KABANATA IV

963 72 11
                                    










At tama nga ang sinabi ni Donny, nandoon nga sa People's park sina Tony at Liza. Sa nakikita niya ay napaka sweet ng mga ito. Parang couple ang mga ito. Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya habang pinagmamasdan si Tony at liza na nakaupo sa bermuda grass at nakatingin sa mga punong nakapalibot sa parke.






"Anong nginiti-ngiti mo diyan ? Don't tell me, gusto mo din si Tony for Liza ?"









Nawala ang ngiti niya ng marinig ang boses ni Donny. Nilingon niya ito, masama siyang tiningnan nito. "E-eh k-kasi naman—"









"Let's go home .." mahinang sabi nito. Tiningnan muna nito si Tony at Kisses bago ito tumalikod.














"A-ang teddy bear ayaw mo bang ibigay ?" tukoy niya sa teddy bear na hawak-hawak niya. Napakabigat kaya niyon tapos mauuwi lang sa wala ang plano nito.










"Sa iyo na." maikling wika nito at dumiretso na sa kotse nito.









She widely smile. "Talaga ?!" hindi makapaniwalang tanong niya kay Donny na nakatalikod na.





He just waved his hands signalling her a yes. Wahhh! Ang saya niya, kahit siya ang bumili niyon sa mall ay kay Donny pa din ang perang ginamit sa pambili ng teddy bear na iyon. Mahigpit na niyakap niya ang teddy bear at naglakad papunta sa kotse nitong nasa parking lot.










"ANO ang type mo sa lalaki, Liz ?" 'Liz' ang tawag niya dito sa tuwing silang dalawa lang magkasama.




"I already told you about that, Tony." sagot nito habang iniinom ang buko juice na binili niya dito. Tiningnan siya nito at ngumiti. Ibinaba muna nito ang buko juice dahil sa ginawang pagkilos nito ay naamoy niya ang sweet cologne nito. Nasa high school palang siya noon ay na attract na siya sa babae, she was awarded as the Miss Xavier High School ng sumali ito ng pageant sa school nila noon. Unang kita palang niya dito ay nagandahan na siya. Simple lang at mabait. Sa tuwing nakikita niya ito ay iba't-ibang tao ang nakakasalamuha at nakakasama nito. Nang tanungin niya ang mga taong iyon ay puro positive responses at papuri ang sinasabi ng mga ito kay Liza. There is something in her that make every man hook for her.










"As i've said, ang gusto ko sa lalaki ay simple lang," tumaas ang kilay niya. Ako ata iyon. "Mabait, moreno, macho at higit sa lahat, kilala ko at kilala niya ako."





"Parang ako yata iyang dini describe mo .." ngumiti siya ng pilyo. At itinaas baba ang kilay.





Tumawa naman ito ng malakas. "Hindi ikaw ang tinutukoy ko, Tony."





"Ouch!" umakto siyang nasasaktan. Inilagay niya ang isang kamay sa dibdib at nag sad face. Ang sakit naman nyan, Liz."





"Tss, as if I know .. dami ngang babaeng nagkakagusto sa iyo noon eh, mga magaganda pa. Iyong isa nga naging kalaban ko sa pageant noon. What's her name, again ?"





"Si Sophia."





"Oh yes, si Sophia. Hahaha, hindi ba naging kayo ? Diba may balita noon na, may something sa inyo ?"





"Fake news iyon, Liz. Alam mo naman kung sino ang gusto ko .."






"Nandito na naman tayo, Tony. I already told you everything, my secrets, my life at alam mo kung bakit hindi pwede .."






MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon