PROLOGUE

2.6K 67 8
                                    



MAAGANG bumangon si Kisses. Iyon na ang nakaugalian niya simula ng mag asawa siya maraming taon na din ang nakakaraan. She was already a sixty year old woman. Hindi siya makapaniwala na ganoon na pala katagal simula ng maikasal siya sa lalaking mahal na mahal niya.




Nang magising siya ay wala na doon ang asawa niya, nag paalam kasi ito sa kanya kagabi na pupuntahan muna nito ang isang kaibigan nito na bibili ng property nila sa Manila.





For thirty five years na magkasama silang dalawa ng asawa niya ay nagkaroon sila ng limang anak na ngayon ay may kanya-kanya na ding mga buhay. Tuwing huling araw ng linggo ay binibisita siya ng mga ito kasama ang mga apo niya.





Pumunta siya sa kusina at naghanda ng kape. Maganda ang araw na iyon sa kanya dahil iyon ang araw kung kailan bibisitahin siya ng mga anak at apo niya. Pagkatapos timplahin ang kape ay dumiretso na siya sa sala.





Umupo siya sa sofa na nandoon. Bubuksan na sana niya ang telebisyon na nasa harapan niya ng mahagip ng mga mata niya ang picture album niya.





Tumayo siya at lumapit sa kinalalagyan ng picture album. Her lips made a smile ng makita iyon. Dinala niya ang album na iyon at bumalik sa sofa. Binuklat niya ang unang pahina at naglakbay ang isip niya sa nakaraan ...



MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon