit kaya? Tiyaka bakit babe may gf na ba yun wala naman ako nakita sa web na may rumored gf siya.
Dismissal na namen at umalis na ako agad para mapuntahan si Kiefer
"Wait Cheska..." wika ni Andraige
"Bakit?" Tanong ko
"Ummm...Wala sige alis ka na"
Anong meron dun?
[POV- Andraige Howard]
May mali sa babaeng ito. Hindi naman siya palaging excited umuwi pero bakit lately parang aligaga siyang umuwi.Sundan ko nga
[End of POV]
Naglalakad ako papunta sa ospital at parang may sumusunod sa akin. Tskk I can feel it meron talaga eh. Okay so pag bilang ko ng 3 lilingon ako 1...2...
BINABASA MO ANG
Colliding with Dreams
Teen FictionNaranasan mo na bang masama sa iyong sariling panaginip? Naranasan mo na bang umiyak pagkamulat mo ng iyong mga mata pagkatapos mong managinip? Masama man o mabuti pero minsan napapaisip tayo kung mangyayari ba ito sa totoong buhay. Maraming tao ang...