KABANATA I

1.8K 97 17
                                    



KISSES open her eyes and smile. Iyon ang unang araw niya sa kolehiyo. Hindi siya makapaniwala na makakapag aral pa siya ng college pagkatapos sabihin ng ina na ipapatigil na nito ang pagtustos sa kanya sa pag aaral. Hindi na daw kaya nito na pag aralin siya pagkatapos ibenta ang kalahating maisan nila sa kaibigan ng kanilang ama. Ayaw naman ng ina niya na ibenta ang natitirang kalahating maisan dahil iyon daw ang gagamitin nila sa pang araw-araw na gastusin sa bahay.





Nag-iisa lamang siya na anak ng mga ito. Mahal na mahal naman siya ng mga magulang niya, wala siyang problema sa mga ito in terms of pagmamahal dahil sobra sobra pang pagmamahal ang ibinibigay ng mga ito sa kanya. Kaya lang may problema sa pamilya niya, lack of financial. Isa lamang magsasaka ang ama niya at ang ina naman niya ay isang maybahay. Naiintindihan niya kaya hindi siya kayang pag aralin ng mga ito sa kolehiyo dahil simula pa noong bata pa siya ay namulat na siya sa katotohanang mahirap sila. Mabuti pa nga at nakakakain pa sila tatlong beses sa isang araw dahil sa maisan na pagmamay-ari ng yumaong lolo niya sa ama na ipinasa sa mga magulang niya.





Na-hospital ang ama niya noon dahil nahulog ito habang sakay ng kalabaw nito. Mabuti nalang at small fracture lang ang natamo ng ama niya. Dahil sa pagka hospital nito ay nabenta ng ina niya ang kalahating maisan ng ama niya para ibayad sa hospital kung saan naka confine ang ama niya.





Ayaw na nitong ibenta ang natitirang kalahating maisan dahil pag ginawa nila iyon ay baka wala na silang makain at baka maputulan na din sila ng kuryente at tubig. Kaya ng sinabi ng ina niya noon na hindi muna siya nito pag aaralin ng kolehiyo ay pumayag siya. Tutulong nalang siya sa gawaing bahay at minsan tutulungan niya din ang ama niya. Kahit babae siya ay marunong naman siyang magsaka dahil iyon ang itinuro ng ama niya sa kanya habang lumalaki siya. Hindi naman pumayag ang mga ito na magtrabaho siya sa Manila dahil wala daw siyang kilala doon.










Sa lugar kasi nila ay kahit public school ay may bayad. Mas mahal pa kaysa sa private school sa bayan. Dahil ang mga paaralang malapit sa kanila ay kulang sa pasilidad kaya nagpapabayad nalang ang mga ito. Hindi naman kasi binibigyan ang mga ito ng pansin ng gobyerno dahil sa layo ng kanilang lugar. Pero hindi pumayag ang ama niya sa desisyon ng ina niya. Hindi daw papayag ang kaibigan nito na hindi siya makapag aral.





"Carrie, ano ang sasabihin natin sa pamilya ni Donny ? Na hindi natin pagpapaaralin ang anak natin dahil ikakasal lang din naman siya kay Donny pagdating niya sa edad na bente singko ?"






Nang maalala ang sinabi ng ama niya noon ay napalingon siya sa itaas ng cabinet niya. Kinuha niya mula doon ang larawan ni Donny. Hinayaan niyang maglakbay ang kamay niya sa buong larawan. Napangiti siya. Simula bata pa siya ay iminulat na siya sa katotohanang ikakasal siya sa lalaking nasa larawan. Magkasing edad lang daw sila ni Donny, hindi niya alam kung ano na ang hitsura nito ngayon dahil ang larawang nasa kanya ay ang anim na taong gulang na si Donny. Napaka cute nito kahit wala itong ngipin sa harapan. Sa araw-araw na pagtingin niya sa mukha nito sa larawan ay nahulog na ang puso niya dito.





Magkaibigan ang ama niya at ang ama ni Donny na si Michael, simula bata pa. At napagplanuhan na ng mga ito noong nasa kolehiyo pa ang mga ito na kung babae ang anak ng ama niya at lalaki naman ang anak ni Michael ay ipapakasal nila ang mga ito. At hindi naman nagkamali ang mag kaibigan, kaya napag desisyonan ng mga ito na ituloy ang plano. It was a crazy bet in the first place pero naging makakatohanan iyon. Ayaw man niyang pinipilit siya sa isang bagay ay wala na din siyang magawa. Iyon ang desisyon ng mga magulang niya kaya pumayag na rin siya. Lalo na ngayong, larawan pa nga lang ni Donny ay tumitibok na ng mabilis ang puso niya.






Ayon sa ama niya ay mayaman ang mga Pangilinan. Isang mayor ang ama ni Donny sa Manila. At ang nag iisang anak nito na si Donny ay sa America daw nag aral ng high school. Ang sabi ng ama niya ay babalik na daw si Donny sa susunod na linggo dahil sa Manila na daw ito mag aaral ng kolehiyo.




Ang gusto ng ama niya ay sa Manila rin siya pag aaralin kaya lang, wala silang pera. Kaya, lumapit ito sa mga Pangilinan at ganoon nalang daw ang gulat ng ama na sinabi ni Michael na ito na daw ang mag papaaral sa kanya sa kolehiyo. Pero may kondisyon iyon, dapat doon daw siya manirahan sa mga Pangilinan.





Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Kaya ngayon, ay nandito siya sa silid na inilaan ng mga Pangilinan sa kanya. Nitong nakaraang linggo lang siya dumating doon at hindi siya nagsisisi na pumayag sa ama. Napakabait ng mag asawang Pangilinan, mainit ang pagtanggap ng mga ito sa kanya lalong-lalo na ang ina ni Donny.





Sa edad na kwarenta ay hindi halata sa mukha ng ina ni Donny ang edad nito. Sa hitsura nito at sa suot nito ay nagmukha itong trenta anyos.







Ibinalik niya sa itaas ng cabinet ang larawan ni Donny.




"Unang araw ko ngayon sa kolehiyo, mahal ko. Gusto mo bang sumama ?" tanong niya sa larawan. Napangiti siya ng sumagot ang larawan sa isip niya. "Hindi pwede, baka kasi agawin ka ng ibang estudyante doon." bago ibinalik ang larawan sa itaas ng cabinet ay hinalikan muna niya iyon. "Anyway, magkikita naman tayo sa susunod na linggo diba ?"





Pagkatapos mag bihis ay lumabas na siya ng silid. Nakita niya sa sala ang mag asawang Pangilinan. Paalis na ang mga ito.




"Kumain ka na, hija. Nauna na kaming kumain dahil marami pang gagawin sa office." wika ni Karen na ina ni Donny.





"Okay lang po, Tita. Mag-ingat po kayo sa biyahe." sagot niya. Pagkatapos mag paalam dito ay dumiretso na siya sa kusina at nag simulang kumain.





HINDI makapaniwala si Tony na sa unang araw ng klase niya ay male-late siya. Tinawid niya ang kalsada ng makita na ang Saint Augustus University, kung saan doon siya mag aaral. Sa edad na twenty three ay nasa unang taon pa siya sa kolehiyo, dahil iyon sa kabulastugan niya. Dahil sa masamang ginawa niya noon sa unang paaralang pinasukan niya ay na kick out siya. At simula noon ay wala nang paaralang gustong tumanggap sa kanya, mabuti nalang at kilala ng ama niya ang may ari ng Saint Augustus University kaya pumayag itong tanggapin siya doon. Limang taon din siyang hindi nakapag aral dahil sa issue sa kanya ng unang paaralang napasukan niya. Thanks to his father at makakapag aral na siya ngayon.





Ipinakita niya sa security ang I.D niya at pinapasok na siya. SAU was so big. Dahil sa kalakihan ng paaralan ay hindi niya alam kung saan magsisimulang hanapin ang room niya sa unang klase.





Pumalatak siya ng makitang eight thirty-five na at ang unang klase niya ay magsisimula ng eight thirty. Mabilis siyang naglakad at hinanap ang room number na nasa schedule niya. A sudden relief he feel nang makita ilang sandali ang room niya. Tumakbo siya palapit sa pinto at mabilis na hinawakan ang doorknob. Nanigas siya ng sabay nilang nahawakan ng taong nasa gilid niya ang doorknob. Napatingin siya dito at napahigpit ang paghawak niya sa doorknob nang mapag masdan ang kagandahang nasa harap niya.




















Don't forget to vote :)

MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon