CHAPTER XI

905 62 17
                                    





Sorry for the very late update, loves. I'll try to do my responsibility everyday. 😭😭

HAPPY READING :*









**



NAPAHAWAK si Kisses sa braso ni Tony ng muntik na siyang matumba dahil sa batong nakaharang sa paglakad niya. Mabuti nalang at mabilis siyang nasalo ni Tony. Ang mga kamay nitong nasa likod niya was giving her a hot temperature. Itinaas niya ang ulo para makita ang mukha ng gwapong lalaki. His eyes was looking into hers. Sa uri ng tingin nito sa kanya ay para nitong inaalam ang buo niyang pagkatao. Ilang sandali sila sa ganoong posisyon nang mapansin niyang bigla nalang nagbago ang mga mata nito. Those eyes was making her lost in some place. Para siyang dinadala nun sa isang lugar na hindi niya alam kung paano kakawala.





Dahan-dahan nitong ibinaba ang ulo sa kanya hanggang sa maramdaman na niya ang mabangong hininga nitong pumapasok sa ilong niya. She slowly close her eyes without knowing kung bakit niya ginawa iyon. Siguro dahil sa mabangong hininga nito kaya siya parang nahihipnotismo dahilan ng pag pikit niya. Ilang sandali siyang nakapikit pero hindi parin niya nararamdaman ang mga labi nito sa kanya.




"Kisses .." mabilis na binuksan niya ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses.



"Donny!" agad na tumayo siya at inayos ang nagusot na damit dahil sa pagkakahawak ni Tony sa likod niya. Bakit hindi niya narinig na may paparating pala ? Nagmukha talaga siyang tanga. Nang ibalik niya ang paningin kay Donny ay nakatingin lang ito sa mga mata niya. Nagtatanong ang mga titig nito sa kanya.




Nag init ang mukha niya kaya mabilis siyang umalis sa harapan ng mga ito. Mamatay muna siya bago makita ng mga ito ang pag init ng mukha niya.





"ANO bang relasyon ninyong dalawa ni Kisses ?" tanong ni Donny kay Tony ng wala na sa harapan nila ang dalaga.



Ngumiti siya ng mapakla. "Wala ka nang pakialam, pare."



"May pakialam ako kasi gusto ko si Kisses." sagot ni Donny pagkatapos ay tumalikod na para pumasok sa hotel.




Donny's last sentence before the guy left make his mind hang. Ano ba ang problema nito ? Una si Liza ngayon naman ay si Kisses. Why was this man was always contradicting his life ?




He make a deep sigh and look at him walking away.





PABALING-BALING si Kisses sa kama niya sa silid na nakalaan para sa kanya. Hating gabi na pero hindi pa din siya makatulog dahil sa kakaisip kay Tony. Alam na niya ngayon kung bakit nararamdaman niya ang mga bagay na iyon sa tuwing nakakasama o nakakausap niya si Tony. She like him. Even the clock in that room witness it dahil sa hindi siya makatulog. Pero hindi niya pwedeng hayaang ganoon ang mangyari.


But why does her mind saying na kalimutan nalang ang nararamdamang iyon and other part of her body ay nagsasabing dapat na ipagpatuloy iyon ?




Hanggang sa pagtulog ay mukha pa din ni Tony ang nasa isip niya.











NAPANGITI si Tony ng marinig mula sa instructor nila kung ano ang activity nila sa hapon na iyon. Nasa function hall sila ng hotel at nakikinig sa instructions kung ano ang dapat at hindi dapat gawin during the activity.



"Every group has a flag with their respective color. Kailangang mahanap niyo ang mga flag na iyon bago gumabi. Kung sinong team ang unang makaka kompleto sa tatlong flag ay siyang mananalo. Kung sino namang team ang matatalo ay hindi kakain ng dinner. Understand ?"



MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon