KABANATA II

1.2K 79 17
                                    


"PAPASOK ka ba ?" tanong ni Kisses sa lalaking kasabay niyang napahawak sa door knob.





Inalis nito ang kamay at ngumiti. "Ladies first."




"Okay." ang sagot niya at binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay nakita niyang nandoon na ang professor nila. Pero sa hitsura ng pagkaka upo nito ay hindi pa ito nagsisimula sa klase. "Good morning sir."





"Good morning, sir." bati din ng lalaking kasunod niya.





"Good morning too. You may take you seat now." ng sabihin ng lalaking professor iyon ay inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Nang may nakita siyang bakanteng silya ay mabilis siyang naglakad papunta doon.





Sumunod naman ang lalaking kasabay niya kanina ay umupo sa bakanteng silya sa tabi niya.





"Anong pangalan mo ?" napatingin siya dito. Hindi niya alam pero biglang nag flash ang larawan ni Donny sa kanya. Parang sinasabi ng larawan na huwag siyang maging close sa lalaking ito. She smirked. Ano ba ang kahibangan ang iniisip niya ? Nagtatanong lang ang tao ng pangalan pero kung ano-ano na ang inisip niya.





"Kisses .. Kisses Delavin. Ikaw ?"





"Anthony Labrusca. But you can call me, Tony." ngiting sagot nito. Showing his white teeth.




Tumango siya at ibinalik ang paningin sa gurong nagsisimula nang magturo.





"YOU need to come home already, son." iyon ang bungad ng ama niya ng sinagot niya ang overseas call nito. Nasa America pa din siya waiting for his flight next week to Manila. "Kisses, was already here."





Nilingon niya ang larawan na nasa side table niya. A six year old girl child was looking at him, smiling. Ayaw man niyang dalhin iyon doon ay ipinagpilitan pa din ng kanyang ama na dapat isama niya iyon papuntang America. Simula bata pa siya ay palagi na nitong sinasabi sa kanya na dapat hindi siya pwedeng mag nobya ng iba dahil nakalaan na siya sa babaeng nagngangalang Kisses na hanggang ngayon hindi pa niya nakikita. He put a deep sigh. Kahit tingnan pa niya buong araw ang mukha ni Kisses ay wala siyang maramdaman kahit ano, he like someone else. And that's the reason why, he was so excited to come home. To meet again the love of his life.





"Dad, I already told you na hindi ako papayag sa plano mo. I don't care about her. I don't like her," inalis niya ang paningin sa larawan.





"No, son. You will like her as soon as you will meet her. Agad ngang nagustuhan ng mommy mo si Kisses, ikaw pa kaya ?"





He put a deep sigh at siniguro niyang marinig iyon ng ama sa kabilang linya. "Okay, fine."





"Really, son ?"





"Do I have other choice, Dad ?" isang buntong hininga pa ang ginawa niya at nagsalita ulit. "I will come home tomorrow. Ipa re-schedule ko nalang ang flight ko." bago pa ito sumagot at pinatay na niya ang tawag. Di-nial niya ang number ng kompanya ng eroplano na maghahatid sa kanya patungong Manila.





Pagkatapos kausapin ang staff ng eroplano ay ibinaba na niya ang telepono. He walk towards his bed at hinagis ang sarili sa kama. Tiningnan niya ang larawan ni Kisses, "Don't smile at me like that. I don't like you, you are so innocent. Alam ko hindi pa kita nakikita kaya hindi ko pa alam kung ano ang hitsura mo ngayon pero I know, I will not like you." Hinawakan niya ang larawan. "Gagawin ko ang lahat para hindi ka din pumayag sa gusto ni Daddy. I will persuade you no matter what."





MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon